Chapter 44: Ipaglaban

4 0 0
                                    

"Bakit ba kasi di ka muna kumatok?" nakakunot-noong tanong niya sakin. Para akong bata na pinapagalitan. Nakakahiya... alam ko naman takaga ang mali ko pero seesh, syempre gusto ko siya abutan, gusto ko siya-

"Tss, wala ka talagang balak magsalita?" napaangat ako ng ulo at nakita kong kalmado na ang mukha niya. I sighed and then looked away.

Ano ba dapat sabihin ko?

Zander, andito ako para ipaglaban ka?

"Haysst, ang pangit pakinggan." nasabi ko at nanlaki ang mata ko nang magsalita si Zander.

"Anong pangit pakinggan? Tss, kumain ka na ba? Are you hallucinating?" bakit ba parang naiinis siya sakin ngayon? Kanina pa lang eh iniyakan niya ako ah!

"Magsalita ka naman, Kaitlin." pautos niyang sabi at saka ko na siya nilingon... sasabihin ko na ba?

Shet, naiiyak ako eh.. naiiyak ako... ayan na... at seesh, umiiyak na nga ako. Agad kong pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Zander nang makita akong umiiyak kaya naman agad ako tumakbo papunta sa bathroom niya nang daretso at nilock iyon.

"Stupid, Kaitlin. Pupunta punta ka bigla tapos di mo alam sasabihin mo?" bulong ko sa sarili ko at humikbi. Napatalon ako nang bahagya nang narinig ko ang katok ni Zander.

"Hey, are you okay? Do you feel sick? Masakit ba tiyan mo?"

Letche, puso ko sumasakit at isip ko nang dahil sayo.

"H-hindi! Okay l-lang ako. J-just w-wait for me there 'til I go out, please?" wala akong narinig na sagot sa kaniya kaya hinayaan ko na lang.

Inhale, exhale. Inhale, exhale. Exhale naman, Inhale, balikatad naman, parang utak ko lang din, bumabaliktad na ngayon kung kakausapin ko na ba siya o ano.

Pero para sa ano pa diba kung di ko siya kakausapin? Andito na lang din naman ako, why not?

Why not? Why yes? What the heck!!!

"Argh Kaitlin, pabo, pabo, pabo. Whoo."

*stupid, stupid, stupid*

Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong-hinga at saka hinarap ang pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at nang mabuksan ko na ay nagulat ako... nasan si Zander?

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at aba, wala nga siya. Asan na yung lalaking iyon? Naman eh, kung kelan bumabalik ang lakas ng loob ko saka naman siya mawawala bigla. Seesh, does he really want to make it hard for me? Napailing nalang ako at lumabas ng kwarto niya at bumaba.

Pero pagdating ko sa baba ay di ko inaasahan ang makikita ko. Si Zander, nakahwak sa malalaking luggage bag at nasa pinto. Shit, kaya ba siya naligo dahil... aalis siya?

Eto ba ang siasabi niyang ilelet-go niya ako? Eto ba?? Aalis din ba siya gaya ng pag-alis ko noon? Iiwan niya ba talaga ako? Hindi pwede! Aniyooo!

*No*

"Zander Liam Manzano!!" sigaw ko sa kaniya. Tinignan niya ako at bahagya pa siyang nagulat. Agad akong naglakad papunta sa kaniya at sinapak siya... oo, sinapak ko siya!

"What was that for? What's the matter?"

"Ha! What's the matter? Bwiset ka!"

Zander's POV

Tinitignan ko siya nang nagtataka. Bakit ba andito siya? Kung kelan naman handa na akong palayain siya, saka naman siya magpaparamdam nang ganito. At ang malala ay sinapak niya pa talaga ako.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon