Chapter 46:

16 0 0
                                    

Kakatapos ko lang maglunch nang biglang tumawag si Mel. Noong una ay maayos pa ang mood ko pero nang sabihin niya ang dahilan ng pagtawag niya ay sumeryoso ang mukha ko.

"May presscon ngayon si Ms. Jeanine kasama ang manager niya. Abangan niyo sa TV kung ano ang sasabihin niya." sabi ni Mel.

"S-salamat. K-kamusta naman diyan sa company?" doon lang ako nakahinga nang maluwag nang sabihin niyang maayos naman ang nangyayari. Board members trust the company. They're professionals that they won't stoop down and leave the company just because of the issue. A good thing I must thank about. Medyo naging matagal ang usapan namin pero ako na mismo ang nagpaalam at bumaba ng linya.

Dumaretso ako sa Living room at binuksan ang TV. Agad kong nilipat iyon sa channel na sinabi ni Mel at sakto lang dahil kakasimula lang.

Sa venue ay nakasuot ng purong puti si Jeanine. White lacey top paired with white jeans. Ultimo ang choker niya ay puti. Isang kwestyonableng bagay para sa'kin dahil parang pinapakita niya ang kalinisan niya kuno.

Nasa gilid niya ang kaniyang manager at ang bodyguards niya ay nasa likuran nila.

Tss, akala ko ay model ang isang 'to pero pwede din pala talaga mag actress. She has also a talent of being an author for her potential on making stories that aren't true.

Naramdaman ko ang pag-upo sa katabi ko at nang tinignan ko ay si Mom pala.

"First of all, sa lahat ng fans ko... salamat kasi pilit niyo kong sinosoportahan despite all the things that's happening to me, right now. Pero ako na po ang nakikiusap sa inyo na itigil niyo na po ang pagbabash kay Zander at Kaitlin. I think... it's really my fault why Zander and I didn't last longer."

"Ano nakain niyan?" biglang tanong ni Mom, I just shrugged.

"T-the truth is... Zander and I just happened kasi may utang na loob siya sa'kin..."

Napaayos ako ng upo at as lalong tumutok sa TV na may kunot-noong mukha. Why of all the sudden she's revealing the real story?

"Mutual love really didn't exist from the very first place..." nagsimula siyang humagulhol. Dinig din sa TV ang mga bulung-bulongan ng mga tao. "Ako lang talaga ang nagmamahal sa kaniya, but all the time that he's with me, s-si Kaitlin ang m-mahal niya. And because of my fear that I might lose Zander... I started... started to do bad things to Kaitlin."

"Wow... is this for real?" asked Dad in a very serious tone then sat beside Mom.

"Totoong... nakipaghiwalay sa'kin si Zander dahil kay Kaitlin. B-but not because Kaitlin stole him and seduced him. K-kasi... s-si Kaitlin naman talaga ang unang minahal at pat-patuloy na minamahal ni Zander." mas lumakas ang hagulhol niya.

"I'm s-sorry... I can't do this anymore." bigla siyang tumayo at umalis sa kinauupuan niya. Pati mga reporters ay angpanic at nagpabilisan sa paghabol sa kaniya ng mga tanong. Dahil sa gulat ay hindi ko naalis ang tingin ko sa TV pero nanlaki ang mata ko nang may makita akong lalaki na pirmeng nakatayo at sobrang seryoso ng mukha.

"Anong ginagawa diyan ni Mr. Hernando?" tanong ko kila Mom at Dad kaya naman tinuon din nila ng pansin sa TV.

"Oo nga noh? Bakit nandiyan si Mr. Hernando, hon?" tanong din niMom kay Dad.

"I don't know... don't mind them. The important thing is that, your name's already clear, sweetie. I'm happy for you." Dad said and then hugged me and Mom. I smiled.

"Tito talaga, di man lang kami inintay, sali kami!!" pagtingin namin sa pinto ay nandoon ang lahat ng kaibigan ko. Starting from Banny with her fiance, Ralph. Si Riri, Si Harold, at shock din ako nang makita ko si Lucio and Alli kasama ni Lyons, at syempre, hindi nagpapahuli ang taong mahal ko na nagsalita na parang bata.

"Gusto mo ba alisin ko basbas ko sa iyo at di ko ipatuloy kasal niyo? Naninira ka ng moment pampamilya."

"Tito naman nagjojoke lang eh. Eto na nga aalis nalang kami ulit." nagtawanan ang iba naming kaibigan except for Lucio and Allison na mukhang naguguluhan pero maya maya ay nakitawa na rin matapos bulungan ni Harold ang dalawa.

"Hon! Ano na naman ba iyang pinagsasabi mo sa future manugang natin?!" biglang sabi ni Mommy at tumayo. "Everyone, maupo kayo. This day is going to be awesome. Magse-celebrate tayo! Yaya Nona at Yaya Bavy!"

Naunang dumating si Yaya Bavy at sumunod si Yaya Nona.

"Ano yun?" -Yaya Bavy.

"Kaitlin just cleared her name from public issues! Maghanda po tayo, we are going to do a double celebration!!"

"Anong double celebration ang pinagsasabi mo, Hon?" now it's Dad turn to ask.

"Of course! Our daughter is getting married! Second, nalinis niya na ang pangalan niya sa publiko! Isn't those nice things, be celebrated?"

"Getting married? Who said I'm going to let that happen?"

Zander's POV

Kinabahan tuloy ako dahil sa sinabi ni Tito Kristoffer.

"Tito naman!!" angal ko.

"HAHAHA, Tita, don't scare our soon to be husband here. He almost pee in his pants when he asked to marry your daughter." tinignan ko nang masama si Harold. Lintek, nambubuking pa eh. Napayuko nalang ako nanag lumakas ang tawa ni Kaitlin at tila anumang oras ay mahihiga na siya sa sahig.

"Bullshit." bulong ko.

Tinapik ako ni Lucio at binulungan. "That's okay, bro. At least you didn't actually pee, right? Almost only." Pukat di nakatulong. Agad ko siyang binatukan.

"You're not helping." tinawanan lang ako ng mga ungas.

Matapos ang mahaba-habang tawanan sa living room ay heto kami ngayon ni Kaitlin sa balcony ng kwarto niya. Kanina ko pa siya pinagsasabihan na ibaba ang nakapatong niyang mga paa sa mesa pero ayaw talaga.

"HAHAHA, Zands, as if someone will peek on my legs. Chill, besides, they can only see that, di naman nila maaangkin." napabuntong-hininga nalang ako.

"You will bear with my surname already in just a few months and there you are acting like you're not going to be. Makita o hindi, akin lahat nang parte na mayroon ka." nakita kong nanlaki ang mata niyanang linapit ko ang mukha ko sa kaniya.

Our eyes are focused on each other like we value a very precious gold that's in front of us. The urge to kiss her is something torturous. Our lips are near the edge of kissing, we closed our eyes an then—

"Hoy! Zander Liam Manzano! Hindi pa kayo kasal ng anak ko! Excited ako sa apo pero dapat matapos na ang kasal niyo!" napapikit ako nang mariin. Yung totoo?

"Parang matanglawin talaga si Daddy."

"I also think so." sagot niya at umayos nang upo.

"Ayon na eh." Tumayo ako at hinarap si Tito Keif na nasa baba. "Tito! Wala ka sa timing!"

"Wala nang kasalan!" sigaw niya pabalik.

"Joke lang, Tito. HAHAHA." sigaw ko pabalik kaya naman nagtawanan kami ni Kait. Grabe hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na magkakatuluyan kami ng babaeng mahal ko.

Ang hirap paniwalaan kasi dati parang hanggang tingin lang ako sa malayo. Parang hanggang doon lang ako sa dilim pero grabe talaga.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon