Chapter 3

3.8K 71 4
                                    




Rhea's POV

Pinunasan ko ang aking mga luha at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa cr at naghilamos, nangalahating oras akong umiiyak at naghilamos doon pagkatapos ay bumalik ako sa kuwarto ko.—Pero teka parang may mali,nakasarado ang pintoan ng kuwarto ko nung lumabas ako ha, bakit bukas na ngayon? Pumasok parin ako sa loob kahit hinala ko na si kamatayan na ang naghihintay sa akin.

S-si QUEEN – siya ang pumasok sa loob ng kuwarto ko. Nakaupo siya sa upoan at may hawak na kutsilyo.

"Kamusta Rhea? Sinabi ko na sayo na wag na wag ka ng babalik diba? Tinutulongan na nga kita para di ka mamatay, bumalik ka pa. At ang lakas pa ng loob mo na sabihin ang lahat kay Abygayle." Nakikita ko ang galit sa likod ng kanyang malaking ngiti. Kilala ko ang King, Queen at Jack dahil isa ako sa witness nila. Sinabi nilang di ko raw sabihin sa kahit kanino kung sino sila kung hindi ililigpit nila ako.

"Hindi na ako natatakot mamatay." Singhal ko. Inihagis niya ang kutsilyo sa framed na larawan ko sa may cabinet – Bullseye – sa mukha pa tumama. Tumulo na ang pawis sa aking noo at lalo pang lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa ginawa niya.

"Talaga?—Gusto mo bang maglaro?" tumayo siya at lumapit sa framed na larawan ko at kinuha ang kutsilyo. "Para naman may chance kang mabuhay." Lumapit siya sa akin at pinaikot-ikot ang kutsilyo sa kanyang daliri. Ngumiti siya ng napakalaki at hinawakan ang mukha ko.

"What should I do?" tanong ko. Yan lang ang kaya kong itanong sa kanya dahil ayaw gumalaw ng mabuti ng aking mga bibig, nanginginig narin ang aking mga tuhod at mga ilang minuto nalang ay bibigay na ito.

"Simple lang naman, pumasok ka sa kuwarto ni Andree at hanapin ang nawawalang baraha." Umikot siya sa akin at pinaglaruan ang aking buhok. Matapos niyang sabihin iyon ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa kuwarto ni Andree. Binuksan ko ang pintoan at nagsimula nang maghanap. Inuna ko sa mga cabinet, tapos sa ilalim ng kama, sa bintana at kahit sa mga floor mat ngunit wala akong nakikitang baraha. Wala naman atang nawawala dito ah. Sh*t nanginginig na ang mga tuhod ko, para kasing nafefeel ko na may nakatitig sa akin. Tumatagaktak na ang mga pawis ko.

Ang kwartong ito ang pinakamadilim sa lahat ng kwarto dahil bihira lang masinagan ng araw dito. Maliban duon ay hindi ko alam kung bakit maitim ang kurtinang isinabit ni Andree dito. Natatakot na ako. Dahil rin sa sobrang katahimikan, ang malakas na pintig ng aking puso lang ang naririnig ko.—Pinaglalaruan lang ata ako ni Queen eh.

*Kring Kring*

Sinagot ko agad dahil nakita kong si Queen ang tumatawag.

"Pinaglalaruan mo lang ata ako, Queen eh!" singhal ko. Napaupo na ako dahil hindi na kaya ng mga tuhod ko. nanginginig na ako sa sobrang takot.

"HAHAHA! I know right."

"Just kill me! Patayin mo nalang ako, ngayon na."

"Later. Maghintay ka lang. Hindi pa ito ang saktong oras."

"Alam ko na ang gagawin." Nang mapagtanto ko ang lahat ay napahimas ako sa noo ko. 3+2=5, King-Jack=2, 2+3=5. Bakit 525? Ewan ko nga kung saan ko gagamitin ang code na to.

"525? Ano yun?" tanong ko. Sh*t di ko na alam kung anong gagawin ko. Narinig kong may naglalakad mula sa likod ko. Palakas ng palakas ang yabag kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko at nanginig.

"Bye Rhea. Ipaalam mo nalang ako kay Andree." Sabi ni Queen.

"Okay na mamatay ako pero hahanapin kayo ni Aby!" napaupo ako sa kama ni Andree at umiyak.

"Seryoso? Matatakot na ba ako nun? Alam kong hindi lahat ng impormasyon ang binigay mo kay Aby. Dahil alam mo na sa oras na banggitin mo ang pangalan namin ay aagos ang dugo mula sayo. " Natatawa niyang sabi.

Matapos ang tawag ay narinig ko ang pagkalikot sa door knob ng pintoan kaya dali-dali akong nagtago sa cabinet. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto kaya tinakpan ko ang aking bibig para di marinig ang mga hikbi ko.

"Kahit saan ka man magtago, Rhea. Mahahanap at mahahanap ka namin." Biglang bumukas ang cabinet at bumungad sa akin ang isang taong may hawak na kutsilyo. Di ko na pinigalan ang sarili ko at sumigaw.

"Ahhhhhhhhhhhh!!"

"Paalam Rhea."

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon