Chapter 27

2.1K 36 2
                                    






I'm going to meet tita Nel and ask her about this man named Donny Tan.  – Baka malaman ko kung sino ba talaga ako at saan ba talaga ako nangaling. Oo, naguguluhan ako. Ang sabi ni tita sa akin anak ako ni Lita, yung kapatid niya. Tas ang sabi naman sakin ni Asha anak ako ni tita Nel at ng tatay niyang si Donny.

"Oh kanina ka pa dito, Abygayle?" she asked. – She pulled the chair and sit on it.

"Hindi naman po, kararating ko lang." mapait kong ngiti.

"Haha buti nalang talaga at sinabihan kita na nasa Iligan ako. Im here in Mindanao too for a business matter. May bago kasing kliyente na gustong bumili ng lupa ng mommy Lita mo. Anyway, what do you want?"sumeryoso ang mukha niya at umayos ng upo.

"I just want to ask kung sino si Donny Tan?" kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni tita ng mabanggit ko ang pangalan.

"H-how d-did you know him?"

"Answer me,tita! Who is Donny Tan?!" nabigla ako dahil sa pagtaas ng boses ko. – Di ko naman sinasadya ang pagtaasan siya ng boses.

"Wag na wag mo akong pagtataasan ng boses, Abygayle! At tsaka bakit ba ha? Anong kailangan mo sa taong iyon?!"

"Totoo ba na siya ang ama ko at ikaw ang ina ko?" nagsimula ng mamuo ang mga luha ko. Hindi na siya nakapagsalita at yumuko na lang. "Tita sagutin mo ako! Totoo ba ang lahat ng nalaman ko?!" wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Kanino mo nalaman yan? Who told you?!"

"Hindi na mahalaga yun. Ang kailangan ko ay ang sagot mo."

"Oo! I know Donny! May nangyari sa amin at ikaw ang bunga!" nagulat ako dahil sa narinig ko at tuloyan ng tumulo ang mga luha ko. All this time, ang kinikilala kong tita ay ang tunay kong ina! How dare her! Paano niya nagawa ito sa sarili niyang anak?! Napakasama niya!

"Pero hindi yan ang sinabi mo saakin noon! Buong akala ko ay kapatid ka ng mama ko. Hindi ko aakalaing ikaw na mismo ang magsasabi na hindi talaga ako ampon! Ipinagkait mo sa akin ang pagkakataong maging ina kita! "

"Yes, because I don't know what to do that time. Lalo na nong nalaman kong may asawa at anak na si Donny kaya nag isip ako ng paraan para hindi ako mapahiya sa pamilya ko. Ilang buwan ako nagtago para maipanganak lamang kita. Pinakabas ko na napulot kita at binigay kita kay Lita. Kaso mas naging malaki ang problema ko nang magkagusto si Andree sayo – at alam mo namatay siya dahil sayo?!" pag-aamin niya. Nagsmirk si tita at pinunasan niya rin ang luha niya.

"D-dahil sa-sakin? P-paanong d-dahil sa akin? Wala akong ginawang masama sa kanya."

"Gumawa siya ng laro dahil sa pakikipaghiwalay mo sa kanya. – At nakapatay siya. – Gumanti ang mga kasama nito at siya naman ang pinatay. Alam mo bang gusto rin kitang patayin nang nalaman kong namatay si Andree?!!!!"

"Ano?! Paano mo yan nalaman?!"

"Dahil marami akong kakilala diyan. Si Gideon, si Eun at si Luna – they are my beneficiaries sa scholarship. Kapalit ng scholarship na bigay ko ay ang pagtulont nila sakin."

"Pero kung anak mo ako, bakit ayaw mo akong paalisin dito?"

"Because I want you – dead! Simula nang dumating ka sa buhay ko puro na kamalasan ang dinala mo! My sister died because of you! My son died because of you! Naging kahihiyan ka sa pamilya ko! Salut ka!"

"Its not my fault! Kung sinabi mo ang totoo noon pa eh wala sanang namatay pa! Napakaselfish mo! Sarili mong kagustuhan ang iniisip mo! – Hindi ako mamamatay dito kasi gusto mo, mabubuhay ako dito at hahanapin ko ang tatay ko!" tumayo ako at tumakbo hanggang sa makarating ako sa dorm ko. umiyak lang ako ng umiyak dahil sa mga nalaman ko.

Bakit ?! sarili kong ina gusto akong mamatay? Bakit?!May nagawa ba akong mali?! Kasalanan ko ba kung bakit ako nabuhay?! Kasalanan ko bang ginawa nila ako?! Kasalanan ko ba kung bakit namatay si Nanay Lita?! Kasalanan ko ba kung bakit namatay si Andree.

This is not the end. Kailangan ko munang lumabas dito ng buhay. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kuwarto ni Ryan. Kumatok ako at tinawag ang pangalan niya. Pinagbuksan naman niya ako pero isang Ryan na naka kunot ang noo ang humarap sakin.

"What do you want?" masungit nitong tanong.

"P-pwede b-ba kitang makausap?"

"Kung sasabihin ko bang ayoko. Hindi mo na ako kukulitin?"

"Hindi rin."

"Okay. Dun nalang sa rooftop."

___________________________

Someone's POV

Nakangiti ako habang nakatingin sa monitor. Oo, may hidden cameras dito. Tigiisa ang bawat kuwarto at bawat hallway. Pati narin ang kusina at sala.

"Malapit na ang pagtatapos. Malapit na naming matapos ang iniuutos niya. – TIKTOK TIKTOK!" Bulong ko. "Ito na ang katapusan mo Abygayle.  Malapit na."

Kinuha ko ang isang Crayola at sumulat ako sa papel.

BLOODY NIGHT

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon