Chapter Six: Make-Out and Chocolate

13 2 0
                                    

Kaitlin's POV

(October 19, 2014)- Sunday

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Whoo, sunday na naman at kahit sunday na ay bukas pa rin ang Korean restaurant. Nakakapagod, mga 1 am na rin ako nakatulog dahil si Zander ang kulit kulit kagabi.

Nagtext sa akin ng 10 pm, ang sabi niya ay good night. Nag goodnight ako sa kaniya. Ako naman di pa matutulog dahil inayos ko pa ang contract with Lola Felicia.

Matutulog na sana ako kaso biglang nagtext na naman si Zander. Ang text na naman niya ay Goodnight. Sira talaga!

Flashback

From: ZanOppa

Goodnight!!😪😴

To: ZanOppa

Paulit-ulit talaga Zand? Nag goodnight ka na kanina at hanggang ngayon di ka pa rin tulog?

From: ZanOppa

Eh kasi di ka pa rin naman tulog eh. Eh diba nag goodnight ka na rin kanina pero di ka parin tulog hanggang ngayon?

To: ZanOppa

How did you know?

From: ZanOppa

Your lights are still ON. Is it a GOODNIGHT?!

Nagulat ako sa text niya kaya lumabas ako ng veranda ko at doon ko siya nakita. Andun na naman sa sa labas at nakasandal sa kotse niya. Nang mahalata niyang andito ako sa veranda ay nagwave siya sa akin.

From: ZanOppa

Oh ano?

To: ZanOppa

Seriously Zander? Bakit andito ka pa rin sa harap ng bahay namin? Gabi na! Umuwi ka na! Ipinag-uutos ko ngayon na bilang president ng SCS.

From: ZanOppa

Bakit? Nasa school ba tayo Kait?

To: ZanOppa

Wala, pero bukas baka may project kayong gagawin diba? kaya dapat maaga kang dumating!! Ano ka ba?! It is an order from your FRIEND!

From: ZanOppa

AALIS AKO PAG NATULOG KA NA, MY FRIEND! And wala akong gagawin tomorrow.

To: ZanOppa

Kulit mo noh?

Di ko na siya ulit nireplyan sa next text niya dahil bumaba na ako. Pinagbuksan ko siya ng gate.

"Pasok." sabi ko.

"Huh?" nagtatakang tanong niya.

"Mas gugustuhin ko pang pumasok ka muna kaysa mahamugan ka diyan sa labas. Mamaya ako pa ang maging salarin kapag nagkasakit kang ugok ka!"

"Grabe ka naman! Ang sabihin mo... concern ka lang talaga sa akin."

"Malamang, kaibigan kita,ano ka ba! Sige na pasok na! Di ka naman pagagalitan ni ate Sheena."

"O-okay."

Pumasok na siya at pinaupo ko muna sa living room. Nagtimpla naman ako ng chocolate drink para sa akin, sabi niya naman ayaw niya raw.

Sus, baka nahiya lang talaga siya.

"Oh? Bakit ka nga andito ha?" Tanong ko

"Eto talaga oh, walang pagmamalasakit sa kaibigan niya! Ayaw mo ba akong andito?"

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon