Chapter 32

2.1K 37 5
                                    




           

"Maganda ba ang nakikita mo?" nakangiting sambit ni Luna. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ito.

"Putcha! Isa ka ba sa trinity? All this time hindi kita pinagdudahan dahil alam kong mabait kang tao." tanong ko. Lalo lumaki ang kanyang ngiti nang nagsalita ako.

"Yes! And I am the queen. Seriously ako mabait? Ay bakit kung sasabihin kong hindi naman talaga ang anghel na inaakala mo tatakbo ka na ba? Handa ka na ba sa huling round?" tumayo ako pero nanginginig parin ang tuhod ko.

Napakalaki kong tanga! Bakit hindi ko siya pinanghinalaan? Dahil ba sa mabuting ugali neto? O baka maskara lang talaga nila.  Ang tanga tanga ko talaga! Bakit hindi ko sila pinagdudahan?! Totoo nga ang sinasabi nila na ang mga demonyo ay minsan na naging anghel.

"Hindi! P-paano? Paano ka naging isa sa trinity?! Nagbibiro ka lang diba?" hindi totoo ito. Biro lang niya ito para mapalabas ang tunay na trinity.

"Simple lang. Simple lang, Abygayle. Galit ako sa mga taong tulad mo. Tulad ni Vanessa. Tulad ni Sara." Lalo akong nangilabot ng napawi ang mga ngiti niya. Hinawakan niya ang bulsa niya at ngumiti ulit. Kinuha niya ang isang bagay sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong sigarilyo pala ito.

Wala akong ginawang masama at hindi ko alam kung bakit galit siya sakin. Kung si Vanessa at Sara ang pag uusapan? Alam ko kung bakit ayaw ni Luna sa kanila.

"Sakin? Pero bakit? B-bakit ka galit sa akin?! Wala akong masamang ginawa sayo." hindi ko alam kung anong ikinagalit ni Luna sakin sapagkat bagohan pa lamang ako sa dormitory na to. Hindi ko maalala kung kelan ko siya naging kaaway dahil napakabait niya sa akin noon pwera nalang noong sinabi ko sa kanya na niloloko lang siya ni Jude. Ngunit hindi naman siya naniwala doon.

"Dahil ikaw ang mahal ng taong mahal ko! Ikaw ang mahal ni Andree! Kahit na nalaman niyang kapatid mo siya tinuloy pa din niya ang pag-ibig niya sayo! Lahat ng tao ayaw sakin! Bakit?! Ano ang kulang sa akin? Anong meron ka na wala ako?! Dahil ba sa nerd ako, weird ako?!" tumulo ang kanyang luha at umupo siya sa sahig.

Mahal niya si Andree? Anong pinagsasabi niya? Maganda siya at bakit hindi niya nakikita iyon. Tayong lahat ay may kanya kanyang kagandahan. Walang pangit dahil gawa tayo ng Diyos.

"Kung ikaw ang queen? Apat nalang tayo dito. Si Jacob at Khael? Ibig sabihin sila ang J-jack at K-king? Pero bakit? Bakit sila sumali sa larong ito?" hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng tao na di kahinahinala  at dahil sa mala-anghel nilang mga itsura at ugali ay sila pala ang pumapatay. Nagsisisi na ako, nagsisisi ako dahil pinagkatiwalaan ko sila. Sila na akala kong hindi ako tratraydurin.

"Do you really want to know?"pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti ulit. Ang weird niya nga talaga. Nakakakilabot.

"oo bakit?! Bakit kayo sumali sa laro?!" galit kong tanong.

"Khael is a nice guy and a son pero dahil sa trabaho ng papa niya. Dealer sila ng shabu. Alam mo ba yun? And yes magkakilala sila ni Cobalt. Si Cobalt ang dahilan kaya nakapasok si Khael dito. Well, si Jacob? He's so secretive. Hindi ko nga halata eh. Pero do you know that he's a gay? He likes Cobalt but Cobalt likes Khael. And me? Si Cobalt ang dahilan kung bakit ako nandito. Kaya nong niyaya niya akong gumanti sa mga taong ginamit lang ako. Pumayag ako dahil sa galit." Nagulat ako sa pag-amin niya. Di ko inaakala na ganun pala ang pinagdaanan at mga kuwento nila. Pero bakit ako kasali sa laro nato kung wala naman talaga akong kasalanan sa kanila. Hindi ko sila kailanman ginalaw at pinakailaman pero bakit parang kasalanan ko lahat?

"Wala akong kasalanan sa inyo. Kahit kailan di ko kayo sinaktan. " Matigas kong sambit.

"Wala nga ba talaga?" dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin at napapaatras din ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko at nanginginig na ang tuhod ko.

"What do you mean?" tumigil siya sa paglalakad.

"Alam mo ba kung bakit ginawa ni Andree ang laro? The symbol of the card is a black spade which is a dead heart or broken heart ito. At sa tingin ko ay alam mo na to. "natigilan ako. Anong meron kung broken heart iyon?

"Anong koneksyon ko doon?" tanong ko.

"Iniwan mo siya noon kaya ginawa niya ang laro. Wala kaming kasalanan pero nadamay kami sa issue niyo. Dinala niya ang kalungkutan niya dito at dahil boring siya ginawa niya ang larong yun. Pero natuwa nga ako dahil napansin niya ako dahil sa larong yon. " Pagpapaliwanag niya.

"H-hindi ko siya gustong iwan noon. I love him. He was the one who leave me at nakokonsensya na ako. Ayokong malaman ni tita ang lahat." Nangilid ang mga luha ko at malapit nang bumuhos.

"Pero nalaman niya diba? Kaya nga ikaw ang pinapunta niya dito para mawala ka na din at alam mo bang may isa pang dahilan kung bakit ka niya gustong mawala?" alam ko dahil anak niya lang ako sa pagkakasala. Hinding hindi niya ako matatanggap! Tumawa siya dahil hindi ko siya sinagot. "Dahil anak ka niya sa pagkakasala at isa kang kahihiyan sa kanilang pamilya kaya gusto niyang mawala ka na!"

"Hindi ako mamatay dahil gusto niyo. Makakaligtas ako dahil kakayanin ko!" Singhal ko sa pagmumukha niya. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para makapagsalita ng ganoon.

"Ikaw nalang mag-isa Abygayle kaya wag kang magmayabang! This is the last round of the game."

"The mystery is still there so I still have a chance." Matigas kong sabi.

"So what is it?"tanong niya.

" Death. Flower represents love and death. When a flower blooms it shows love ngunit lahat ng bulaklak ay namamatay rin. Nasagot ko na ang love but it's a wrong guess so death. Death ang sagot."

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon