Chapter 13

2.8K 35 0
                                    




Aby's POV

"Hello Aby. Join us."

"Tigilan niyo na ako!" singhal ko.

"Hanap ka ni Marco."

Biglang namatay ang ilaw at – nagtilian ang ibang dormers. Tumayo ako at pumunta sa may cabinet. Kinapa ko ang flashlight ko pero wala. Pumunta ako sa drawer ng pinatungan ng lamp shade, andito lang pala. Binuksan ko ito at inilawan ang paligid.

"Sh*t! B-bakit n-namatay ang ilaw?"

"The game has just begun."

"H-ha?!" diko maintindihan. Anong laro ba?

"Simula na ng laro Aby. Papatayin na namin ang two of flower."

Akala ko bas i Rhea ang two of flower? Di ba napatay na ang flower. Sh*t so hindi pa pala nagsisimula nun kasi hindi pa kami kumpleto. Pinatay lang sya dahil sinabi niya lahat sakin.

"What?! Hindi pa kami handa!"

"Goodluck Abygayle."

Lumabas ako ng kwarto at dahan dahan naglakad. Pumunta ako sa salas at kusina pero walang tao kaya pumunta ako sa kuwarto nina Tita Maya at – w-wala silang malay. Paano nangyari to?!

"Bakit wala silang malay?!" tanong ko sa TRINITY.

"HAHAHA! GOODLUCK!"

An unknown number called me. Sinagot ko naman agad iyon.

"GUYS TULONGAN NIYO AKO!" nanginginig na boses sa kabilang linya.

"Nasaan ka?"

"H-hindi ko a-alam. M-madilim. S-sobrang dilim, Aby."

"O-okay hahanapin kita bawat kwarto."

"Bilisan mo! Ilang minuto nalang ang daloy ng lason papunta sa katawan ko!"

"A-ano?!"

"M-may kinabit sila sakin, i-isang tube. M-may lason na unti-unting dumadaloy dito. Nararamdaman ko ang bawat pagpasok ng lason sa aking katawan, Aby. N-natatakot na ako, tulongan mo ako."

Chineck ko ang unang kuwarto at ang pinakamalapit sa kuwarto nina Tita Maya. Nakita ko rin s-si V-vanessa na walang malay. Iniisa-isa ko na ang lahat ng room dito sa first floor at lahat ng nandito – ay walang malay.

Bakit nasa kani kanilang kwarto ang mga tao?! Pano ko malalaman kung sino ang trinity dito?!

Pumunta ako sa second floor at iniisa-isa rin ang mga room pero wala talaga siya doon. Maliban na lang sa kuwarto ni Andree na ayaw papasukan ni ate Emily at tsaka ni lock na nila ito.

"Inisa isa ko ang mga kuwarto pero wala ang iba at iba sa nakikita kong dormers dito ay walang malay. Sino ka ba?! Isang kuwarto na lang kaso nakalock ito at bawal kaming pumasok dito. "

"Aby p-pleeeeaaseee! Nagmamakaawa a-ako. Tu-tulongan mo ako. M-malapit ng kumalat sa ibang parte ng katawan ko ang lason."

Natataranta na ako kaya hindi ko alam ang gagawin. Pinagsisipa ko na ang pintuan pero ayaw paring bumukas kaya naghanap ako ng pwede kong ipambukas neto. Pagtalikod ko ay may isang safety box at andoon ang isang –susi, at may nakadikit na baraha pa dito.

King-king, Queen-queen, Jack-jack ang nasa baraha, ano ba ito? Ano bang gagawin ko dito?

"Aby please!! Bilisan mo?!" mangingiyak na sabi ng kabilang linya.

"T-teka lang...... kahit ako natatakot na ako!....... gusto kitang tulongan pero di ko alam ang gagawin sa safety box nato."

Pinagbabato ko na ang safety box ng kahit anong nakikita ko sa paligid pero ayaw paring bumukas eh. Baka ang pagbigay lamang ng password neto ang magpapabukas neto kaya iniisip ko kung paano masosolve ang mga nakalagay doon sa baraha.

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon