Chapter 29: Bad

4 2 0
                                    

"Bakit pati kay Zander hinahabilin mo sakin?" nakakunot-noong tanong ni Kuya Tristan.

"You know it's really uhmm, how would I say this, awkward. Alam mo naman ang nangyari 3 years ago diba? Sige na Kuya please. Ikaw na magbigay."

"Ayst, oo na nga, ikaw bata ka talaga." umiling-iling naman siya. Makabata naman eh, pero hindi na nga ako magrereklamo baka di niya gawin eh akong pang ipabigay niya tuloy.

"Salamat Kuys! And also say hi to Tita Gab and Tito Rence for me!" I waved my hand at them at tuluyan na silang umalis. Tinanaw ko ang kotse nila na lumalayo na at saka ako pumasok.

"Did you enjoy the day?"

"Of course Dad. Kakarating ko palang and you've already made a surprise, okay lang naman kahit wala. But still, thank you Daddy." I said and hug him.

"Oh, everything for my only princess. Daddy's happy you're back." mas lalo pa akong naghug sa kaniya.

"Ay ano to Kuya? Dramahan?" Biglang sumulpot si Tita Honey na may hawak pang plate ng brown cookies. Sa likod niya ay sila Ryle at Dery.

Dito muna magiistay sa amin sila Ryle at Dery at bukas nalang sila babyahe ulit pabalik ng Cebu.

"Hon, para kang sira. Kakarating lang ng anak natin dinadramahan mo na agad!" now that's Mommy teasing Dad. She clinged into his arm.

"Hayst, inaasar niyo na naman ako eh! Honey kasi mag-asawa ka nga para mafeel mo din na magkaanak at mamiss ang anak mo!" Tita Honey frowned.

"Teka nga!! Ikaw yung inaasar Kuya tapos nabaling agad sa akin! Pag ako nakahanap na ng right one lagot ka sa akin!" At nagtawanan naman na silang lahat.

"Sige lang Tita Honey, kami pa ni Vendery maghahanap ng mapapangasawa mo." said Ryle and put his arms on Tita. Ang galing ng family namin dahil ang relatives ko sa mother at father side ay magkakasundo talaga.

"Hay nako Ryle, tigilan mo si Tita Honey, puro bad boy lang marereto mo diyan na kakilala mo!" Vendery.

"O edi wag ka rin! Kapag ikaw kaya ang nagreto ay babaero lang ibibigay mo kay Tita Honey." Taas-noo niyang sabi.

Umalis si Tita Honey sa pagkakaakbay na ng dalawa.

"Kayong dalawa kaya ang tumigil-tigil? Kapag kayong dalawa ang naghanap ng mapapangasawa ko ay bad boy at babaero kaya wag na." we all laugh at what Tita Honey just said.

After having those conversations, Ryle and Dery decided to have a swim before the night ends. They asked me to join them and I just said that I will follow.

Pagdating ko ng kwarto ay tinignan ko ang natutulog na si Kazy sa kama ko. She likes it here in my bed than her cute sleeping basket.

Hinaplos ko ang balahibo niya. "Goodnight Kazy." Humarap ako sa bintana, I can see the clear sky full of stars. The moon is shining brightly.

"I still love you. Goodnight Zander." tumayo na ako at nagpalit ng high-waisted shorts at black sando. Nagsuot din ako ng robe. I'm not going to swim, I'm too tired for that.

"Hey Kaits?! Adiyan ka na pala! Tara join ka na! We're playing! Find the coin under the pool! Tara na!" I smiled. Ryle never changed. Ang taas pa rin ng energy.

"Wag na! I'm too tired to swim. I'll just sit here." May orange juice sa patio table at sumipsip ako ng konti. Tinignan ko silang dalawa.

When we're still kids, kapag nagbabakasyon kami ng Cebu nila mommy, silang tatlo agad nila Kuya Clyde ang sumasalubong sa amin sa airport.

I remember Ryle's face before, tan pa ang kulay niya, tapos ang buhok niya ay mahaba pero nalalagyan ng, ewan ko kung gel. Lakas ng pormahan.

Ganun din si Dery, malakas ang appeal niya sa mga babae kahit nakasimpleng shirt at shorts lang siya. He had those side swept hair before na ngayon ay messy na.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon