Chapter 45: Asaran

4 0 0
                                    

Weeks have passed... sinabi na namin kila Mommy na bati na kami ni Zander. Lahat sila ay nagulat. Actually, buong angkan ay nagulat at lahat ay biglaang napatravel papunta dito sa Manila maliban sa mga Tito at Tita ko na nasa ibang bansa.

Hindi sila galit, hindi din naman sila natutuwa. Pero ewan ko ba kung bakit parang easy going lang ako... kami ni Zander. Ang totoo, alam na rin ng publiko na ikakasal kami ni Zander. Parang isang iglap ay mas dumami ang bashers ko. Kahit si Zander ay binabatikos na. Pero hindi kami nagpapatibag.

"Tsk, tsk, tsk. Mga kabataan ngayon masyadong nagpapadala sa mga idol nila. Akala mo naman sila ang niloko." napapailing na sinabi ni Yaya Bavy kaya naman agad akong nagsalita.

"Yaya... wala namang niloko. Si Jeanine lang talaga yung parang asong baliw na nilalason ang sistema ng mga tao sa paligid niya. Nagagawa niyang aso ang mga fans niya gamit ang salita niya at napapakagat naman ang mga fans na mga pagpapaawa niya."

Sandaling natahimik ang buong living are dahil sa sinabi ko. Di gaya dati, mas sumeryeso ako ngayon. Di ko masasabing stress ako pero di ko naman masasabing kaya kong balewalain ang publiko sa mga masasamang sinasabi nila. Apektado ang buong pamilya ko. Apektado ang mga negosyo namin. Apekatdo ang mga empleyado namin. Mararaming naaapektuhan...hindi lang ako.

Isa pang post ni Jeanine at isang eskandalo pa, baka di ko na siya matantiya at magsalita na ako nang higit sa inaasahan niya. Hindi porket mabait ako ay sasagarin niya na ako ng sobra. Hindi ako si Kaitlin kung hindi ako palaban. Paano pa at naging president ako noon kahit ng buong University kung hindi ko din pala kayang ipaglaban ang sarili ko? Hindi ba?

"You okay, Lib?" napatingin ako sa gawi niya. Di ko namalayan na andito pala siya sa tabi ko na. Ayan na naman yang LIB na yan na endearment namin. Kesyo unique daw kasi. Totoo naman. Nung tinanong ko siya kung bakit LIB, sabi niya shortcut for believe.

Sa dinami dami raw kasi nang mga nangyayari at sa tinagal-tagal ng pag-aantay namin sa isa't-isa ay hindi raw siya nawalan ng pag-asa. He continued to believe that time will come for us where we are going to fulfill all the awaited memories we have.

"I am. Iniisip ko lang yung bagong post ni Jeanine. Seryoso ba siya dun?" tanong ko at ipinatong ang ulo sa balikat niya.

"Di ko alam, bakit natanong mo?" I shrugged.

"Tingin ko ay seryoso siya doon, hija. Pero kung sakali mang hindi siya seryoso doon, bakit hindi kayo pumayag? Baka akala niya ay masyado kayong takot na lumabas sa publiko kaya niya nasabi iyon at ikagulat niya pa ang pagpayag niyo.Sa totoo lang, siya ang dehado." napaisip ako sa biglang sinabi ni Yaya Nona.

"Bakit mo naman nasabi yan, Nona?" kunot-noong tanong ni Yaya Weng sa kaniya at sumipsip sa baso ng kape niya.

"Aba eh, bakit? Tama naman hindi ba? Wala siyang karapatang sabihin ni naging third party tong alaga natin natin dahil ang totoo siya ang nakisingit sa pagmamahalan ng dalawa!"

"Chill lang naman! Ang presyon mo Nona! Masyado kang nadadala. Highblood? Highblood?" pang-aasar ni Yaya Baby kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Yaya Nona. Napatawa kami ng mahina ni Zander dahil doon. Napatingin ako sa kamay ni Zander na gumapang sa kamay kong nakapatong sa tuhod niya. Pinagsiklop niya iyon.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hanggang ngayon ay sariwa pa din sa akin ang kung paano siya nagpropose. That may not be the most grand proposal I had,  but for me, that was the most romantic thing happened to my life. Ang magoropose sakin ang lalaking mahal ko.

Kinabukasan, maagang pumunta sa bahay si Zander. Di ko inaasahang kasama niya si Lyons, Riphally at Harold. Lumipat na kasi si Riphally sa mansion ng mga Jones, hindi naman sila natutulog sa iisang kwarto dahil pinaayos ni Tita Nazi ang guest room para tuluyan nang maging kwarto ni Riphally habang andoon siya.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon