Napatingin ako kay Zion nang tanggalin na niya ang pagkahakbay sa akin.
"I'm Zion Clay Montemayor." Inilahad niya kanyang kamay.
"Anak ni mayor Montemayor? Sorry hindi ko alam isa pa lang mayaman ang naging boyfriend mo, Jessa. Sige, alis na ako." Umalis na nga si Adam sa harapan namin.
"Boyfriend pala ah. Hindi pa ako nagsisimula."
"Si Eunice ang may sabi na may boyfriend na ako para tigilan na ako noon."
"Sino ba iyon?"
"Si Adam. Since 1st year ay nangliligaw na iyon sa akin kahit palagi ko naman binabasted pero ayaw talaga sumuko."
"May balak ka bang basterin ako?"
"Depende. Ang hanap ko kasi sa isang lalaki ay yung mamahalin ako at hindi maghahanap ng iba."
Hindi kita babasterin dahil ikaw talaga ang crush ko. Hindi ko nga alam na isa ka pa lang Montemayor.
"Hindi ko iyon gagawin sayo. Pangako iyan, Jessa. Ikaw lang ang babaeng mamahalin."
"Dapat may isang salita ka. Hindi ba ganyan naman kayo mga lalaki? May isang salita palagi."
"You have my word." Hinalikan niya ako sa noo. Kahit noo lang iyan pero kinilig na ako. "Hatid na kita sa gym niyo."
Tumango lang ako kaya nagsimula na kami maglakad. Kaya yung ibang estudyante ay napatingin sa amin ni Zion. Ngayon lang siguro nakakita ng gwapo ang mga kababaihan.
"Totoo ba ang sinabi mo kanina na pamilya mo ang sponsor ng school namin?"
"Yup. Dito rin kasi nagaaral si mama noon kaya malaki ang pagsasalamat niya sa may ari ng school na ito."
"Paanong malaki ang pagsasalamat?"
"Hindi ganoon kayaman ang pamilya ni mama. Isang katulong lang ang lola ko at karpintero naman si lolo. Wala silang pera para patuloy ang pagaaral ni mama pero kinausap siya ng may ari ng school na ito na mag-enroll siya rito bilang isang scholar."
Ang galing naman dahil isang politician pa ang naging asawa ng mama niya. Bilis yumaman.
"Paano naman nagkakilala ang mga magulang mo?"
"Nagtatrabaho si lola sa mga Montemayor at palagi daw siya kasama ni lola. Doon niya rin nakilala si mama at hindi na pinakawalan pa ni dad."
Pagkatapos ng practice namin ngayong araw ay nagpaalam na sa amin si Eunice dahil bibisitahin pa daw niya si Kurt sa ospital.
Nagkaayos na talaga ang dalawa ngayon dahil hindi naman magaalala si Eunice kung hindi pa.
Nandito na kami ngayon ni Zion sa loob ng kotse niya. Naipit kami sa traffic dahil sobrang traffic ang dinaanan namin papuntang mall.
"I want to know more about you, Zion." Sabi ko habang siya ay abala sa pagmamaneho.
"I'm simple computer programmer. Dahil iyon ang pangarap kong trabaho kapag natapos na ako sa pagaaral. Hindi ko hilig ang politics pero sinusuportahan ko si dad para pagtakbo niya sa susunod na election. How about you?"
"Pangarap ko maging fashion designer kaya nagplano na kaming tatlo na magkatapos namin magaral ay magtatayo kami ng sarili naming boutique."
"Tatlo?" Tumingin naman siya sa akin.
"Yes. Hindi mo nga pala nakilala ang isa naming kaibigan ni Eunice. Pakilala kita sa kanya."
"Nasaan siya?"
"Nasa states si Sarah ngayon para doon magaral."
Napatingin ako sa kamay namin dahil hinawakan ni Zion habang naglalakad kami papasok ng mall.
Pumunta kami sa isang restaurant dahil ililibre daw niya ako ng lunch at hindi rin naman ako makatanggi dahil sobrang kulit niya.
