Chapter 39: News

4 0 0
                                    

"Stop it, Zander! You see? This is wrong! May girlfriend ka na and to answer your question, I don't hate you and I never did hate you." I uttered and then pushed him just to get away from his hug.

"Why can't there be us? Jeanine, I don't love her, and don't tell me you love Harold! Ano to, martyr ka na din ngay-" sinampal ko siya nang ubod ng lakas. Sapat na siguro yun para matauhan siya.

"Why? Bakit nga ba? Well, it's because you didn't wait for me and find yourself a new girl instead. And now that I'm back, you wanna claim that there should be an us? Then what's next? You'll leave Jeanine because of me. Let me tell this straight to you, Zander. Hindi ako kailanman nag-aral at nagkaroon ng class para maging dahilan ng isang break up!" Yumuko lamang siya at nakita ko kung paano niya kinuyom ang palad niya.

I stepped out of my office kung saan nakasalubong ko si Mel.

"I'm leaving, my head's aching. Call me if there's... an emergency." di ko na siya pinagsalita at dumaretso sa elevator. "Go.Out." matigas kong sabi sa mga nasa loob ng elevator.

I need some space alone kaya pagbigyan mo na ako, elevator. Kung di ko pa hinimas ang sintido ko ay di ko pa mapapansin na tumutulo na rin pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan na lumabas ulit pagkatapos umalis sa opisina ko.

He still loves me, yet, everything is so complicated. Hindi pwede. Hindi na kami magiging pwede dahil sa mga oras na to, may isa pang babaeng nagmamahal sa kaniya at iyon ay si Jeanine. I'm just an extra in their story. Ayaw kong maging third party.

"Ewan ko sayo, bobita ka talaga sa pag-ibig! Ngayong nasa kamay mo na ulit si Zander, pinakawalan mo naman ulit! Sabihin mo nga sakin, are you stupid or you're just plain dummy?"

"Bwisit ka, Banny! Pareho lang meaning nun eh!" sabi ko at umiyak ulit. Nilagok ko ang isa pang shot ng iniinom ko. Ni di ko na nga alam kung ano ba ang iniinom ko.

"Oo alam ko! Kaya ibig sabihin nun, tanga ka talaga! Pero siyempre tanga din ang lalaking yun! Aba ano yon? May girlalu na siya and then gusto ka niya kunin ulit?! Bungasan ko siya eh!" Somehow, I smiled because of Banny. Kanina ako yung grabe mameoblema pero yung reaction niya ngayon, akala mo siya naman ang nasa sitwasyon ko.

"Minsan di ko alam kung bakit ako ganito, Gurl! Happily engaged naman ako pero namomroblema ako sa lovelife mong walang kasing malas dito sa mundo. Pero dahil nga sisteret na kita, isa lang masasabi ko sayo." I raised a brow asking her what it is.

"Sabihin mo na." I said.

"Bigti na gurl!" bigla naman akong nabulunan sa sinabi niya. "To naman! Charot lang!"

"Ang ganda ng suggestion mo, Banny ah! Mauna ka na!" I hissed.

"Eh? Di pa pwede girl! Happy kaya ang love life ko! Ay alam ko na gurl!! Sumali ka nalang sa NPA tapos gantihan mo buonh family ni Zander kapag kinasal siya dun sa bruhildang Jeanine na iyon. Peeo in the other side, di naman siya bruhilda kasi maganda nam-" tinignan ko siya nang matalim.

"Sabi ko nga pangit yung si Jeanine! Kait talaga oh! I'm just kidding! He-he. Maganda ka dun! Pero yung sa NPA nga, pwede din-" I cut her off.

"Ewan ko sayo! Uwi na nga tayo! Nagsuggest ka pa eh, puro ka naman kalokahan." I rolled my eyes at nilagok na naman ang isang shot ng alak.

"Alam mo girl, tama na talaga yang pag-inom mo, promise! Kay ganda mo pa naman tapos bata ka pa girl! You're still young to have a lung cancer because of too much alcohol intake. You know alcohol isn't best for babies up to 20 years old and above." I chuckled. Siya na talaga magaling magpagaan ng loob.

"Babies talaga. Oo na, let's go home na! Sa inyo ako matutulog ah! I'm sure Mom and Dad will be worried sick when they found out that I drank too much!" I rose up but I suddenly regret doing it since myntikan akong matuba. Geez, nahihilo na ako.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon