Tapusin ko na kaya ito? Wala na rin naman ako maisip na mangagayri. 😲
~~~
Jessa's POV
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala sa tabi ko si Zion. Alam ko sa tabi ko siya matulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa amin.
Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis ng damit.
"Good morning, ate." Bati sa akin si Jet.
"Good morning, bunso." Nakangiting bati ko naman sa kanya pero may narrinig akong tawanan mula sa kusina. Nagtataka ako kaya pumunta ba ako doon.
"Oh. Gising na pala, hija." Sabi ni mama pagkakita sa akin.
"Good morning, mama, papa." Inikot ko ang paningin ko at huminto naman sa isang lalaki nagpatibok ng puso ko. "Good morning, hon."
"Good morning. Kain ka na." Umalis si Zion sa kinauupuan niya at inalok sa akin na doon umupo.
Pagkatapos kumain ay niyaya ko si Zion na pumasyal kami rito dahil nakakabored sa bahay na wala naman ginagawa.
"Hon, doon tayo sa bilihan ng damit pang baby." Sabi ko sa kanya.
Nang nakarating na kami sa bilihan ng damit pang baby ay ang daming magaganda. Para bang gusto kong bilihin lahat na ito pero yung iba naman ay hindi naman magagamit. Sayang lang.
"Hon, what do you think?" Pinakita ko sa kanya ang pang babaeng damit.
"We don't know the gender yet. Kung may balak kang bilihin iyan ay sayang lang kung lalaki ang magiging anak natin."
"But I want this one. Ang ganda kasi."
"Bibili tayo ng ganyan. Same design kahit ang kulay."
"Paano? Sigurado akong nasa Pilipinas ako manganganak hindi rito."
"Nakalimutan mo na yata isang Montemayor ang naging boyfriend mo. Maraming koneksyon ang pamilya ko sa iba't ibang bansa. And I have relatives around here pero hindi ko matandaan kung saan banda ang bahay nila."
"Okay. Promise mo iyan ah." Binalik ko na sa lalagyanan ang damit na hawak ko kanina.
"Yes, promise. Ayaw ko naman magalit ka sa akin." Hinalikan ako ni Zion sa noo but I gasped when the baby kicked. "What's wrong?"
"Sumipa ang baby natin."
"Really?" Hinawakan naman niya ang umbok kong tyan. "Hi, baby. Daddy's here."
Ngumiti ako noong sumipa ulit ang baby namin ni Zion.
"Ramdam mo iyon, hon. Sumipa ang baby natin."
Siyempre, nararamdaman ko iyon dahil nasa sinapupunan ko ang anak namin.
"Baby, I love you and mommy." Nakangiti lang ako dahil nakakakilig naman kasi yung sinabi ni Zion sa anak namin.
"I love you too, hon. Mahal ka namin ng anak mo."
"Thank you, Jessa."
Ang kulang na lang ay ang kasal pero pumayag na daw si papa na makasal kami ni Zion pero hindi ko alam kung kailan ako yayain ni Zion magpakasal sa kanya. Baka tinatapos lang niya ang lahat na problema.
"Hon, gugutom na ako." Sabi ko sa kanya habang nakasimangot.
"What do you want to eat?"
"Gusto ko ng roasted beef. Noong umuwi ka ng Pilipinas, si papa ang bumili ng roasted beef para sa amin ng apo niya. Pero nandito ka na kaya ikaw naman."
"Hindi ako familiar dito pero bibilihan kita ng roasted beef, don't worry."
Umuwi na kami ni Zion sa bahay para daw kausapin si papa kung saan ang lugar ng bilihan ng roasted beef. Sinamahan na lang siya ni papa para hindi maligaw. Ayaw ko mangyari iyon kay Zion, iiyak ako pag hindi bumalik si Zion.
"Baby, talagang mahal tayo ni daddy kaya hindi na ako makapag hintay na lumabas ka at mabuhat na kita." Sabi ko habang hinihimas ko ang umbok kong tyan at nakangiti.
"Of course, I love you since the day I met you." Binaling ko ang nagsalita. Nandito na pala si Zion.
"Talaga?" Inabot niya sa akin ang binili niyang roasted beef. Sana ito iyon.
"Yes." Umupo naman siya sa tabi ko. "Like I said before, I don't believe in love until I met you. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong nakita kita. Hindi ka na rin mawala sa isip ko noon hanggang nakita ko si Eunice sa ospital noong naconfined si Kurt. Nangako ako kay Eunice na hindi ito isang bet kung bakit gusto kita ligawan."
I remembered, isang bet ang dahilan kung bakit niligawan ni Kurt si Eunice noon pero ngayon they are both happy married.
"Seryoso ako sayo noon pa, Jessa. Kaya yung may balak kang maghanap ng lalaki pagkatapos ng kasal nila Sarah at Rocco. Eunice told me dahil takot ako mawala ka sa akin. Gumagawa ako ng paraan para hindi ka mawala."
Grabe naman si Eunice. Kaya pala nalaman ni Zion ang tungkol doon dahil sinabi sa kanya ni Eunice.
"Ngayon nga lang ulit tumibok ng mabilis itong puso ko. Sa tuwing kasama kita."
Hindi ako makakain sa sobrang kilig ko ngayon dahil kay Zion.
"Noong sinabi mong maghiwalay na tayo ay parang namatay ang sarili ko dahil wala ka na sa tabi ko. I feel like I'm wasted."
"Kahit ano mangyari ay ikaw pa rin ang mamahalin ko, Zion. Kahit maraming lalaki--"
"No, ang gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay mo. Except if we have a son."
"Ikaw lang talaga. Ikaw nga lang unang lalaki pumasok sa buhay ko maliban kay papa at Jet." Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ni Zion.
"Hon, kain ka muna." Sabi niya sa akin.
"Heto na po. Kakain na ako."
Nang naubos ko na yung binili ni Zion na roasted beef ay sobrang busog ko. Grabe naman si baby magutom. Baka mapagod ang daddy niya sa amin pero huwag naman sana.
"Busog na, hon?" Tumango ako sa kanya.
Napaisip ako kung handa na ba talaga si Zion magpakasal ulit. Alam ko naman kasi takot siya sa ganoon bagay dahil iniwanan siya ng babaeng papakasalan niya dapat sa altar. Pero kung natuloy ang kasal nilang iyon noon ay hindi ko makilala si Zion at mas lalong hindi siya ang lalaking mamahalin ko. Wala kami kung ano ang meron sa amin ngayon. Masaya ako makilala ang lalaking makakasama ko habang buhay.
"Pahinga ka muna. Alam ko naman pagod ka sa pasyal natin kanina."
"Busog pa ako, hon. At saka nakapagpahinga na rin ako kanina habang hinigintay ko ang pagbalik mo."
Totoo naman iyon. Kanina pa ako nakaupo rito sa kama ko. Wala nga ako magawa sa bahay dahil pinapagalitan ako ni mama kapag tutulong ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Always Be With You
Roman d'amourAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...