Chapter Five: Peace Offering

14 2 0
                                    

Kaitlin's POV

(October 17, 2014)

"Ate Sheena? Ikaw ba talaga iyan? Kailan ka pa dumating? Hala, kamusta na kayo ni Kuya Greg? Uy ikaw ha! Ikakasal ka na ba? Ate Sheena! Magsasalita ka pa ba?!" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Ate Sheena is my cousin. 4 years ago nung nagpaalam siya sa akin kasi magmamigrate daw sila sa Korea. Grabe,nakakaiyak! Sa lahat ng cousins ko si Ate Sheena lang talaga ang maituturing kong super close ko. Magkavibes kami eh!!

"Hahaha, grabe ka naman magtanong, walang pakalma na part?"

"Ate Sheena naman eh! You know naman that I really miss you so much!"

"Oo na! Ok, sasagutin ko na ang mga tanong mo. Yes, ako ito. Dumating ako last last day. Kami ng Kuya Greg mo? Yes, enggage na kami. At oo rin, magsasalita pa ako at tapos ko nang sagutin ang questions mo." napatawa nalang kaming dalawa.

Tinapos ko kaagad ang pagkain ko. Inaya ko si Ate Sheena na pumunta sa pool area at pumayag naman siya. Kumuha naman ako ng chocolate cake sa refrigerator at ice cream.

"So baby girl, kamusta naman ang role mo sa school as a President? Mahirap ba?" -Ate Sheena

"Sakto lang. Minsan stressful lalo na kung may mga malalaking event kasi kami lahat ang nagmamanage. Parang mas lamang pa nga kami sa teachers pagdating sa mga trabaho eh. Alam mo yun? Yung mas teacher ka pa kesa sa teacher?"

"Of course alam na alam ko yan noh! Alam mo nung college rin ako, as in oh my goodness, I think I want to punch the face of our principal! Sarap sabihan ng 'excuse me sir. I am the president, I am not your slave!' kasi naman kung makautos, SOBRA! Palitan nalang kaya kami ng pwesto? Ako mag-uutos sa kaniya!"

"Hahahaha kahit papano ay swerte pa rin ako sa principal ko. Ang turing niya sa akin ay maayos at di siya suplada. Ginagawa niya nang maayos ang trabaho niya. Ako? Parang taga assist lang." I said habang naka chin up.

"Eh bakit kanina parang nagrereklamo ka? Labo nito oh."

"Sa mga teachers naman yun. Yung adviser naman kasi namin parang sira. Alam mo yung dahil president ako ay ako na rin ang pinapaayos niya ng mga grades. Di naman ako nainform na teacher na rin ako."

"Hahaha oh my goodness. My former teachers are not like that lalo na ang professor ko. Haysst, kung ikaw swerte sa principal, ako malas. Samantala sa teachers, swerte ako at ikaw ang minamalas." -ate Sheena

Napatagal pa ang usapan namin at di namin namalayan na naubos na namin ang cake at ice cream.

Agad akong sinabihan ni ate Sheena na matulog na dahil mahalaga pa rin daw na maayos akong matulog. Ayaw ko pa nga sana kaso kung makikipagdebate ako kay ate Sheena,alam kong talo lang din naman ako sa huli.

Pumunta muna ako sa veranda ko at sumagap ng malamig na simoy ng hangin. Hindi naman pala magtatapos sa kamalasan ang araw na ito!

Inopen ko ang cellphone ko at nag open ng fb account ko. Tinignan ko ang mga post sa fb. Bakit ba ang daming couples ang nagpopost ngayon? Pinapamukha niyo bang.... Arghhh!

And then something entered my mind. Sinearch ko ang pangalan ni Aaron sa fb.

Aaron James Silvestre updated his status 1 hour ago

Hello baby😘😘 Happy anniversary!

(Insert: picture ni Aaron with Laren)

Ang lalandi niyo uy!

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon