Nagising na lang ako ay may araw na sa labas. Ibig sabihin umaga na kaya nandito na rin yung iba like before kausap ulit ni Rocco si Kurt, sa tingin ko sinabi na niya kay Rocco ang nangyari.
Kinuha ko sa desk ko ang laptop at lumapit sa pwesto nila Kurt para pakita sa kanya ang video na pinanood ko kagabi.
"Kurt, tingnan mo itong nakita ko kagabi." Nilagay ko na ang laptop sa harapan niya at may pinanood sa kanila. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong dumilim ang paningin ni Kurt. Ano ang nangyari sa kanya?
"Saang lugar iyan, Z?"
"Inaalam ko pa kung saan ito kinuhanan."
"Kapag nalaman mo
na kung saan iyan ay sabihin mo sa akin agad at ako ang gagawa ng misyon na iyan."Weird. Ang weird talaga.
Matagal na kasi hindi kumukuha ng misyon si Kurt dahil kami palagi ang inuutusan niya gumawa ng misyon.
"Bakit?" Tanong ni Miguel.
"Kaya nga bakit, Kurt. Simula noon ay hindi ka na gumagawa masyado ng misyon." Pagsasang ayon naman ni Neil. Napatingin lang ako kay Rocco dahil wala siyang imik. Sa tingin ko may alam si Rocco na hindi namin alam pero dapat si Kurt ang magsabi, hindi siya.
"Ang lalaki nasa video ay ang sarili kong ama. Siya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko at hindi na ako naniniwala ngayon sa mga pulis. Pinatay niya ang sarili kong ina sa harapan ko pa mismo." Nagulat kaming lahat sa kinuwento niya sa amin. Hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ng sariling ama sa asawa niya. And the worst is sa harapan pa ni Kurt ginawang pagpatay. "Wala na ako ibang matitirahan kaya tumira ako sa bahay ng tito't tita ko pero kapag lasing naman ang tito ay palagi niya ako sinasaktan kaya tumakas na lang ako sa kanila. Sa murang edad kaya ako natutong humawak ng baril at sa isang aksidente ay napatay ko ang tito ko. Dahil wala pa ako sa tamang edad noon kaya hindi ako nakulong pero dinala naman ako sa bahay ampunan. Doon na ako lumaki at nakilala akong tao, ang taong nagpapasok sa akin rito. Ang lalaking ito ang dahilan kung bakit ako pumayag maging agent. Gusto ko ipaghiganti ang ginawa niya kay mama."
Nakikita sa mga mata ni Kurt ang galit at poot. Gusto niya talaga ipaghiganti ang kanyang ina sa ginawa ng kanyang ama.
Naiintindihan ko na ang dahilan niya kung bakit ayaw ni Kurt na may namamatay. Dapat nga tanggap niya iyon dahil trabaho namin ay ganito na pwede mamatay kami sa isang misyon. Ako nga tanggap ko na ang pwedeng mangyari sa akin.
Pero bago ako mamatay ay mapatay ko na muna si vice mayor Luciano gamit ang mga kamay nito.
"Okay, guys. Balik na tayo sa trabaho." Kinuha ko na yung laptop sa desk ni Kurt. "Zion, hanapin mo kung saang lugar na iyan ah."
"Okay." Tinapik ko naman ang balikat ni Kurt ang laptop ay hawak ko gamit ang isang kamay. "Kurt, gusto rin kita tulungan sa ginawa niya sa ina mo. Isa tayong pamilya rito."
Tumango lang sa akin si Kurt kaya bumalik na ako sa pwesto ko. Nilagay ko na sa desk ko ang laptop para hanapin ang location ng ama ni Kurt.
I made a promise kaya tutulungan ko si Kurt sa paghahanap.
"Guys, lunch na. Hindi pa ba kayo kakain?" Tanong ni Miguel sa amin. Masyado kasi akong busy sa paghahanap kaya wala akong oras kumain.
"Sama na ako sayo, Mig." Rinig kong sambit ni Jake.
Speaking of Jake hindi ko pa pala maibibigay kay Jake ang address ng apat na Eunice Alcantara sa kanya.
Kaya tumayo na ako sa kinuupuan ko at lumapit kay Jake.
"Jake." Tumingin siya sa akin at may inabot ako sa kanyang maliit na papel. "Heto na pala yung hinihingi mong pabor sa akin kagabi."
"Thanks, man. Pupuntahan ko na lang kung hindi na tayo busy." Kinuha na niya sa akin yung papel at tinago sa wallet niya.
"Ano iyon?" Tanong ni Miguel.
"Hiningi ko kay Zion ang address ng ex girlfriend ni Kurt para kausapin ko pero apat ang lumabas na resulta kaya isa-isahin ko ang apat na address na ito. Sama nga lang makinig siya sa akin."
Desidido talaga si Jake na kausapin ang dating nobya ni Kurt ah. May tinatago pa lang kabaitan si Jake, ang akala ko puro kalokohan lang ang alam.
Bumalik na ako sa pwesto ko kanina pero nagwawala na yung alaga ko sa tyan. Gutom na ako dahil wala pa pala akong almusal kanina.
Tumingin ako sa paligid dahil wala na masyadong tao maliban sa amin ni Kurt. Tahimik lang siya nakaupo habang nakayuko sa pwesto niya kanina.
Nakita ko rin na tumayo na siya. Baka nakaramdam na ng gutom kaya kakain na sa labas. Ako naman baka hintayin ko na lang ang pagbalik ng iba bago ako kumain.
Nakarinig na ako ng ingay. Mukhang bumalik na yung iba kaya tumayo na ako ng kinauupuan ko.
"Pre, bumili na kami ng makakain mo." May inabot si Neil na isang take out na pagkain kaya kinuha ko iyon sa kanya.
"Salamat." Tinabi ko na muna ang laptop para doon ilagay ang pagkain ko.
Nagsimula na akong kamain ng dinala na nilang pagkain para sa akin.
"Si Kurt pala?" Tumingin ako kay Jake pero tinuloy ko ang pagkain.
"Umalis. Hindi niyo ba siya nakitang lumabas?"
"Nope, hindi namin siya nakita kanina." Sagot ni Miguel.
"Saan naman kaya pumunta iyon?" Takang tanong ni Jake.
"Baka naging stalker na ni Eunice mga pre. Tinamaan na kasi siya ng palaso ni kupido ayaw pang umamin." Pang aasar ni Neil. Ang lakas mang asar ng lalaking ito. Kapag siya ang ma-in love sa isang babae lagot siya kay Kurt. Baka gumanti iyon.
"Imposible iyang sinasabi mo." Sagot ko habang tuloy sa pagkain.
"Para naman hindi mo kilala si Kurt, Neil. Wala iyon interesado sa mga babae." Ani naman ni Miguel.
"Paano na lang kung meron? It's complicated pa." Sabi ni Jake kaya tumawa naman si Miguel sa kanya.
"Seryoso? May ganoon pa nalalaman ngayon si Kurt."
"I'm serious, pre. Hindi pa alam ni Kurt na may feelings na ba siya kay Eunice o wala. Maghintay lang tayo, baka hindi sa ngayon niya malalaman ang sagot. Just wait until he realized."
May punto naman doon si Jake.
"Makapagsalita ka akala mo pa naman may nobya."
"Wala akong nobya pero may future wife ako." Pati ako kay napatingin kay Jake.
"Future wife? Tapos walang nobya. That's weird, pre." Naguguluhan saad ni Neil.
"Maliban na lang kung fixed marriage iyan." Sabi ko sa kanila.
"Yup, fixed marriage. Hindi pa kami pinapanganak ng fiancee ko ay pinagkasundo na kami."
"Kung may fiancee ka na eh, bakit ka sumasali sa mga kalokohan? Kahit sa paghahanap ng babae."
"I'm enjoying being a single, man. Baka magulat na lang ako isang araw ay kasal na pala ako kaya hindi na ako magaaksaya ng oras."
"Baka ikaw na ang susunod na matali, Jake." Napailing iling pa si Miguel.
"Lahat tayo single. Maliban nga lang kay Rocco kahit 3 years ng patay si Alyssa pero nasa kanya pa rin ang puso nito."
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...