Chapter 28: Again

4 2 0
                                    

"Oh my god!! What's his name again, Ate Sheena?" I'm in the Philippines already, si Ate Sheena at Kuya Tristan ang sumundo sa akin sa airport kasama ang kanilang 2 year old baby boy.

"Treaf Shawn Manzano! Treaf, baby, say hi to Tita Kaitlin!" nakangiting sabi ni Ate Sheena kay Treaf at tinaas naman ni Treaf ang right hand niya. Ang tahimik na bata kahit nakangiti.

"Ate. Can I hold him for awhile? Gusto ko mahawakan talaga ang pamangkin ko." I asked and she just nod at me.

"Baby, go to Tita for now huh?" Kinarga ko na si Treaf at di ko maiwasan na maadmire ang gwapong mukha ng pamangkin ko. Naman talaga oo!! Napakacute din!

"Ang gwapo at cute naman ng baby Treaf namin! Tita have pasalubong for you when we reach the house! Do you want to know?" Lumaki ang mata niya at lumapad ang ngiti. Mas nanggigil ako.

"Oh dahan dahan lang sa pagpisil sa mukha ng anak namin Kait! Alam kong gwapo yang pamangkin mo pero wag mo panggigilan masyado." he said while laughing.

"Kuya Tristan naman! Wag kang KJ! Besides, 2 years akong di nakilala in person nitong si Treaf kaya hayaan mo na ako!" I pout. Tinawanan niya nalang ako.

"Tama na yan! Let's go na!" sabi ni Ate Sheena. Nanghiram kami ng baggage cart hanggang sa makarating kami sa kotse nila.

"Grabe, bakit naman 5 maleta ang dala mo ngayon samantalang nung pumunta ka sa NYC ay dalawang maleta lang ang dala mo as far as I remember." nilalaro ko pa din si Treaf dito sa backseat.

Hinarap ko si Ate Sheena. "Ate, pasalamat ka nga nauna nang umuwi dito si Kazy dahil baka may isa pang maletang maliit akong madala!" I'm referring to Kazy my cat.

Pinadala ko kasi siya kay Mom last year ng October nung bumisita sila sakin para naman maalagaan ng maayos. Di ko na kasi nofofocusan si Kazy eh.

"Speaking of that cat! You know what? I think my baby Treaf likes cat, too. One time nung pumunta kami sa inyo kasama namin sila Mommy, oh my, hinabol niya si Kazy at niyakap! Buti nalang nga di nangangagat si Kazy eh!" natatawang sabi ni Sheena.

"Oo nga Kait. Kaya napapadalas din kami sa inyo dahil tong si Treaf laging gustong makita si Kazy, umiiyak nga kapag di napagbibigyan eh." umiling-iling naman si Kuya Tristan.

"Wow!!" hinarap ko naman ngayon si Treaf. " Baby, do you want to see Kazy cat?"

"Yes po!!" he said immediately.

"Luh!! He's fluent!! Oh my!!" I giggled and laugh. Matalino tong pamangkin ko for sure!!!

"Kait, andito na tayo." tinignan ko ang window at andito na nga kami. "Masyado kang naaliw kay baby Treaf kaya di mo namalayan na andito na tayo ano?"

"Grabe Ate Sheena, it's so nice to be back." I said.

"Yeah yeah, I know I know. Kaya baba na tayo and let's get inside. Baby, come to Mommy na." galing sa passenger seat ay tinanggal na ni Ate Sheena ang seat belt niya at kinuha si baby Treaf.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay may pumutok kaya nagulat ako.

"Good Morning Kait!! Welcome Back!" sigaw nilang lahat. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. Parang may fiesta sa bahay.

"T-thank you po!" I hug them each at ramdam na radam ko na miss na miss nila ako. Grabe, iba pala talaga kapag alam mong kasama mo ang pamilya mo.

"I miss you sweetheart! Good thing my baby girl's back." sabi ni Daddy.

"Dad naman. 22 years old na ako at baby parin hanggang ngayon? I'm your big girl already!" I said while chuckling.

"Hayaan mo na ang Dad mo, Kait. Miss na miss ka na talaga niyan kahit bumisita kami sa NYC. I miss you, too." sabi ni Mommy na maluha-luha.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon