Chapter 28

994 39 2
                                    

Jessa's POV

Ilang araw nagdaan pero hindi pa rin bumabalik si Zion. Baka naman marami siyang ginagawa ngayon sa Pilipinas kaya hindi pa siya pwedeng bumalik rito.

Napatingin ako sa cellphone ko noong tumunog ito. Wala naman akong inaasahang tawag dahil wala naman akong kaibigan rito kasi nasa Pilipinas ang mga kaibigan ko at mga busy iyon sa sarili nilang pamilya. Pero nakita ko ang pangalan ni Kurt. Long distance call ito at ano naman kaya ang dahilan kung bakit tumatawag si Kurt sa akin.

Wala naman masama kung sasagutin ko yung tawag.

"H-Hello?" Kinakabahan ako pagkasagot ng tawag.

"Sorry, hindi na ako magpapaligoy pa, Jessa dahil kailangan mo malaman ang nangyari kay Zion." Sa tono ng pagsasalita ni Kurt ay seryoso siya. Hindi kasi siya ganito sa tuwing kasama siya ni Eunice.

"Ano meron kay Zion?" Hindi mawala ang kalabog sa dibdib ko. Sana wala nangyaring masama kay Zion.

"He had an accident five days ago."

Parang tumigil ang oras ko. Tama ba ang narinig ko?

"Pa-Paki ulit nga ng sinabi mo."

"Naaksidente si Zion."

Iyon nga talaga ang narinig kong sinabi ni Kurt kanina. Naaksidente si Zion.

"A-Ano nangyari sa kanya?"

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo sa telepono."

"Hindi naman ako pwede umuwi ng Pilipinas."

"May inutusan ako na magsusundo sayo diyan, Jessa. Kailangan ka ni Zion ngayon."

Kailangan ko rin puntahan si Zion ngayon para alamin ang nangyari sa kanya at kalagayan niya.

Isa o dalawang araw lang ang inabot bago pa ako nakarating sa Pilipinas dahil sa helicopter ang sinakyan ko pabalik rito. Pinasundo nga talaga ako ni Kurt para lang makarating agad.

Nandito na ako sa tapat ng hospital room ni Zion kaya kumatok na muna ako bago binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay si ate Trixie ang una kong nakita at sumunod naman si Zen.

"Ate Trixie." Tumingin siya sa akin.

"Jessa, salamat naman nandito ka na."

"A-Ano po ba nangyari kay Zion?" Umiling lang si ate Trixie sa akin. Wala siyang alam sa nangyari kay Zion.

"Sorry, wala akong alam sa nangyari sa kanya. Walang balak sabihin sa akin si Jake sa nangyari kay Zion kung hindi ko siya tinanong kanina ay hindi niya sasabihin sa akin. Si Jake lang ang makakasagot ng tanong mo, Jessa."

"Nasaan po siya?"

"Bumili lang ng makakain namin." Tumango ako bago lumapit kay Zion.

"Ano po ang sabi ng doctor?"

"Comatose siya, Jessa. Wala may alam kung kailan siya magigising."

Tumingin muli ako kay Zion. Para siya natutulog na mahimbing lang sa itsura niya ngayon, pero sana ganoon lang iyon at mamaya ay magigising na siya.

"Sorry, kung natagalan ako kasi naman ang kulit ng batang itong kasama ko." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jake at bakit niya kasama ang anak ni Zion sa dati niyang nobya? Huwag mong sabihin konektado sa batang ito sa nangyari kay Zion ngayon. Nakita kong yumuko siya habang nakakapit kay Jake.

"May gustong kumausap sayo." Sabi ni ate Trixie.

"Oh. Hey, Jessa. Nandito ka na pala." Sabi ni Jake pagkakita niya sa akin. "At mukhang alam ko na ang gusto mong malaman. Sa nangyaring aksidente."

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang nangyari?"

"Malalagot ako kay Zion kapag may nangyaring masama sa inyo ng anak niyo." Nakatitig lang ako sa kanya kaya bumuntong hininga si Jake. "Ang emergency kaya bumalik rito si Zion dahil nakita namin nasa tapat ng bahay nila si Clay. Pero pagkauwi ni Zion sa kanila noong araw na iyon ay hindi ko alam hanggang sa tumawag siya sa amin nawawala daw si Clay kaya humingi siya ng tulong sa amin nila Neil at Miguel. Kahit saan na kami pumunta ay hindi namin mahanap si Clay. Bago gumabi ay tumuloy pa rin si Zion sa paghahanap."

Hanggang ngayon pa pala ay hindi pa naayos ni Zion ang problema niya kay Kelly. Natatakot lang ako paggising niya ay piliin na niya si Kelly. Hindi ko kaya iyon.

"Pagdating naming tatlo ay yakap-yakap na ni Zion si Clay pero naliligo na sa sariling dugo si Zion."

"S-Sorry po. Kasalanan ko po sa nangyari kay papa..." Napatingin ako sa anak ni Zion. Hinila ko siya para yakapin. Hindi ko kung bakit, imbes na magalit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit comatose ngayon si Zion pero hindi ko magawang magalit sa batang ito.

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala po. Prinotektahan po ako ni papa pero hindi pa rin gumigising si papa ngayon." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Hush... Stop crying." Pinunasan ko ang luha ni Clay.

"Maiwan na muna namin kayo, Jessa." Sabi ni ate Trixie bago sila lumabas ni Jake at Zen.

"Magigising pa po ba si papa?"

"Magigising pa ang papa mo, Clay. Basta kausapin lang siya ng kausapin para magising na siya."

"Maririnig po ba niya tayo?" Tumango ako sa kanya kahit walang malay ang isang tao ay maririnig at maririnig pa rin ang sinasabi natin sa kanila. "Papa, gumising na po kayo. Sorry po. Kung hindi po ako umalis sa bahay sana hindi po kayo natutulog."

"Lumayas ka sa inyo, Clay?"

"Yes po. Palagi po kasi ako sinasaktan ni mama. Wala na rin po ako mapuntahan kaya pumunta ako sa bahay ni papa."

Mabuti alam ng batang ito ang daan papunta sa bahay nila Zion dahil delikado ang maglakad na mag-isa lalo na bata.

Pero ang palagi siyang sinasaktan ni Kelly, hindi naman yata tama iyon. Child abuse ang ginagawa niya.

Tumingin ako kay Zion na wala pa rin siyang malay. Kailangan ko siyang kausapin pagkagising niya tungkol kay Clay. Naawa rin ako sa anak niya.

Dumating rin ang ibang kasamahan ni Zion sa trabaho niya kahit nga rin sina Sarah at Eunice kasama ang mga asawa nila ay bumisita rin.

Habang nakaupo at nakatingin lang kay Zion ay may naamoy akong hindi ko gusto na parang babaliktad ang sikmura ko ngayon.

"Anong amoy iyon?" Tanong ko pero tumingin ako sa direksyon ni ate Trixie habang kumakain ito.

"Gusto mo ba?" Mas mabilis akong umiling dahil ayaw ko ng amoy.

"Gusto niyo po ba iyan kainin? Ang sama kasi ng amoy, ate Trixie."

Nakita ko ang pag-amoy ni ate Trixie sa kinakain niya.

"Wala naman akong naamoy ah. Ang sa-- Oo nga pala, buntis ka pala. Sorry nawala sa isip ko."

Always Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon