Chapter 25

2K 36 2
                                    



Aby's POV

Nagbabasa ako ng mga libro sa library para masagutan ang activity namin sa science. Tumunog ang cellphone ko kaya lumabas ako para hindi ako pagalitan ng librarian.

"Handa ka na ba sa susunod na laro?" sabi ng kabilang linya. – Bakit babae na ito? Ito siguro ang Queen nila. May voice changer man pero halata ang boses ng babae. Ano na naman ba ang trip ng mga halang na mga kaluluwa nato! Di pa ba sila nakukuntento?!

"L-laro anong laro? Diba kakapatay niyo lang kay Marco kagabi?!"

"Wala kaming pinipiling oras ng paglalaro.Kapag napagtripan namin, kailangan niyong sumunod. Down to 6 of flower na tayo pero hindi parin nasasagotan ang misteryo."

"M-misteryo? Alam ko yun..... Love.... Flower symbolize love." Sagot ko.

"Wrong guess... game. Matutulongan mo ba si Eun ngayon? Ilang beses ka niyang tinulongan noon."

Di ko pa pinuputol ang tawag pero tumakbo na ako papunta sa dorm – buti nalang okay lang kung lumabas kami ng classroom. Nang makarating ako sa dorm sinuri ko ang mga kuwarto pero walang tao at walang senyales na anduon si Eun. – Napadumi talagang maglaro ng TRINITY na yan!

"Nasaan si Eun?! At nasaan ang ibang dormers?! Saan mo sila dinala?"

"Kunti nalang tayo Aby kaya kailangan naming mag-ingat. Tinago muna namin sila para di mo mahulaan kung sino kami." Ah talaga lang ha?! Baka maunahan ko pa kayo sa paghahanap!

"Hayop ka! Kapag nakita kita, ako ang papatay sayo! – Walang tao sa lahat ng kuwarto..... tama sa bodega." Sa bodega lang naman nila dinala si Marco kahapon kaya alam ko nang doon nila tinatago si Eun. Bumaba na ako ng second floor at pumunta sa bodega. – pero naka lock na naman ito! Isang code na naman.

R O T 1 3 ( yan ang clue na nakalagay)

G U V E Q S Y B B E

Yan ang nakalagay sa papel na nakaipit sa may bodega. Naalala ko pa ang ROT13 nato. Nasa computer subject namin to sa skwelahan nong highschool. – Kumuha ako ng papel at sinagutan ang code. TAMA!

T H I R D F L O O R

Third floor? Eh wala naman gaanong kwarto sa thirdfloor . Alam ko na sa – rooftop. Don nila nilagay si Eun! Dali dali akong pumunta sa rooftop. Sh*t anong ginawa nila kay Eun – at ano to alupihan?! Kailangan kong malaman kung alupihan nga ba yun.

"Hayop ka bakit niyo pinahihirapan si Eun ng ganito?!"

"Dapat lang sa kanya yun dahil madaya siya."

"Hindi siya ang madaya. Kayo ang madaya! Alupihan ba yung gumagalaw sa loob?! Paano ko mailalabas si Eun dito?!"

"Alamin mo. At tsaka are you blind? Di mo ba nakikita ang susi dyan?!"

Tinitigan ko lang ang pagpasok at paglabas ng alupihan sa katawan ni Eun. Hinahanap ko ang susi ngunit wala akong makita. Masyadong makapal ang bakal ng kandado. Wala din akong pwedeng ipangsira sa kandado. Sigaw nang sigaw si Eun sa loob pero di ko marinig. Nakikita ko lang ang hirap sa mga mata niya.

Hinahanap ko parin ang susi kahit tumutulo na ang luha ko. – Kailan pa ba to matatapos? – Nakita ko ang pagtirik ng mata ni Eun habang napasok ang mga alupihan sa mata niya. Maya maya pa'y bumagsak na ang katawan niya pero ang mga alupihan ay patuloy parin sa pagpasok at labas ng katawan niya. – Wala na si Eun hindi ko na naman siya nailigtas. – Wala na ang taong pwedeng makatulong sa akin.

Hindi!

Meron pa pala.....

May dalawang tao pa pala ang pwedeng makatulong sa akin.

RYANNN.......

__________________

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon