Chapter 10: Zander Vs. Harold

10 3 0
                                    

Kaitlin's POV

"Zander? Bakit mo hawak ang phone ko?" tanong ko sa kaniya.

"Sorry, di ko naman talaga siya gust-gustong pakialaman. It's -it's just that Aaron texted you." di naman na ako shock sa sinabi ni Zander.

"Ahh ok."

"Di ka galit?" nagtatakang tanong niya.

I shrugged. " Wala naman na akong dapat ikagalit. Mas masaya nga kung nireplyan mo yun tsaka pinagtangkaan mo, tapos sinumpa mo na hindi na magkakaasawa. Hahaha." sabi ko. Napatawa tuloy ako.

"Talaga? Oh sige." tinignan ko siya. Nakangisi ang loko. Tapos akmang magtatype siya.

"O-oi! Anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya sabay upo katabi niya.

"Pagtatangkaan ko buhay niya." binatukan ko tuloy. "Ano? Sabi mo kanina ikakatuwa mo yun? Napaka amazona mo. Pasalamat ka talaga babae ka kasi baka binatukan na kita noon pa."

"Edi thank you. Akin na cellphone ko. Magtetext ako sa SCS. Kailangan nila pumunta dito ngayon. Yung delivery ng envelopes na supposed to be bukas pa, pinadala na ni Tita Honey kaya mas mapapaaga yung pagaasikaso namin ng final invitations." ngumiti naman siya saka binigay sa akin ang phone ko.

Nagtype na ako ng message para sa kanila. At dahil nga meron akong makulit na Ralph at Kylie, sinamahan ko ng pagtatangka.

To all SCS, you must go to my house now ASAP. Napaaga ang pagdating ng envelopes para sa mga invitations at kailangan ko na ngayon ng tulong niyo para tapusin ang mga 'to.

NOTE: 5:30 dapat andito na kayo.
: walang pwedeng magreklamo
: wala kayong ibang dadalhin kung hindi yang mga sarili niyo.
: walang magdadahilan!
: Ang hindi pumunta, isusumbong ko sa Principal at ipapadrop out agad kayo sa campus!
: pagdating dito, kaagad, galaw galaw kung ayaw pumanaw.

Nang naisend ko na napangiti ako. Sigurado akong maya-maya lang andito na sila. Ayaw naman siguro nilang mangyari ang nangyari noon nang di sila sumunod sa pinagawa ko.

"Ang harsh mo naman na President. Lolo mo ba si Digong?"

"Ay palaka! Ano ba Zander! Nakakagulat ka naman! Kanina ka pa ba nagbabasa ng tinatype ko ha?" tuloy-tuloy kong sabi habang nakahawak sa dibdib ko. Kaloka.

"Oo kanina pa. Alam mo ikaw, di ko alam kung pano ka natagalan ng mga officers na iba sa sobra mong pagka-amazona." sabi niya habang nakatingin sa kisame at kunwari may hinihimas na balbas.

Nahiya naman ako sa pagkawell-shaved ng chin at face niya.

"Eh ikaw pano mo ko natagalan kahit amazona ako, sabi mo." bigla naman siyang sumeryoso at tumingin sa akin. Tapos biglang ngimiti, tapos seryoso na naman.

"Aray! Kaitlin naman, wala ka na talagang ibang gawin sa akin kundi batukan ako?" sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.

"Eh ikaw kasi! Para kang timang. Ngingiti tapos magseseryoso, ngingiti na naman tapos magseseryoso. Ano ba talaga? Haystttt." sabi ko sabay palo ng kamay sa higaan. Umakto pa nga siyang sasaluhin yung palo kasi akala niya siya yung papaluin ko.

Grabe ganun ba talaga ako kaamazona?

Bigla naman siyang nagseryoso at tumingin sa akin ng daretso sabay hawak sa dalawa kong kamay.

"Wala. Napapangiti ako kasi ang alam ko lang, kaya kita natatagalan kasi di ako kagaya ng ibang mga tao sa nakaraan mo na walang hinawa kung hindi lokohin ka. Kaya kita natatagalan kasi kahit anong palo, batok, sipa, sapak, at suntok pa yung gawin mo sakin, alam kong worth the while naman na kasama kita. Kaya kita natatagalan kasi alam kong kokonti lang kaming tinuturing mong mapagkakatiwalaan. I don't want to ruin your trust kaya gusto ko, sa lahat ng sakit, sa lahat ng tawa, andito lang ako for you.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon