Chapter 14

2.5K 35 0
                                    




Sabay kaming lumabas ng kuwarto at nagtungo sa dining room. Magkatabi kami ni Khael kumain at para hindi boring ang dining area dahil pinaguusapan namin ang tungkol sa pinaka-awkward na nangyari sa mga buhay namin. – I can sense that someone is staring at me so tumingin ako sa paligid....... At andoon si Marco sa kusina nakatitig sa akin at naka smirk. What the hell is he thinking?

Dahil sa naiilang na ako so nagpaalam nalang ako kay Khael na hindi ko nalang tataposin ang hapunan, nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at naglakad papunta sa second floor.

"Ang sweet niyo ni Khael ah." Sabi ng taong nasa likod ko – at alam kong si Marco ito. Ano bang iniisip niya? Mahal ko siya pero wala eh pinutol na niya ang koneksyon namin.

"Ano ba yang iniisip mo?" tanong ko.

"Kulang nalang magsubuan kayo eh. Malandi ka rin pala no?" natatawa niyang sabi. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Hindi na maganda ang pinagsasabi niya.

"Kung wala kang masasabing matino. Please lang wag mo kong kausapin." Sabi ko At tumalikod na. Diba di niya ako kilala so bakit niya ako kinakausap.

"Oh? Bakit ka umalis don?" ngumiti siya ng nakakaloko na parang papatayin na ako.

"Nakakawalang gana ka eh." Walang gana kong sabi.

"Sinasabe ko lang ang totoo." Ngumiti ulit siya.

"Tapos?" tumigil ulit ako sa paglalakad.

"Siya ba ang next target mo?"

"Tumigil ka na Marco!" singhal ko.

"Oh galit agad?"

"Hindi ka kasi nakakatawa! Nakakasakit ka na!" sabi ko.

"Sa tingin mo ba di ako nasasaktan?"

"Kasalanan mo yan. Nilamon ka ng selos mo kay Andree. At tsaka ikaw naman ang sumira ng pagkakaibigan natin diba? – Alam mo kahit hindi naging tayo pinabayaan lang kita kahit magselos kapa kay Andree. Kahit na alam kong wala kang karapatan. Sinabi mo sa akin ang nararamdaman mo noon pa kaya naintindihan ko kung bakit ka nagseselos kay Andree, pero ang humantong sa pagkasira ng pagkakaibigan natin, Marco? Ang babaw naman ata ng dahilan mo." Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sorry na Aby. Please ibalik na natin ang pagkakaibigan natin. Tatanggapin ko kahit hanggang kaibigan lang talaga tayo." Sabi niya. This time ako naman ang nagsmirk sa kanya.

"After what you did and what you said? Hindi ko na ibabalik ang dating pagkakaibigan natin total ikaw naman ang sumira diba? Edi panindigan mo. Sabi mo nga sa akin noon na we must pretend like we don't know each other." Kinalas ko ang kamay ko na hinawakan niya.

"Promise Aby kakalimutan ko na ang lahat." He said and almost cried. I smirked again. This is not him.

"No need Marco." Tumalikod na ako at pumasok sa kuwarto ko. Nawalan talaga ako ng gana dahil kay Marco. Sisirain daw ba ang pagkakaibigan namin tas ipapabalik agad, mahirap nang magtiwala.

May kumatok sa pintuan ko kaya tumayo ako at pinagbuksan ito. – Si Khael pala at – may dala siyang tray ng pagkain. Anong nakain nito't dinalhan ako ng pagkain dito? Pinaikot ko lang ang mata ko at nilagay ang ilang lagas ng aking buhok sa aking taenga.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dinadalhan ka ng pagkain, hindi ba obvious?" natatawa niyang sabi.

"Ah sige salamat. Pasok ka muna." Kinuha ko ang upoan at nilagay sa gilid ng lampshade.

"No problem. Di mo kasi tinapos ang pagkain mo kanina eh." Pumasok siya at umupo sa upoan.

"Naiinis kasi ako." Nilapag ko ang pagkain sa study table ko at umupo.

"Ano bang nangyari? – Napapansin ko kanina na masama ang tingin sayo or sa atin ni Marco. – Magkakilala ba kayo?" tanong neto.

"O-oo." Pagaamin ko.

"Magkaano-ano ba kayo?" tanong niya ulit.

"Ex bestfriend ko siya, we used to be close friends before pero bago siya pumasok dito ay sinira na niya ang pagkakaibigan namin."sabi ko at yumuko ako. Naapektuhan parin ako dahil mahal na mahal ko si Marco pero bilang kaibigan.

"Bakit?" nakakunot niyang noong tanong.

"Jealous." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Ang hirap kasi na puro nalang selos eh wala naman siguro siyang karapatan. Nakakapuno na din kasi. – Tapos kanina sinabihan niya ako ng malandi dahil inaasikaso mo ko. After he said all those f*cking words eh nagsorry siya at ipabalik daw ba ang pagkakaibigan namin." He is insane.

"If you want I'll talk to him." Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang balikat niya. Mas lalong gugulo ang lahat pag nakialam pa siya. Away namin to ni Marco at wala ng iba pang masasangkot dito.

"No need Khael baka lalo lang siyang mag-isip ng kung ano-ano..........Ah pwede bang magtanong?"

"What is it?"

"Bakit ka ganito sakin?"

"Wala lang." tinanggal niya ang titig sa akin. Wait, did I just saw him blush?

"Hindi naman siguro pwede na wala lang ang lahat ng mabuting pagtrato mo sakin. Hindi naman kasi ako manhid para hindi mafeel ang ginagawa mo. " I said.

"I know you wouldn't believe me if I tell you the real reason."

"Spill it." I said.

"I like you." Natameme ako dahil sa sinabi niya. "The first time I saw you nakaramdam na ako ng pagkagusto sayo." Sabi neto. He is also insane, I admit. Yes, he really is. Or maybe I am insane?

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Khael."

"See? Hindi ka naniniwala sa akin." Tumawa siya at yumuko tsaka pinagsiklop ang daliri niya.

"Naniniwala ako pero hindi mo pa ako lubos na kilala." So pinapalabas niya na gusto niya ako dahil sa mukha ko? Hindi naman kasi kami magkasama palagi kaya hindi niya pa ako lubusang kilala.

"Kaya nga gusto kitang makilala eh. Hindi pa ako nanliligaw Aby, I just said I like you." He laughed and finger combed his hair. I stared at him and his really handsome. No joke.

"I know." Naiilang kong sagot but I forced a smile though.

"Sige na kainin mo na yan at magpahinga ka na. First day of class mo tomorrow, right?" yes, you heard it right. New life in a cruel world.

"Okay sige ikaw din."

"Goodnight Aby."

"Goodnight din Khael at salamat sa dinala mong pagkain."

He stood up and tapped my head bago lumabas ng kuwarto.

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon