If ever may corrections po kayo kindly comment nalang po para ma edit agad. Thank you ❤️
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
________________Aby's POV
Ilang oras din ang aking binyahi patungo sa bago kong tutuloyan sa Cagayan de Oro. Nadelay kasi ng ilang oras ang flight ko kaya mas natagalan pa ako. Dito ako pinagpapatuloy ng pagaaral ni tita dahil may bahay din dito sila tita.
Malapit ng lumubog ang araw at andito ako ngayon sa isang taxi.—Dalawang oras rin ang byahe mula airport ng laguindingan papunta sa new dorm ko.
Nang makarating na ako, agad akong bumaba at binaba ang lahat ng dala ko tsaka humarap sa dorm. Medyo may kalumaan na ang dorm nato pero okay lang naman dahil katutubo ang disenyo pero at the same time creepy. May naka ukit na WELCOME sa gate at nakikita talaga sa malayo.
"Tao po? May tao po ba?" Malakas na sabi ko. Lumabas ang isang matandang babae na pamilyar sa akin. – si Ate Maya, totoong pangalan niya ay Maya Santiago. Bumibisita si Ate Maya sa bahay namin sa Maynila kaya kilala ko siya pero ang huling bisita niya ay nung 13 anyos pa lamang ako. Di ko inaasahan ang malaking pagbabago sa mukha niya. Mas lalo siyang nag mukhang matanda dahil sa malalaking eyebags nito.
"Oh! Aby, andito kana pala . Hali ka pasok ka sa loob." Sabi ni tita at tinulongan akong buhatin ang aking mga dalang maleta tapos nauna nang pumasok sa loob. Napahinto ako sa pintuan dahil sa nakita kong nakaukit sa ibabaw : Roi-regina-vijzel-as
Nagtaka ako kung ano yun. Hindi ko nga alam parang ang hirap naman niyan. Translator nga please.
" Kanina ka pa ba dito? Sha nga pala wala pa dito ang tita Emily mo. Kaya ako muna ang nagbabantay dito. Bilin niya sa akin na ihatid daw kita sa kuwarto mo. Sabi niya rin na pwede kang maglibot-libot dito kung gusto mo pero di kita masasamahan ha, pasensya na.Iilang dormers lamang ang nandito dahil sembreak pa ngayon. Baka nextweek pa ang balik ng ibang dormers." Umakyat siya sa taas at sumunod lamang ako. Huminto siya sa tapat ng isang pintuan at tinuro niya sa akin na ito daw ang kuwarto ko tsaka tumalikod na.
"At bago ko makalimutan, bawal nga palang pumasok o sumilip ang mga dormers sa pinakadulong room sa second floor dun sa may bandang kaliwa kasi ipinagbabawal ng ate Maya mo." Tinuro niya ang daan patungo sa third floor.
" Bakit nga po pala?" tanong ko.
"Basta! Hindi kasi yon pinapapuntahan ng ate Emily mo at tsaka bawal talaga kahit ako nga bawal pumasok dun." Tumalikod na siya at naglakad palayo.
Nacucurious tuloy ako kung anong meron sa room nayon. Well, curiousity kills, diba? So why should I go there? Masama rin ang kutob ko sa kuwartong sinasabi ni ate Maya. Pero wala naman sigurong mawawala kung sisilipin ko lang diba? Mamaya nalang siguro ako pupunta doon pagnatapos na akong mag-arrange ng mga damit ko.
Binuksan ko na ang pintuan ng aking kuwarto at ipinatung ang mga maleta ko sa kama. Sinimulan ko ng mag-ayos at tsaka ko nilagay sa cabinet. Sakto lang naman ang kuwarto ko. Di naman ganoon kaliit pero di naman ganon kalaki, sakto lang naman para sa isa. Nga pala ang linis ng mga kwarto at kumpleto ang mga gamit kahit may kalumaan na ay may smoke detector ito. Ang cool diba? May malaking cabinet at salamin din tsaka telepono.
*Kring Kring Kring*
Narinig ko ang ring ng telepono ko kaya lumapit ako sa may salamin at inilagay ito sa tenga ko. Di ko kilala pero sasagutin ko rin naman. Mahiya naman ako, ang bago-bago ko lang dito tas magsusungit agad.
BINABASA MO ANG
Game of cards (completed)
Misterio / SuspensoGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?