Habang naghihintay sa order namin ay tiningnan ko kung online ba si Sarah para makapagusap kami. Ang tagal na rin noong huling kita ko sa kanya. Umuuwi lang ng bansa si Sarah para magbakasyon rito.
Saktong online nga siya kaya tinawagan ko na si Sarah. Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya.
"Napatawag ka, Jessa. Ano meron?"
"Miss lang kita."
"Uuwi na rin ako sa August pero inaayos ko pa ang mga kailangan kong dalhin. Kilala ko kayo ni Eunice, hindi papayag na walang pasalubong."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Sarah.
"May gusto sana ako pakilala sayo." Sabi ko sa kanya.
"Sino naman?" Tinawag ko si Zion para umupo sa tabi ko. "Sino naman iyan?"
"Si Zion Montemayor, girl. Mangliligaw ko."
"What? Damn, Jessa. Anak pa talaga ng mayor ah."
Natawa na lang ako bago tumingin kay Zion.
"Zion, this is Sarah De Luca."
"De Luca?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Zion.
"Yes, isa akong De Luca pero sa tingin ko kilala mo ang pamilya ko dahil kay kuya Red, ang pinakabatang businessman sa bansa."
"Sikat ang mga De Luca kahit sa ibang bansa, right?"
"I can't deny that. Sa galing pa naman ng dalawa kong kuya."
Nakita kong sineserve na yung mga inorder namin.
"Sarah, we have to go. Alam ko naman late na diyan kaya tulog ka na."
"Sige. Good night."
Tinago ko na ulit ang phone ko ng binaba na ni Sarah ang tawag.
"Hindi ko alam isa pa lang De Luca ang kaibigan mo."
"Ngayon maniwala ka na. Kahit mayaman ang pamilya ni Sarah ay mabait naman siya."
Pagdating namin sa bahay ay nakita kong bumaba rin si Zion sa kotse niya.
"Bakit ka pa bumaba diyan?"
"Wala lang. Sige na pasok ka na sa loob."
"Ingat sa pagmamaneho mo ah."
"Oo naman dahil sasagutin mo pa ako." Nakangiting sabi niya sa akin. Nakakalambot talaga ng tuhod ang ngiti ni Zion.
Pumasok na ako sa loob ng bahay ng nakaalis na si Zion. Sobrang saya ng araw ko ngayon dahil hindi ako makapaniwala na liligawan ako ng anak na lalaki ni mayor Montemayor.
Sobrang nakakakilig!
"Sino iyon?" Napatingin ako sa nagsalita.
"Kuya Dave. Err... Si Zion po."
"Zion?" Kunot noo niyang tanong.
"Montemayor. Pero kung gusto mo malaman kung bakit niya ako hinatid rito dahil nililigawan niya ako."
"Jessa, isang politician ang ama niya. Delikado ang buhay mo kapag naging kayo. Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit namatay ang ina ng Zion Montemayor na iyan dahil sa politics. Kaya hanggang maaga pa ay patigilan mo na siya sa pagliligaw sayo."
"No, kuya Dave. Buo na po ang desisyon ko."
"Bahala ka. Concern lang naman ako sayo."
"Salamat sa concern mo pero hindi naman ako hahayaan ni Zion na mapahamak."
"At saka nga pala masyado siyang matanda para sayo."
"Ano naman? Kung magmahal ka ay wala namang pinipiling edad, kuya Dave. Hindi mo naman pwedeng pigilan ang puso natin na magmahal sa mas bata o kasing edad natin."
"Aminin mo nga sa akin may gusto ka ba sa kanya."
"Crush ko siya. Hindi ko naman inaasahan na may balak siyang ligawan ako."
"Bahala ka. Kapag ikaw sinaktan ng Zion na iyan huwag na huwag ka lalapit sa akin dahil sinabihan na kita, Jessa. Kilala ko ang mga ugali ng mga politician kahit ang mga anak nila."
~~~~
Comment and vote are really appreciated :)
https://www.facebook.com/skyepineWP/
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomansaAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...