Chapter 15

2.6K 39 4
                                    


Gumising ako ng maaga dahil unang araw ko sa school ngayon. Kinuha ko ang towel ko sa cabinet at lumabas na ng kuwarto. Pumunta ako sa cr at umupo muna kasi may gumagamit pa neto. Nasa first floor ang cr kasi walang cr ang second floor. Meron naman sa rooftop pero nakakatamad umakyat. Tumabi sa akin si – Vanessa.

"Ang landi mo din no? Kabago bago mo, nanlalandi ka na agad." Tumingin siya sa akin at nag smirk. First conversation pa nga namin to ni Vanessa at ganito pa ang magiging topic. Tama talaga ako na masama ang ugali nito. Halata naman kasi na masama ang ugali nito.

"Ano bang sinasabi mo?" kunot noo kong tanong. Kalma Aby kasi di mo siya kilala.

"Tapos maang-maangan ka ngayon." Tumaas ang kilay niya at hindi parin nawawala ang smirk sa kanyang mga mukha. Oo, mga mukha eh kasi palagi kasi siyang nakamaskara at nagpapanggap na mabait. Ano bang kailangan ng babaeng to?

"Hindi ako nagmamaang maangan. Hindi ko lang talaga alam yang sinasabi mo." Tinanggal ko ang tingin sa kanya.

"Okay fine. I'll tell you. Si Khael.... Nilalandi mo si Khael." Nagulat ako dahil sa pangalang binanggit niya. Just wtf? Magkaibigan lang kami ni Khael. He confessed but I dont feel the same, duhhh.

"Wow! Ang galing mong gumawa ng issue ha?" tiningnan ko siya at tinaasan rin ng kilay. Hindi lang siya ang may kayang magtaas ng kilay. Kung di siya magpapakita ng maganda sa akin then bring it on.

"Totoo naman diba?" sabat niya.

"Wag mo akong itulad sayo Vanessa, manggagamit ka." Totoo naman talagang manggagamit tong babae na to. Ginagamit niya lang si Luna para sa sarili niya.

"Talaga? Ano bang alam mo?" nakangisi niyang sabi.

"Ginagamit mo lang si Luna para makapasa ka diba? Hindi ka na nahiya sa sarili mo? Gumagamit ka ng iba para sa pansariling kaligayahan? How pathetic." Ningisian ko siya at inirapan.

"How did you know that? Siguro nga tama ang hinala namin na ikaw ang pumapatay. Una, ikaw lang malayo samin nong gabing yon. Tapos alam mo ang lahat. Ikaw ang Queen." Tinaasan niya ako ng kilay. Ah so ako pa ang pinanghihinalaan nilang queen. Eh, obvious naman na siya si queen. Simula palang siya ang queen dahil alam niya lahat ng sekreto.

"Tingnan mo muna sarili mo Vanessa. Don't you think na mas masahol ka pa sa akin." Tumayo ako at kinuha ang towel ko. Nakakapagod makipag usap sa isang di edukado.

"Totoong tao lang ako Aby. Hindi katulad mo, mapagpanggap. By the way, nice talking to you bitch." Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at umalis na din.

______________

Jonathan's POV

Nasa skwelahan kami ngayon at may klase pa sila Sara. Nakita ko si Vanessa sa bench – mag isa kaya lumapit ako at inakbayan siya.

"Hi babe." Bati ko at ngumisi ng malaki. An cute cute talaga ng babe ko. Kahit araw araw niya akong sinusungitan mahal ko padin siya.

"Babe? Sino naman nagbigay sayo ng karapatan na tawagin akong babe?" maarte niyang sabi. Ang babaeng to talaga. Nakakaturn on para sakin ang pag-iinarte niya. Nakakaturn on ang pagiging hard to get niya. Oh, come on. Ganyan ang gusto ng mga lalaki diba?

"Akala ko ba pagnapasagot ko si Sara, magiging tayo na?" nagpout ako at tiningnan siya.

"Bakit nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sayo?" sabi niya at umirap.

"Diba inupdate ka niya. – Once a week kami sa motel." Sabi ko.

"Pero wala pa siyang sinasabi na buntis siya." Bakit ba gusto niya pang mabuntis si Sara e di ba bestfriend niya yun?

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon