Chapter 11: Girlfriend

8 2 0
                                    

Kaitlin's POV

(November 11, 2014) Tuesday

Andito ako ngayon sa bahay nila Zander. Dito ako magdidinner kasi nung nakaraang Thursday kasi, di natuloy ang dinner dapat namin with Tita Gab,mommy ni Zander. Nagkaroon kasi ng emergency sa trabaho si Tita Gab kaya kailangan niya pumunta dun. Sabi niya ngayon nalang daw kami magdinner, kaya naman andito ako ngayon sa kanila.

"Ahy wait hija. Diba sabi mo fashion designer ang mommy mo? Ano nga ulit pangalan niya?" tanong ni Tita Gab.

"Querrine po. Querrine Salvador. Bakit po?"

"Hala kilala ko pala mommy mo. Sa kaniya kasi ako nagpagawa ng gown ko nang may inattendan akong business party sa Europe. You know what, pinuri ako ng mga katrabaho ko at ng iba pang mga tao sa party dahil sa gown na ginawa ng mommy mo." natatawa at parang naeexcite na sabi niya.

"Actually nga po, kakauwi lang nila kahapon from Pampanga. May inasikaso po kasi sila sa fashion business ni Mom. Nagkaroon daw ng sunog sa isang branch sa Pampanga kaya pumunta po agad sila. Gladly, wala namang nasaktan at di natupok yung boutique." -Ako

"Really? It's nice to hear na hindi natupok yung boutique. By the way, malapit na pala yung ball niyo anak. May isusuot ka na ba, Zan zan?" paglilipat ng tanong ni Tita Gab kay Zander. Natawa naman ako.

"Mom naman! Zander na lang or Zand wag lang Zan zan. Ang pangit pakinggan eh. Anu ba yan!" nakasimangot na sabi ni Zander.

"Anong problema mo dun? Ang cute nga ng nickname mo eh. Hahaha." nagtawanan na lang kami ni Tita sa itsura ni Zander.

May pang-asar na ako ngayon sa kaniya kapag inasar niya ako. Wahahaha.

"So ano nga? Meron ka na bang isusuot?"

"Wala pa. Actually maghahanap na ako tomorrow." sabi naman niya. Still serious.

"Zands, kung gusto mo dun ka na sa boutique ni Mom. Dun din ako bukas pipili eh. Marami na akong nakareserve dun. Atsaka kung gusto mo din meron akong suit don na pang ball na ako mismo nagdesign at gumawa. Pwede mo yun gamitin sa Friday!!" excited kong sabi.

"Talaga?" -Zander

"Ang sweet naman ng future daughter-in-law ko." nabato naman ako sa kinauupuan ko at napatingin kay Tita Gab na parang kinikilig. "Alam mo Zander, wag na wag mo na papakawalan itong girlfriend mo kung ako sayo."

"What?" nagtatakang tanong ni Zander.

"Ahmm Tita, bestfriend ko po si Zander." sabi ko.

"Huh? Bestfriend? Eh bakit sabi sa akin ni Tristan nung tinanong ko siya kung kilala ka niya. Sabi niya girlfriend ka daw ni Zander tapos tutulungan mo sila sa pagkecatering sa kasal nila Hillary?" bigla namang napabuntong-hininga si Zander.

"Mom, parang iba naman yung narinig ko kay Kuya. Sabi niya kasi, nung tinanong mo siya.

Yes ma, kilala nga rin siya ng girlfriend KO. Siya pa nga tutulong sa catering ng kasal namin." sabi ni Zander na parang ginaya ang boses ni Kuya Tristan.

"Ahh? Ganun ba yun? Ahh haha akala ko kasi girlfriend mo na tong si Kaitlin. Sayang, bet na bet ko siya anak, if I were you, I'll court Kaitlin. Nakuu, dadami at lalago ang magaganda at gwapo sa angkan natin at sa angkan nina Kaitlin kapag naging kayo. Juskoo— naiimagine ko na ang mga apo k—" agad naminna pinutol si Tita.

"Ma!/Tita?" sabay  naming sabi ni Zander.

"Oh bakit? Ang saya kaya nun!! Hahaha!!" nagkatinginan nalang kami ni Zander at sabay na napabuntong-hininga.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon