Chapter 9

927 45 0
                                    

Pagkatapos kong kausapin si ate Trixie ay umalis na ako agad at bumalik na ako sa head quarter.

"Zion, samahan mo ko." Bungad ni Rocco sa akin. "Kasama rin si Jake sa atin."

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. May pupuntahan lang tayo."

Bahala na nga. Pero siguraduhin mo lang importante itong pupuntahan namin.

Habang naglalakad kami sa pupuntahan namin at dahil ayaw ni Rocco na gumamit kami ng kotse. Ano ito? Exercise?

"Zion, wait." Tumingin ako kay Jake.

"Bakit? May kailangan ka?"

"Ano na pala balita sa nililigawan mo?"

"Ayun, sinagot na niya ako kanina kaya sobrang saya ko."

"Seryoso ba iyan? Baka makatulad ka kay Kurt ah."

"Ibahin mo ko kay Kurt, pre. Hindi naman kami nagsimula sa isang bet at ser--"

"Tangina! Nagpapakamatay ka ba?!" Napatingin kami pareho ni Jake sa biglang pagsigaw ni Rocco.

"Ano nangyari?" Takang tanong ni Jake.

"Ewan."

Napatingin ako sa kausap ni Rocco dahil familiar siya sa akin.

Teka si Sarah ba iyon? Yung kaibigan ni Jessa.

"Alam mo naman siguro na hindi tama ang paggamit ng cellphone habang tumawid. Kung may balak kang magpakatay sana huwag kang mangdamay ng inosenteng tao rito, miss!"

"Sorry. Ang akala ko kasi stop pa kaya tumatawid ako kanina."

"Tsk. Sa susunod na makita kitang tumatawid habang gumagamit ng cellphone ay sa prisinto ka magpaliwanag!"

Uh-oh, ngayon ko lang nakitang magalit si Rocco ng ganito.

"Grabe pala magalit si Rocco, no? Bumabalik sa pagiging pulis niya."

"Tara na nga. Sundan na natin si Rocco."

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung saan kami ngayon. Nandito lang kami sa mansyon ng Luciano.

"Rocco, ano ang ginagawa natin rito?" Bulong na tanong ko sa kanya.

"Inutusan kami ni Kurt kanina at ang sabi mag-install ka daw dito ng hidden cameras. Kami na bahala ni Jake na magbantay habang naglalagay ka ng camera."

Argh.. Kung utos ni Kurt ay hindi ako makakatanggi kaya kinuha ko na yung mga cameras kay Rocco at patago akong pumapasok sa loob ng mansyon. Walang bantay. Himala yata.

Lahat na kwarto ng mansyon ay nilalagyan ko ng camera at ang huling pinasok ko ay ang opisina ng Luciano na iyon. Nilagay ko ang huling camera sa isang tagong lugar na imposibleng mahanap.

Napatingin ako bigla na may nagbukas ng pinto. Shit, sana hindi ako makita rito ni Luciano.

"Sir, may nakapasok po rito sa loob."

"At sino naman?" Tanong ni Luciano sa tauhan niya.

"Hindi po namin alam kung sino."

"Alamin mo kung sino ang nakapasok dito." Utos nito.

"Yes, sir."

Paano na ako ngayon makakalabas ng kwartong ito na hindi namalayan ni Luciano?

"Papa..." Namilog ang mga mata ko ng marinig ang boses na iyon. Si Kelly.

"Ano ang gingawa mo rito, hija?"

"Gusto ko lang po magpaalam sa inyo na mamasyal lang sana ako."

Always Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon