Chapter 34: Vulnerable

4 1 0
                                    

"A-ako to. Kaitlin." pagkasabi ko noon ay tumahim sila at napanganga, even Zane. Di ba kapani-paniwala?

"Homay gulay?! Ikaw talaga yan?" biglang tumayo si Fredly at lumapit sa akin. Ininspeksyon niya ako simula ulo pababa. Binatukan naman siya ni Kian.

"Gago! Pinagpapantasiyahan mo na si Miss Pres eh!"

"Luh? Ano kala mo sakin, si Slutch? Alam ko namang mas gumanda si Miss Pres pero di naman ako gaya ni Slutch!"

"Yan tayo eh! Bakit nadamay na naman ako?! Suntukan nalang kaya?! Pero seryoso? Ikaw talaga yan Miss Pres? Bakit, bakit parang nag-iba ang mukha mo, para ka nang bampira?" napangiwi ako sa sinabi niya. I know I want to be a vampire pero parang nakakainsulto ang pagkakasabi niya.

"Bakit naman?" I asked.

"Ang tamlay mo Miss Pres!" bigla tuloy akong na self conscious nang wala sa oras. Ganon ba ako katamlay? Eh may lipstick naman ako ah? Saka may make-up ako.

"Alam ko ang iniisip mo." napatingin ako kay Zane na nagsalita at nakaakbay na sa akin. "Hindi yung tamlay na parang patay yung ibig sabihin ni Slutch. Kasi sobrang puti mo na at.. at dahil pinaresan pa ng dark make-up that made you look fiercer, parang mas lalo kang pumuti na gaya ng bampira."

"Mga siraulo kayo! Akala ko naman ininsulto niyo na ako!" sigaw ko sa kanila sabay pout. Nakakatampo. "Akala ko pa kanina kinalimutan niyo na ako or you guys pretended na di ako kilala."

"Mangyayari ba naman yun? Ikaw lang ang muse ng King's Throne noh! Walang nagbago, mukha mo lang saka mas lalo kang sumexy miss pres!" sabi ni Kian sabay akbay sa'kin. Kaso bigla namang tinabig ni Zane ang kamay niya. Ang supladong to talaga.

"Nagseselos ang isa diyan!" panunukso ni Damon."Alam mo, Zane, huwag kang ganiyan, hindi porket wala na sila ni Zander ay ikaw naman ang magdadamoves!" kahit kailan napakapranka talaga ni Damon.

"I didn't remember having a relationship as boyfriend with Zander, Dame. We're only bestfriends." I siad at bahagyang may naalala. "Before." dugtong ko at natahimik silang lahat.

All thanks to Fredly for changing the topic. Mabuti nalang talaga ay andito ang isang 'to. Pinaupo nila ako sa table nila. I am sitting in the middle of Zane and Damon. Nag-uusap silang lahat ng mga kalokohan nilang ginawa nung nakaraang araw. While me? I am busy watching Zander and his girl talking to some guests, too. But I am also listening to the topic of the boys at nakikitawa din. Multitasking it is.

"You still have feelings for him, don't you?" I was stunned by his sudden question. Napalunok ako, trying to find for the right answer. Because whatever I do and whatever I try, I think it will always be a yes that I will always gonna give to that kind of question.

I never thought that everything could be this hard. Moving-on from Aaron's cheating became really easy for me due to Zander's help where I didn't know that I will be falling for him, too. And in the end, I ill be the one to dumped him, also.

Ilang buwan lang naman yun pero naging malalim talaga ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya to the extent that even for now, after being miles away from him, I still found myself, hoping and expecting that he still loves me. What an evil life have given to me?

"No need to answer, the answer is very evident to your sudden silence. It is clear as crystal that you still love him. Noon pa man, alam ko na iyon, and we also know that you are just being deniable about it so that you can keep you friendship secured." heaving a sigh, I just didn't reply.

He's right, that was really what I have been thinking about before. Afraid of losing our friendship for I think it was the best thing I have, I am incapable of losing him in my life kaya kahit nararamdaman kong mahal ko na talaga siya, I chose to ignore it for a long time and keeps on denying everything just to avoid losing him.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon