2 years later...
Dalawang taon na rin ang lumipas at dahil sobrang busy sa trabaho ay hindi ko namalayan ang bilis ng panahon.
Ngayon araw na ang kasal ni Rocco at Sarah. Akalain niyo iyon ang lalaking ayaw magkaroon ng pangalawang asawa pero siya ang naunang nagpakasal. Kung sino pa yung may mystery fiancee at girlfriend ay hindi pa nagpapakasal. For 2 years hindi namin pinaguusapan ni Jessa ang tungkol sa kasal.
Habang naghihintay magsimula ang kasal ay nakatayo lang ako rito magisa. Nagpapahangin na rin dahil presko ng hangin rito. Isang garden wedding ang kasal nina Rocco at Sarah. Nagulat ako ng may familiar na mukha ang lumalapit sa direksyon ko.
"Kelly."
"Clay, I'm sorry." Sabi niya. At iyan na naman sa Clay na iyan kahit kasama iyon sa pangalan ko. Iyan kasi ang dahilan kung bakit ayaw ko may tumatawag sa akin sa 2nd name ko dahil gusto ko na makalimutan ang past ko.
"Ano naman ang ginagawa mo rito? Umalis ka na, Kelly dahil ayaw ko masira ang mahalagang araw para sa kaibigan ko."
"I'm sorry, Clay. Kung ano man ang nangyari no--"
"Tumigil ka!" Sumalubong ang kilay ko dahil pinaalala na naman niya sa akin ang ginawa niya noon. "Iniwanan mo ko noon sa altar tapos ngayon magpapakita kang muli sa akin. Damn! Pinahiya mo ko sa harap ng maraming tao, sa pamilya ko!"
Ngayon ay masaya na akong kasama si Jessa kaya please lang ayaw ko masira ang tiwala niya sa akin. Siya ang gusto kong makasama hanggat nabubuhay ako sa mundong ito.
"Sorry talaga."
"I said stop it! Pareho pala kayo ng mga magulang mo!"
"What do you mean?" Halatang naguguluhan siya o baka naman nagpapanggap lang siya na walang alam. Tsk.
"Dahil sa ama mo kaya namatay ang mama ko! Gusto niyang pabagsakin si dad sa posisyon niya kaya pinapatay niya kaming lahat. Ako dapat ang namatay hindi si mama kung hindi lang niya ako prinotektahan noon. Simulang nalaman ko ang plano ng ama mo ay gusto ko gumanti sa inyo at nakilala kita kaya ginamit kita para sa kanya."
"Hindi totoo iyan." Pailing iling pa siya ng ulo.
"Believe it or not pero ito ang totoo, Kelly. Pero sa apat na taon natin magkarelasyon ay nagbago ang takbo ng iniisip ko dahil minahal na kita simula noon. Hindi ko na tinuloy pero ngayon, noong iniwanan mo ko sa altar. Nagsisi ako na ikaw ang minahal!"
"Wala akong magawa noon, Clay. Ginusto ni papa na umalis kami... kahit gusto ko sumipot sa kasal natin pero wala akong laban sa sarili kong ama. I'm really sorry. At may kailangan kang malaman." Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. "Hindi ko alam buntis ako noon. May anak tayo, Clay."
May anak ako?
Umiling ako para maalis sa utak ko ang tungkol roon. Si Jessa lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko, wala ng iba.
"Hindi ko pananagutan ang batang iyan dahil wala akong anak sayo! Hinding hindi ko tangggap ang batang iyon maging bahagi ng Montemayor!"
Iniwanan ko na si Kelly na luhaan dahil magsisimula na daw ang seremonya ng kasal. Isa pa ako sa mga groomsmen kaya kailangan nandoon na ako.
Pagkatapos ng kasal ay tahimik lang ako pero nakikinig naman ako sa pinaguusapan ng mga kasamahan ko sa table. Pumunta na nga rin si Kurt sa stage para magbigay ng message sa bagong kasal.
"Zion." Tawag sa akin ni Eunice. She is pregnant right now. Sa panganay nila ni Kurt.
Nauna pa ang bata kaysa sa kasal nila. Kakaiba rin si Kurt. Sabagay wala naman balak magpakasal ang lakaking iyon.
"Bakit?"
"Bantayan mo si Jessa kasi pagkatapos ng reception ay baka pumunta sa club at maghanap ng ibang lalaki doon." Bulong sa akin ni Eunice kaya kumunot ang noo ko at tumingin kay Jessa.
Hindi ako papayag na mawala sa akin si Jessa. Daan na muna sila sa baril ko bago pa sila makakalapit kay Jessa.
Pagkatapos ng reception ay nawala sina Kurt at Eunice, baka nagsolo ang dalawa kaya hahayaan ko na lang sila. Talagang tinamaan si Kurt sa kanya.
Niyakap ko si Jessa mula sa likod at hinalikan siya sa leeg.
"Zion, ano ba?"
"Hindi ako papayag na pumunta ka sa mga club para maghanap ng ibang lalaki."
"Kung sinabi sayo ni Eunice kanina ang tungkol diyan ay hindi ko na itutuloy pa dahil ikaw ang mahal ko kahit mas marami ka pang oras sa computer mo kaysa sa akin."
"Sorry. Pangako magkakaroon na ako ng oras sayo."
"Tara puntahan natin sila Kurt." Napatingin ako sa iba. Ano naman kaya balak nila ngayon?
"Tara, Zion sundan natin sila."
Sinundan nga namin yung iba at nagtatago sila sa likod ng malaking puno. Nagulat ako ng makitang lumuhod si Kurt sa harapan ni Eunice at may hawak pa itong singsing. Nag-propose pala siya kay Eunice ngayon.
Pumalakpak na kaming lahat noong umoo na si Eunice sa propose ni Kurt. Masaya ako para kay lolo-- este kay Kurt.
Kinabukasan, maaga ako pumunta sa bahay nila Jessa pero naalala ko pa rin ang sinabi ni Kelly sa akin kahapon.
"May problema ba, Zion?" Tumingin ako kay Jessa pero biglang pumatak ang luha ko. "Anong problema? Sabihin mo sa akin."
"I'm sorry, Jessa dahil malaki ang kasalanan ko sayo."
"Tungkol ba sa pagwawala ng oras mo sa akin? Ayos lang. Alam ko naman trabaho mo iyon."
"Hindi iyon."
"Eh, kung hindi iyon. Ano?"
"Tungkol sa nakaraan ko. Alam niyo naman lahat namatay ang mama ko sa hindi alam ang dahilan. Ang totoo niyan ay pinatay siya, ang dating vice mayor ang nag-utos patayin kaming lahat para bumagsak si dad sa posisyon niya. Ako ang una niyang gustong patayin pero prinotektahan naman ako ni mama. Lumayo ako sa pamilya ko dahil alam kong may balak pa si Luciano na patayin ako pero ngayon hindi na niya magagawa dahil lalaban ako sa kanya hanggang sa kamatayan."
"Ano ang laban mo sa kanya? Kung pera ay pwede pa pero kung kasama ang buhay ay huwag na huwag mong gagawin iyan, Zion."
"Let me finish first." Tumango lang siya sa akin. "Ginamit ko ang anak ni Luciano para gumanti pero sa loob ng apat na taon ay nagbago ang takbo ng isipan ko. Hindi ko na tinuloy. Minahal ko siya ng buong buo pero sa araw ng kasal namin ay hindi niya ako sinipot. Nasaktan ako ng lubusan sa nangyari. At hindi lang iyon. May anak ako sa kanya."
Tumingin ako kay Jessa dahil nakayuko lang siya.
"Sorry, Je--"
"Kung ano man ang maging desisyon mo, Zion ay tatanggapin ko. Kung gusto mo maging ama sa anak niyo ng ex mo ay ayos lang."
"No, hindi ko tanggap ang batang iyon. Kahit kailan hindi siya magiging Montemayor dahil ikaw lang ang gusto ko maging ina ng mga anak ko."
"Pero kailangan ka niya."
"Hindi ako kumbinse na anak ko talaga iyon. Kailangan ko ng DNA para malaman ko kung akin nga iyon."
"Okay. Kung iyan ang desisyon mo ay tatanggapin ko. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong."
"Salamat, Jessa." Hinalikan ko siya sa labi at mukhang may nagising sa akin. Dalawang taon na ako nagtitimpi pero kailangan kong pigilan dahil hindi pa handa si Jessa sa ganoong bagay. I'll wait for the right time.
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...