It's already 5 in the morning. Almost 1 hour na ako nagiisip kung ano ang maitutulong ko kay Luna. – I need someone to share this problem........ but kanino? To Marco ba, Since he's my best friend. – No no, that would be absurd, Aby. Remember he ended your friendship already. – Oh yes, kay tita ko sasabihin. I called tita and she picked it up after a short ring.
"Tita?" I called.
"Ano ba Abygayle? 5 am palang ah." She murmured.
"Tita! Pinagdududahan na nila ako.!"
"What?!" laking gulat niyang tanong.
"Tumawag ulit sa akin ang TRINITY."
"What did you do?" she shouted.
"I told them the truth."
"What? Nag-iisip ka ba?! – Bakit mo ginawa yon?" Galit siya. Alam ko. Wala naman akong magagawa eh. Nangyari na, nangealam kasi ako.
"Tita, naawa lang ako kay Luna dahil niloloko lang siya." I explained.
"Paano ka makakakilos ng maayos? Paano mo mahahanap ang pumatay kay Andree kung pinaghihinalaan ka nila ha?—Napakatanga mo talaga. Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo na magagawa mo yan ng maayos!"
"I'm so sorry tita."
"Ewan ko sayo. May ipapadala ako dyan na ibang tao na mas makakakilos ng maayos." Matapos niyang sabihin iyon ay pinatay na niya ang tawag.
What did I do?! Ang bobo-bobo ko at ang tanga-tanga ko! Sana hindi nalang ako nangialam! – Napahagulgol ako ng iyak dahil sa sinabi ni tita. Deserve ko naman yun diba? Deserve ko naman na pagsalitaan ng ganun ni tita , parang kulang pa nga ata yun.
_______________
Its been 3 days since my last conversation with tita. I wonder kung galit parin ba siya sa akin. Di ko naman sinasadya na mag-alala eh. Ang gusto ko lang naman ay tulongan si Luna sa panlolokong ginagawa nina Vanessa at Jude sa kanya. Mali ba ang tumulong sa kapwa? –My phone rang and I picked it up......... It was Tita Nel pala, baka hindi na siya galit sa akin.
"Kamusta ang tanga kong pamangkin?"
"Tita, are you still mad at me?"
"Anong gusto mong gawin ko? Matuwa sa katangahan mo?"
"Tita I'm so sorry po."
"Wala na! nagdududa na sila sayo.!"
"Tita, I can still do it. Please, wag kang magalit. Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Andree, tita." I begged.
"Wala na Aby. I don't trust you anymore, naging padalosdalos ka. Kaya humanap nalang ako ng ibang gagawa ng trabaho mo!" sino? Kaya ko naman na ako lang ang magtrabaho dito at isa pa sa Luna lang ang nagdududa sa akin. KATANGAHAN mo talaga Abygayle!
"Sino po ang nahanap niyo?"
"Malalaman mo din. –Kilala mo siya, kilalang kilala. Maybe tonight andyan na siya."
"Tita, sorry po talaga."
"Bahala ka na sa buhay mo."
Sino ba ang ipapalit ni tita sa akin? Sabi niya kilalang kilala ko daw. Sino ba? Maliban nalang kay Marco at sa ibang pinsan ko. Sila lang ang kilala. Oh please wag lang si Juliet dahil mag aaway talaga kami non dahil ayaw niya sakin.
_________________
Ngayong gabi malalaman ko na kung sino ang ipinalit niya sa akin. Mamaya narin ako lalabas kahit kumukulo na ang tiyan ko. – Rinig na rinig dito ang mga tawanan ng mga tao sa labas. Parang dumadami na ang mga tao dito.
BINABASA MO ANG
Game of cards (completed)
Misteri / ThrillerGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?