Jessa's POV
Dahil niyaya ako ni Eunice na lumabas kaya nandito kami ngayon sa coffee shop. Nag-order siya ng cheesecake samantala ako ay coffee.
"Kailan ka manganganak?"
"Kahit anong oras pwede na ako manganak. Kabuwanan ko na kasi ngayon."
"Lalo dumadami ang inaanak ko ah. Kambal yung kay Sarah tapos sayo pa."
"Ayaw mo ba iyon?"
"Siyempre gusto. Malakas kayong dalawa sa akin, eh."
"Musta na pala kayo ni Zion?"
"We're fine. Kahit pa paano ay may oras na siya sa akin. Ewan ko lang ngayon kung magkakaroon ulit siya ng oras."
"Bakit? Dahil ba sa nangyari kay mayor?" Tumango ako sa kanya. "Ano ang balak ni Zion?"
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko gusto niya gumanti sa pagkamatay ng mga magulang niya."
"Naawa rin ako sa kanya."
"At ang masakit pa noong nalaman kong may anak siya sa dati niyang nobya."
"What?! Subukan lang niyang ipagpalit ka. Kahit buntis ako ay magagalit rin ako sa kanya." Ngumiti ako ng pilit kay Eunice. Maswerte talaga ako nagkaroon ng kaibigan katulad nila Eunice at Sarah.
"I respect his decision, Eunice. Kung ano man ang maging desisyon niya. Kung gusto niya bumalik sa dati niyang nobya ay ipaglalaban ako kung ano ang akin. Past na siya at ako na ang present ni Zion. Siyempre ako na rin ang magiging future niya."
"Ganyan dapat. Huwag ka pumayag na makuha niya kung ano meron sayo."
Handa ako lumaban para hindi makuha sa akin ang lalaking mahal ko.
"Excuse me?" Napatingin naman kami ni Eunice sa nagsalita. Isa siyang magandang babae.
"Yes?" Ani Eunice.
"Ikaw ba yung girlfriend ni Zion Clay Montemayor?" Tanong noong babae.
"Ako nga. Bakit? Sino ka ba?" Kunot noo kong sagot sa kanya. Paano naman kaya niya nalaman na ako ang tungkol kay Zion? Ni minsan naman ay hindi nagpapakita sa mga media si Zion noon.
"Sorry, hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. I'm Kelly Luciano..."
"Ikaw pala yung anak ng pumatay sa mga magulang ni Zion." Seryosong saad ko sa kanya. Kahit napatingin na sa akin si Eunice na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig
"Hindi mamatay tao ang ama ko!"
"Oh? Talaga? Pinapalabas mo bang sinungaling ang dati mong nobyo ah? So, tell me. Sinungaling ba si Zion sayo? Hindi mo ba siya minahal noon kaya mo ba siya iniwanan sa alt--" Napasinghap ako ng sinampal niya ako.
"Wala kang karapatang sampalin ang kaibigan ko!" Hinila pa ni Eunice ang buhok ng babaeng ito.
"Wala kang karapatan para manghusga ng ibang tao! Kaya lang naman ako naparito para sabihin sayo na hiwalayan mo na si Clay dahil may anak siya sa akin at gusto-- Ano ba! Binatawan mo nga ang buhok ko!"
"Kahit kailan hinding hindi ko ibanalik sayo si Zion dahil matagal na kayo tapos na dalawa simulang iniwanan mo siya sa altar."
"J-Jessa." Napatingin ako kay Eunice at namilog ang mga mata ko. "Aaaahh! Ang sakit."
"Eunice. Gosh, teka tatawagan lang ako ng ambulansya." Nilabas ko ang phone ko para tumawag ng ambulansya.
Pagkatapos kong tumawag ng ambulansya ay hinawakan ko ang kamay ni Eunice.
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...