Chapter 26

2.3K 43 6
                                    






Jack's POV

"Kamusta ang laro?" umupo si Ace sa mesa at isinarado ang maalikabok na bintana ng lumang bahay. Hindi naman kasi kami nakaharap sa bahay kaya hindi nila malalaman kung sino kami. Ang lumang bahay nato ay nasa harap lang ng dorm ngunit may daan kami sa likod para hindi kami makita. Wala ring cctv sa dorm kaya hindi nila malalaman kung sino ang lumalabas sa mga kwarto kung madaling araw na. Alam ng may ari ng dorm kung sino kami ngunit hindi sila makapagsalita dahil ayaw nilang mapasali sa gulo at ayaw  nilang mamatay.

"Ito masaya........ Kaso yung kaibigan mo mukhang humihina na naman." Nag de cuatro ako at hinarap siya. Napailing nalang siya at kinuha ang rope na ginamit niya.

"Hahaha hulaan ko si........ KING?" natatawa netong sambit. Ngumisi ako at tumango.

"It seems like he's inlove with Aby. – He ruined the game for Aby. – He killed Marco for Aby. He's such a moron, an idiot and a skank." I cant blame my self for cursing him. He deserve those, anyway. Napakahina niya talaga.

Maganda si Aby, alam ko. Ngunit mapili ako sa babae. Maruming babae si Aby at ayaw ko sa mga ganon. Alam kong marumi na rin ang mga kamay ko dahil nakapatay na ako. Ang hinahanap ko lang sa isang babae ang marunong mahalin ang isang tao kung ano man sila.

"Yaan mo pagsasabihan ko. I already know that girls are his weakness."

"But how about the game? Hindi natin siya pwedeng pabayaan sa gusto niya. Alam mo naman na para sayo tung ginagawa namin. Kung dahil sa kanya magkakagulo gulo ang laro then its better for him to die."

"Nakakakilig ka talaga. Kaso di kita mahal eh. Si King ang gusto ko so sorry sayo." tumalikod siya at aakmang lalabas na ng kuwarto. Ewan ko talaga sa iyo, Ace.

"Magkaibigan nga kayo, pareho kayong tanga." Sabi ko.

__________________

Aby's POV

May nag iwan sakin ng sulat sa may lamp shade ko nang makarating ako dito sa dorm. Nakalagay lang naman dito na:

Pumunta ka sa lumang bahay sa labas ng eskwelahan niyo – kung gusto mong makilala ang TRINITY.

Hindi ordinaryong pansulat ang ginamit nila – kundi dugo. – Di na ako nag aksaya pa ng panahon kaya pumunta na ako sa lumang bahay. –Di na ako kumatok at pumasok na agad. Nakita ko ang isang taong nakamaskara at nakaupo sa isang upoan. Umupo rin ako sa kanyang harapan kahit malakas ang kabog ng puso ko at nanghihina na ang tuhod ko.

"Kamusta?" bati neto. Di ko makilala ang boses. Ibang iba talaga ang boses nito at nakakatindig balahibo.

"Sino ka? Isa ka ba sa Trinity?!" mariin kong tanong.

"Hindi pero isa ako sa kanila!" Kahit nakamaskara siya ay alam kong nakangisi ito. Hindi ko mawari kong sino ito. Kahit ang hugis ng katawan nito. Aba ang punyeta pala to eh. Tatanungin ng maayos eh ganyan isasagot. 

"Ano?! Ginagago mo ba ako."  Sabi ko.

"Oo! Pati nga si Khael ginagago ka?" aba't ang kapal ng mukha netong isali si Khael sa usapan! Una si Marco ngayon si Khael naman?

"Hahaha si Khael?! Anong na naman bang paninirang gagawin niyo sa kanya? Di pa ba kayo nagsasawang siraan siya sakin?!" singhal ko. lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mapagtanto ko kung asan talaga ako. Nasa isang madilim na kuwarto kasama ang nakamaskarang tao sa harapan ko. Kapahamakan, kaba, at kamatayan – yan ang bumabalot sa akin ngayon.

"Totoo ang sinasabi ko dahil ako ang Ace. – Ang kaibigan niya." Ace?! Di ba patay na siya noon pa? At diba ang ace noon ay si Andree?! I-imposible naman atang siya si Andree. Mahal ako ni Andree at – hindi niya ako kayang patayin. Wait si Andree ba?

"Ang ace of spade noon? P-paano? Patay na siya at yan ang sabi ni  Khael."

"Sigurado ka? – Hmmm sabagay wala ka pa dito noon." Sumilay ang napakalaking ngiti sa labi neto. Tumayo lahat ng balahibo ko at nanuyo ang lalamunan ko.

"S-sino ka ba talaga?!"

"Ikaw ang sino ba talaga? – Sino ka ba talaga Abygayle? – Alam mo bang may naghahanap sayo? – isang babae. Kapatid mo daw." K-kapatid? Wala akong alam na may kapatid ako.

"Sinong kapatid? Anong pangalan niya."

"Asha Tan." Mahinahon netong sambit. Ni-recall ko kung saan ko narinig ang pangalang iyan.Alam ko na!

"Asha? Isa lang ang kilala kong Asha Tan. ang kaisa-isahang dalaga na nakaligtas sa patayan na nangyari dito mismo sa lumang bahay na to." Sabi ko.

"Siya nga. Si Asha. Do you want to see her?"  ngunit paano ito naging kapatid ko?

"Yes! I really want to see her."

Tumayo siya at dumukot ng kung ano sa suot niyang jacket. Lumapit siya saakin at binigay ang papel na may nakasulat ng kung ano.

"Here. Nakasulat diyan ang lugar kung kelan at saan mo siya I-memeet." Naglakad na siya papunta sa pinakamadilim na parte na lumang bahay na to – at kung saan na hindi ko na siya nakikita.

Jelly's COFFEE SHOP. 7pm sharp. Meet me there, sister.

_______________________

Hinihintay ko ngayon si Asha Tan. 6pm pa ako nandito para naman hindi ako malate. –Bumukas ang pintuan ng coffee shop at isang magandang babae ang pumasok. Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko.

"Good evening, Abygayle." Mahinhin netong sabi. Hinila niya ang upoan at umupo sa harap ko.

"H-hi! You must be A-asha Tan?" nagpilit ako ng ngiti at ipinagsiklop ang mga daliri ko. Nanginginig ako, sobrang kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung bakit.

"Yes Abygayle Sy." Binigyan niya rin ako ng nakakalokong ngiti.

"A-aahhmm. May nakapagsabi sa akin na you're searching for me?" I said. Iba ang apilido niya sa apilido ko. Sy ako at Tan naman siya.

"Ah yeah yeah. Daddy told me that I have a stepsister...... at ikaw daw yun Abygayle Sy." She flipped her hair and comb it with her fingers.

"Bu – But h-how?"

"Anak ka daw niya kay Nel ata yung name. ang babaeng nakilala niya sa eroplano noon."

"Nel? Do you mean si Tita Nel Sy? Kapatid siya ng umampon sakin. " I asked. Yeah you heard it right. Sy rin ang apilyedo ni tita dahil hindi niya ginamit ang apilyedo ng asawa niya at hindi ko naman kilala ang ama ni Andree eh.

"Yes si Nel Sy. Wait?! Did you just call her your TITA?"

"Yes my TITA, tita ko siya.—I mean not totally kasi inampon ako ng kapatid niyang si Lita."

"No! Dad told me na anak ka niya kay Nel." Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtaas ng boses niya. – Hindi ko naman siya kilala pero bakit siya nagtataas ng boses sa akin at tsaka di ba niya nakikita na pinagtitinginan na kami ng mga tao. Si Tita Nel ay tita ko lang dahil inampon lang naman ako ng kapatid niya at hindi naman talaga kami blood related.

"A-ahhhh..... I just need to ask tita. I better talk to you soon." Tumayo na ako at inayos ang upoan.   "And nga pala. – Anong pangalan ng papa mo?"

"Donny Tan."

Author's Note:

Guess what? Babae nga ba si Ace?

Anyway, readers if ever nagugulohan kayo sa story you are free to ask me. Love lots mwuahh.

Kung hindi niyo talaga maintindihan ang conversation nina asha at aby. Ito para sa inyo hehe

Si Nel Sy na akala ni Aby na tita niya ay ang totoo niyang ina according to Asha.

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon