Chapter 42: Revelation

3 0 0
                                    

"Oh eh bakit naman daw? Hindi pa ba malinaw na ayaw ko na munang magpainterview? Tell the security to ban all the reporters. Ayaw kong may gumambala sakin lalo na at marami akong ginagawa." sabi ko kay Mel. Kanina pa kasi panay tingin sakin na parang may sasabihin, yun pala ay tungkol sa mga reporters na nagpupumilit makakuha ng interview sakin.

Hindi pa ba sapat yung presscon?

Kung sa bagay, may reply pala sa message ko ang DelucioNadang yun.

"You are the reason why we broke up so don't act like you're one of an innocent person! Una ka ngang nakilala pero ako ang present niya. And FYI, I am not doing this for an extra exposure, matagal na akong expose at di ko kailangan yun!"

Napailing nalang ako. Bagay nga talaga siyang maging actress din. Wagas ang iyak eh! Daig pa yung inagrabyado at nirape sa lagay niya.

Gusto mo isampal ko sa pagmumukha mo si Zander eh!

"Ms. Kacy." tawag ulit sakin ni Mel nang makabalik na siya. Tinignan ko siya. "Pinapaalis na po ang mga reporters pero may iilan parin po talaga na nagii-stay kahit sa labas ng building. Inaabangan kayo."

I breathed a deep one and then massaged the temples of my forehead. Nakakastress ang mga reporters na to. It's been three days since I started working again and it's been five days after the presscon was held but here they are, asking to have an another interview.

Kung ibalibag ko kaya sa kanila tong mga papel na andito sa table ko at sila ang pagawan ko ng bagong marketing plans?! Nakakainis, alam kong trabaho nila yan pero ang ayaw ko sa lahat ay yung mga nakikiuchoso sa mga bagay na hindi naman sila kasali at wala silang kinalaman. Lintek na mga reporter.

Nasasagad ang kabaitan ko dahil sa kanila. Buwisit kasi, talagang tinotohanan ni Zander ang pakikipaghiwalay sa baliw na DelucioNada'ng yun. Tapos bigla akong madadawit eh wala nga dapat akong kinalaman sa kanila dahil kahit friendship namin ni Zander eh wala na.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang makita ko ang phone ko na nagvavibrate at may tumatawag. Si Damon. Ano kayang problema nito?

"Hello, Dame?"

"Hi Miss pres. Tagal ka namin na gustong bisitahin kaso pinagbawalan muna kami ni Tito Keifer dahil baka makadagdag daw sa issue. Kamusta ka na?" napangiti ako.

Sa simpleng mga bagay ay nandiyan din sila para sakin kahit nakilala lang naman nila ako noon sa napakadaling panahon. Kung pahalagahan nila ako ay parang prinsesa lang ang turing sakin.

"I'm a lil' bit stressed but I'm physically fine. Kayo? Kamusta? I haven't heard about you guys for quite some time."

"Tss. Naiimbyerna din kami sa mga reporters na pumupunta samin. Minsan before our gig or after ay nakaabang na sila. Nanghihingi ng opinyon naming lima tungkol sa issue niyo. Parang mga sirang plaka na nga ang mga yun eh. No comment kami nang no comment tapos tanong pa din nang tanong. Mga gago lang."

"Chill!" sabi ko sa kaniya dahil halatang inis na inis na siya sa nangyayari. "Matatapos din tong issue na to. Sana lang talaga magising na ang Jeanine Delucio na yan sa pagka delusyonada niya."

"So anyway. I just called to ask about how are you but I guess you're fine, at least. Sige, siguro by this week ay dadalaw kami sayo. We're just waiting for our schedule to have some little vacancy."

"Ano ka ba, Dame. Wag kayong mag-abala kung talagang busy kayo. Okay lang ako saka wala naman akong sakit para dalawin niyo. But thank you. Really. I appreciate your outstanding support for me. Pleasy say hi to the band for me."

Natapos ang tawag at kahit papano ay napangiti ako. Kahit maraming nangyayari sakin ngayon ay di ako nauubusan ng mga kaibigang pinipili akong suportahan sa lahat ng bagay. Lalo na kapag kailangan ko sila.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon