Chapter 40: Missing

3 0 0
                                    

Ilang araw na rin simula nung kumalat ang balita na 'inahas' ko raw si Zander kay Jeanine. At dahil sa balitang iyon ay nahirapan na rin akong makalabas ng bahay. Dad as the real president of our company substituted for me. Kahit ang totoo ay ako na dapat ang nandoon.

"I really don't want to go, Kacy." Alli said while hugging me. Ngayon na ang balik nilang dalawa ni Lucio sa New York. Riri will be staying here in the Philippines and in a few days ay lilipat siya doon sa mansion ng mga Jones. Tita Nazi likes her very much kaya naman excited siyang ikasal si Riri at Harold sa lalong madaling panahon.

Lyons on the other side will be staying here in the Philippines for good. Nagsisimula palang nila palakihin ang kompaniya pero medyo marami na ring branch kahit papano. But they chose the Philippines to be their main branch.

Nang makaalis na sila Ali ay nagpumilit talaga akong sumama sa kanila paountang airport but they really refused to let me go out. Delikado, alam ko, pero kasi iba sa pakiramdam yung sila yung pumunta at dumalaw sakin tapos ultimong paghatid sa kanila sa airport ay di ko magawa.

"I'm going to miss that sweet lady." out of the blue na sabi ni Riri habang nakahiga sa lounger sa pool. Napabuntong-hininga na rin ako. Ganun din naman ako. Nakakainis kasi yung Jeanine na yun, pabida masyado. Isip-bata.

"Riri, are you sure you still wanna be friends with me?" bigka kong tanong sa kaniya na kahit ako ay di ko maintindihan kung bakit ko nasabi.

"Are you nuts? Why would I not be? You're like a sister to me and Ali!"

"Look at me right now. Someone just spread a rumor that I stole someone's boyfriend which is basically not tr-"

"Exactly, it's not true! So wag ka pa-apek-" napatigil siya na parang nag-iisip. Trying hard to speak tagalog, eh. "Nevermind, my point is don't be affected. The rumors will vanish soon, okay?"
I just gave her a slight nod. We decided to go back inside the mansion para makapagpahinga. But I honestly don't know the use of relaxing especially in my situation right now. Ang ayaw ko sa lahat ay yung tumutunganga ako sa isang lugar at walang ginagawa.

I opened my facebook account and as usual, ang daming bashers ang nagpost sa wall ko. Saying that I'm a total bitch. And many other bad things which I don't think I deserve. Nakakasaltik lang ulo ang kasaltikan ng babaeng yun. Idamay daw ba ako sa problema nila ni Zander? Ako na nga umuwas, damay pa din?!

"Kapag ako nainis na nang sobra at mapuno sayong DelucioNada ka, babagsak ka talaga diyan nang tuluyan sa kinatatyuan mo ngayon." I said while scrolling down for more news feeds.

Napakalakas ng loob magkalat ng basura niya. Ang sarap tuloy ihampas sa pagmumukha niya ng ginawa niya. I can't believe her. I don't know if she was born like that or maybe she's just a damsel full of insecurities.

Nangalumbaba nalang ako sa parapet ng balcony habang nakaupo at tinignan ang view sa labas. Nakakainis, I was never been this lonely. Kahit sabihin pang, araw-araw ay dinadalaw ako nina Lyons, Banny, at Harold dito sa bahay ay di ko maiwasang malungkot.

Sana pinanindigan ko nalang nang maigi yung bitter the better ko noon para sana di na to nangyayari ngayon. But on the other hand, wala naman talaga akong kasalanan. Kasalanan ko bang ako pa rin ang mahal ni Zander? Siyemlre hindi! Lumayo na nga ako at lahat, ako  pa din, kasalanan ko pa din ba?

Dahil sa sobrang inis ko ay may pumasok sa isip ko.  For sure, tulog na si Dad at Mom. I can sneak out for awhile, I guess? Makasagap man lang ng poluted air ng Pilipinas kahit saglit. Nakakamiss na din ang outside world. I feel like one of those PBB housemates, out of place na sa outside world at walang kaalam alam sa nangyayari. Only that, ako may alam sa nangyayari sakin.

The Bitter, The Better (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon