Chapter 24

2.2K 39 3
                                    






Vanessa's POV

Nakita ko si Aby sa labas at nakatingin sa malayo. Oras na upang kausapin ang bitch nato. Nilapitan ko ang babaeng yun.

"Kamusta ka Aby? Ang babaeng malandi.—Alam mo ba umamin sakin si Jude na gusto ka daw niya. Psh, ano bang meron sayo eh hindi ka naman kagandahan." Pagsisimula ko.

"Wala akong paki at tsaka wag mo akong igaya sayo." Pagtatapang tapangan niya. Aba-aba marunong na palang sumagot ang bruhang to. Kung makaasta parang kung sino ring malinis.

"Nagalaw ka na ba ni Khael kaya di ka na makaalis sa dorm nato?" bumuga ako ng usok mula sa sigarilyong hinihithit ko. Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko kaya napatayo siya at hinarap ako.

"Ang kapal ng mukha mo. Hindi mo ako katulad Vanessa na gumagamit ng iba para manakit. – Ikaw tong nagpapagalaw kung kani-kanino eh. Diba may nangyari na sa inyo ni Jude? Ang pinagpapanggap mo para magamit mo si Luna. Kapal ng mukha mo te."

Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot. "Paki mo? Atleast ako totoo ako sa sarili ko. eh ikaw? Nagtatago ka sa isang maskara na mabait at inosente. Paano kaya kung malaman mo ang sekreto ni Khael? Matatanggap mo kaya siya?" nagpakawala ako ng nakakalokong ngisi. Napakainosente talagang tingnan ng Aby nato. Magaling, napamangha mo ako.

"What do you mean?" kunot noo niyang tanong. I smirked. Psh, poor girl kung alam niya lang.

"Malalaman mo rin Aby." binigyan ko siya ng ngisi ko na pilit.

"Anong alam mo?! Ay bakit ko ba tinatanong eh ikaw nga ang Queen kaya alam mo ang lahat ng sekreto namin. Tama diba?"

"Oo! Alam ko lahat ang sekreto niyo. Alam ko ngang may lihim kayong relasyon ni Andree noon – pero nakipaghiwalay ka sa kanya kaya niya naisip ang laro namin. Cards of Spade is about pain of love." At binugahan ko siya ng usok sa mukha. Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon niya. Hindi niya siguro inaasahan na alam ko.

"Ano naman ngayon sayo? Wala ka ding pakialam sakin. Humanda ka! Hahanapin ko ang ace para mapatay ka." Nakangiti netong sambit. Bakit Abygayle? Ano bang alam mo?

"Hindi mo na mahahanap ang ace dahil patay na siya. – well well, kilala mo ba kung sino talaga si Jonathan?" sabi ko at tiningnan siya ng madiin sa kanyang mga mata.

"Jonathan? HAHAHA hindi siya ang Ace siya ang Jack dahil ikaw ang Queen at si Jude ang King."

"Paano kung mali ka? Wala sa amin ang TRINITY Aby. nasa paligid sila. Nagaantay ng tamang oras para kumilos." Alam kong may alam ka na Aby. Alam kong naghihintay ka lang ng tamang oras.

"Wag ka ng magmaang maangan Vanessa.. dahil ikaw ang Queen." Napangisi ako dahil sa sinabi niya.

"Bahala ka sa buhay mo – basta binalaan kita. Subukan mong buksan ang mga mata mo baka sakaling makilala mo ang TRINITY. Tulad mo rin sila nakasuot ng maskara.

________________

Someone's POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nang mamatay si Atara, Jonathan at Marco. Andito kami nila mommy sa school dahil kailangan dawng pumunta ng mga parents.

"Ang bobo mo talagang bata ka. You are a disgrace to our family! Hindi naman kami nagkulang sa pangaral sayo pero lagi ka pading pangatlo sa listahan." Binatokan niya ako gamit ang purse na dala niya. Inirapan ko siya so what if pangatlo lang? Wala akong pake.

"Hindi nagkulang? – Baka nakakalimot kayo na nakalimutan niyo na ako. Laging na kay Shella ang atensyon niyo." Pinagtaasan ko siya ng boses kasi napupuno na ako sa kanila. Ano nga bang meron kay Shella na wala ako ha? Kung sa tutuusin si Shella itong hindi matalino eh!

Sinampal niya ako bago siya nagsalita. "At sumasagot ka pa talaga ha! Di porke't pinag-aral kita sa isa sa pinakasikat na eskwelahan gaganyanin mo na kami. Dahil kung di samin, wala ka ngayon sa kinatatayuan mo. Di ka ba nahihiya sa amin? Binigay na namin ang lahat sayo tas pangatlo sa listahan ang isusukli mo?"

Bumulong ako sa sarili ko at hindi na sinagot si mama. "Wala nang makakatalo sakin dahil wala na si Atara." Umalis ako at hindi na nagpaalam kay mama. Nakakapuno na eh. Puro panlalait at masasamang salita na lang ang maririnig ko. NAKAKASAWA! – Pumunta ako sa lumang bahay na malapit sa dorm namin at pumunta sa second floor. Nakita ko si King doon na naka de cuatro.

"Anong balak mo ngayon? Sino ang isusunod natin?" nakangiti niyang sambit.

"Si Abygayle." Nakangiti kong sabi.

"Gago ka ba?" tumayo siya at hinila ang buhok ko.

"Oh! Bakit ka nagrereact ng ganyan? HAHa mahal mo talaga siya no? Tsk tsk King hindi ka niya kayang mahalin sa sekreto mo." I just dont know kung anong meron sa Abygayle na yan. Kung bakit lahat ng lalaki ay may gusto sa kanya. Itong si Jack nalang siguro ang hindi pa nagkakagusto sa kanya.

Binitawan niya ako at bumalik na sa upoan niya. "Pareho lang kayo ng utak ni Jack. Akala niyo kung sino kayong malinis. Pare-pareho lang tayong may baho, Queen."

"Mas maamoy nga lang ang sayo. – By the way, ubusin na natin ang mga matatalino. Isunod na natin siya." Napangisi ako sa kanila. Napatingin sila sa akin dahil alam nila ang ibig kong sabihin.

"Bitter ka parin pala sa pagkatalo mo? Nagalit na naman ba ang mommy mo kasi bobo ka?" nagulat ako nang sinabi niya iyon sakin. Kaya tumayo ako at sinakal siya.

"You should stop King if you still want to live."natawa siya at kinuha ang kamay ko niya sa leeg niya. Kinuha ko ang sigarilyo ko sa bulsa ko at sinindihan ito.

"So? Anong plano?" tanong nito at pumunta sa harap namin.

"Just like the old times."

I called her para masagawa na namin ang plano namin. Siya ang isusunod namin. I dont really fucking care if she dies because that bitch is just my toy. Well, ginagamit ko lang naman sila para sa sariling interes. Poor them. HAHAHAH hindi nila alam.

"Hello? I need to see you. Alam ko na ang sagot sa misteryo ng symbol na ginamit ng TRINITY." Sabi ko. I know why they want to know the meaning of the flower para hindi na sila mapatay.

"Ano?" sabik nitong tanong. Pumorma ang ngisi sa aking labi.

"Basta pumunta ka sa kanto mamaya and I'll tell you."

Pumunta na kami sa kanto – oo! Kasama ko si King at Jack. Kailangan ko naman sila para masagawa ang plano. Hinintay namin siya ng ilang minuto – at sawakas dumating na siya. – Nagulat siya nang makita niya ako at ang mga kasama ko. I smiled at her and walked slowly.

"B-bakit k-kasama mo sila?" nanginginig niyang tanong.

"Surprise, Bitch?!"

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon