Chapter 23

2.3K 42 0
                                    




           

Biglang gumuho ang mundo ko nang makipagbreak sakin ang pinakamamahal kong babae. – Alam mo ba ang dahilan kung bakit? – dahil nalaman niya ang sekreto ko. Lasing akong umuwi kagabi kaya hindi ko nakausap si Cobalt. Ngayon ilalabas ko na ang hinanakit ko at si Cobalt ang pagsasabihan ko dahil siya lang naman ang nakakaintindi at nakikinig sakin kung may problema ako.

"Dre?" tinawag ko siya – at diko na napigilan ang luha ko at bumuhos na ito. Masakit kasi, sobrang sakit. Kung mahal mo siya diba dapat tatanggapin mo kung ano siya pero bakit hindi niya ako tinanggap? Ibig sabihin hindi niya ako mahal.

"Dre? Oy o-okay ka lang? Anong nangyari?"

"Nakipagbreak na sakin si Jessica dre. May nagsabi daw sa kanya na pumapatol ako sa bakla. Putcha dre! Sino ang nagsabi sa kanya?!" tuloy parin ang mga agos ng luha ko.

"Siguro na ako sa luha ko." binalewala niya ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko na kung sino ang Queen at Jack. Kausap nila Vanessa at Sara si Crisna kanina."

"Akala ko ba iingatan mo ang sekreto ko? Paano nila nalaman? Dapat noon pa nahuli muna sila!" tumaas ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. – Ngayon niya pa ba huhuliin kung kelan alam na ng girlfriend ko ang pinakatagong sekreto ko?

"Mahirap magkamali. Alam mo ang magiging parusa pag nagkamali ako ng huli. – Mamayang gabi huhulihin ko na sila para matapos ang lahat."

"Kung kailan lumabas na ang sekreto ko? Huli ka na Cobalt." Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo.

PRESENT

King's POV

Bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwa nito si Jack. Lumapit si Jack sakin at hinawakan ang kwelyo ng uniporme ko.

"Anong ginawa mo?! Bakit mo pinalitan ang baraha ni Marco?" galit netong sabi. Oo pinalitan ko ang baraha nung Marco na yun at anong pakialam niya.

"Ginulo niya ang laro! Parusa niya yun!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Yun lang dahilan mo? Alam kong may iba ka pang dahilan! Kaya wag ka ng mag maang-maangan pa!"

"Ano bang ibig mong sabihin ha?" kinuha ko ang kamay niya sa kwelyo ko at binaba ito.

"Wala kang matatago sakin King. Alam kong may gusto ka kay Aby. Hindi ko alam kung anong meron ang Aby na yan at hindi ko alam kung bakit lahat ng lalaki sa dorm natin nagkakagusto sa kanya maliban na lang sa akin! Yung iba nating kasama alam ko ring gusto niya si Aby dahil na pakagana nito. – Baka nakakalimutan mo na si Andree ang dahilan kung bakit siya andito. Kaya hindi ka niya kayang mahalin dahil si Andree lang ang mahal niya.!"

"Wala kang pakialam sa diskarte ko at lalong wala kang pakialam kung gusto ko si Aby. Walang pakialaman dahil hindi kita pinakikialamanan sa diskarte mo." Galit kong saad.

"Bahala ka sa buhay mo! Ito lang ang tandaan mo King. Walang nang nagmamahal sayo dahil sa sekreto mo. Bukas o sa makalawa, malalaman na ni Aby ang sekreto mo kaya maghanda ka na."

"Hindi man niya talaga ako kilala pero alam kong makakatulong sa kanya kung sasabihin ko kung sino talaga tayo."

"Suit yourself. – Kailan natin papatayin si Marco? Hawak pa natin si Jonathan diba?" seryoso niyang tanong.

"Ngayon – dahil may plano ako." Nakangisi kong saad.

_______________________

Aby's POV

Ilang araw na akong busy sa school dahil sa mga activities at palagi na nga akong nahuhuli sa klase dahil sa nangyayari sa dorm namin. Gusto ko ng magsalita at ipaalam sa mga pulis kung anong meron sa dormitoryo na napasukan ko pero maaari akong mamatay na hindi pa nakakapunta sa istasyon ng pulis. Minsan rin kasi nago-over think ako kaya ayun tuloy wala akong natutunan sa klase. – Tumunog ang cellphone ko senyales ng tawag.

*KRING KRING KRING*

Lumabas ako ng room para sagutin ang tumatawag..... Ang Trinity.

"Handa ka na ba sa isa pang round ng laro?" putcha! Kung kelan nasa kalagitnaan ako ng klase. May pakealam parin ako sa pag aaral ko kahit na mamamatay rin naman ako.

"Hayop ka! Kapag nakita kita – ako mismo ang papatay sayo." Matapang kong sabi.

"Makikilala mo rin ako Aby pero ngayon maglalaro muna tayo. Kapag nailigtas mo si Marco pwedeng pwede na kayong umalis – pero kapag hindi, magpaalam ka na sa taong minsan mo ng ginamit." Anong sinasabi nito? Si Marco ginamit ko? Ni minsan hindi ko naisip na gamitin si Marco! Mahal ko si Marco!

"Hayop talaga kayo!"

"Game."

"Bullsh*t! Nasan ba kayo?!" singhal ko.

"Hindi kita masyadong papahirapan ngayon...... Nasa bodega si Marco. Naalala mo pa? yung lugar kung saan namatay si Atara diba?"

Di na ako nagpaalam sa prof ko gaya ng dati at agad akong tumakbo papunta sa dorm namin. Pumunta ako sa likod ng bahay at nagtungo sa bodega. – Sh*t Bakit nakakandado to?! 525,000? Diba ito yung numbers nung namatay si Rhea at Gideon? Password ata to ng kandado – pero hindi pwedeng gamitin ang numbers ng dalawang beses!

"Hindi pwedeng gamitin ang numbers sa password. Mandaraya ka talaga!" singhal ko.

"Hahahah suko ka na ba?"

"Bakit ako susuko? Ang pag-alis namin ni Marco ang nakasalalay dito!" rinig dito sa labas ang unti-unting paglakas ng mga sigaw. "Ano yung ingay sa loob? Anong ginawa niyo kay Marco?!" tumutulo na ang luha ko at nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Baka naman pinapatay na ni Jack si Marco."nanlaki ang mga mata ko at nag isip ng mabuti.

"Hayop ka! Mga hayop kayo! Ano tong 6, Jack-Jack, 5-5 ha? 600 yan ang sagot sa tanong mo!" singhal ko.

"Magaling. Pwede mo ng buksan ang kandado."

Teka! Masyadong maraming zero dito. – Narinig ko ang malakas na sigaw ni Marco.. – Sh*t kailangan kung maligtas si Marco! Humagolgol na ako sa iyak dahil sa narinig ko at isang – putok ang narinig ko sa loob. – Parang gumuho na ang mundo ko nang marinig ko yun.

"Punyeta ka! Hayop ka!"

"Mukhang nainip na si Jack ... kaya pinatay na ang Marco mo."

"Hayop ka!"singhal ko. Tumatagaktak ang pawis sa noo ko at sabayan pa ng mga luha ko. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa nangyari. Bakit ba to nangyayari sa kin? ANONG KASALANAN KO ! Wala na si Marco – hindi ko na naman siya nailigtas katulad ni Atara. Napalingon ako sa likod nang may taong tumatawag sakin.

"Aby!" napalingon agad ako sa likod ko. Parang galing siya sa ilang milya na karera dahil sa pawis at paghingal niya. Hinawakan niya ang tuhod niya at hinawakan ang ulo niya na may umaagos na dugo.

"A-anong nangyari sayo K-Khael?" sinong maygawa niyan kay Khael?! Naiyak na talaga ako lalo.

"Wag mo kong intindihin... Ikaw anong nangyari sayo?"

"Wala na si Marco! Pinatay siya ng TRINITY!" umiiyak kong sambit.

"Sabi ko naman sayo eh. Hinding hindi sila papayag na umalis kayo dito. " Saad niya at lumapit sa gate ng bodega. Tiningnan niya ang mga numero at inilagay na ang  password nito. – Hindi ako makakilos nong makita ko si Marco at si Jonathan. Pareho silang nasa lupa at dugoan habang hawak ang baraha nila. 5 of flower ang kay Marco at Jack of flower ang kay Jonathan. Agad akong napayakap kay Khael at sinabi ang mga salitang –

"Wag mo akong iiwan, Khael."

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon