Jessa's POV
Ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital si Eunice kasama ang anak nilang si Kent at ang sabi niya ay busy si Kurt sa pagaayos ng kasal nilang dalawa.
Ngayong araw ay namasyal kaming tatlo sa mall dahil pinayagan naman ni Kurt si Eunice sumama sa amin mag-mall. Kung hindi ay baka magalit sa kanya si Sarah dahil minsan na lang kami magkakasama na tatlo, hindi katulad noon madalas ang pasyal at gala namin. Iba na talaga ngayon.
"Punta tayo sa bilihan ng damit ng baby." Alok ni Eunice, pero ano ang gagawin ko doon? Eh, wala naman akong anak.
"Kayo na lang ni Sarah since may anak naman kayo. Sa women's clothes lang ako." Tumango lang sila sa akin kaya pumunta na ako sa damit ng pangbabae. Tumitingin ako ng magagandang damit. Sa totoo lang kaya kong gumawa ng mas maganda pa rito kaya lang tinatamad ako.
Hindi maiintindihan pero nitong mga nakaraang araw na nagiging tamad na ako. Minsan pa nga ay ayaw kong bumangon sa kama at gusto ko lang matulog buong araw pero may trabaho pa ako na kailangan kong tapusin kahit tinatamad na ako kumilos.
Wala rin naman akong nabili kaya pinuntahan ko na lang ang dalawa kong kaibigan. Nakikita ko kung gaano kasaya ang dalawa habang pumipili ng damit ng mga anak nila.
"Nandito ka na pala, Jessa." Sabi ni Eunice pagkakita sa akin.
"Wala ka yata nabili ngayong damit. Himala." Ani Sarah.
"Wala akong nagustuhan na damit."
"Anyway, Jessa kanina pala parang nakita namin si Zion. Hindi lang kami sigurado kung siya ba talaga yung nakita namin." Sabi ni Eunice kaya kumunot ang noo ko. Ano naman ang ginagawa ni Zion dito? At ang alam ko wala siyang hilig sa malling.
"Imposible dahil wala siyang hilig mag-malling."
Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Zion pero unattended ang phone niya. Baka busy o lowbat na hindi niya namalayang patay na ang phone niya.
"Sino tinatawagan mo?" Tanong ni Sarah sa akin.
"Si Zion. Wala naman siguro mawawala sa akin kung siya nga ang nakita niyo kanina pero unattended ang phone niya."
"Tingnan natin. Ang pagkaalam ko doon siya pumunta kanina." Tinuro ni Sarah na maaaring puntahan ni Zion daw.
"Okay. Gusto ko rin malaman."
Naglakad na kami sa direksyon kung saan daw pumunta si Zion. Hanggang makarating kami sa kiddie's clothes. Ano naman kaya ginagawa ni Zion rito?
"Do you like this one, kiddo?" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon dahil boses ni Zion iyon hanggang nakita ko na siya na may kasamang bata.
"Tama nga nakita namin. Si Zion nga." Mahinang turan ni Eunice.
"At mukhang kasama pa niya ang anak ng dati niyang nobya." Sabi naman ni Sarah.
Bakit hindi sinabi sa akin ni Zion na ginawa na pala niya ang DNA na hinihintay niya noon? Ayaw na ba ni Zion sa akin? Ngayon siguro may balak na siyang bumalik sa mag-ina niya lalo na nalaman niyang anak niya talaga iyong bata.
Pinunasan ko yung luha na kanina pang tumutulo. Pero nakaramdam ako ng hilo..
"Jessa..." Rinig kong tawag sa akin ng dalawa kong kaibigan bago pa nawalan ng malay.
Nagising na lang nasa isang puting silid na hindi naman ako familiar. Nasaan ako?
Bigla ko naalala nahimatay ako kanina habang nasa mall kami.
"Gosh, salamat naman gising ka na dahil pinagaalala mo kami." Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan.
"Kumakain ka naman sa oras, diba?" Tanong ni Sarah sa akin.
"Palagi naman ako kumakain sa oras."
"Baka stress lang. Or we should wait for the doctor's return." Sabi ni Eunice.
"Nasaan ba ako? Si Zion?"
"Nandito ka ngayon sa ospital at si Zion mismo ang nagdala sayo rito. Nakita niya kasi tayo kanina." Sagot ni Eunice.
"Mamaya ay babalik siya rito pagkahatid sa batang kasama niya."
"Ayaw ko siya makita. Kaya tawagan niyo siya at sabihin naka--"
"No. Why, Jessa? Bakit ayaw mo ko makita?" Napatingin ako sa nagsalita. "Dahil ba nakita niyong tatlo may kasama akong bata kanina? Jessa, wala akong balak bumalik sa kanila."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Zion?"
Nakita ko ang paglabas ng mga kaibigan ko sa kwarto kaya kaming dalawa ni Zion ang naiwan sa loob.
"Oo, aaminin ko noong isang araw ay pumunta ako sa bahay nila pero hindi si Kelly o ang ama niya ang nakita ko. Ang batang kasama ko kanina. Kumuha ako ng isang buhok niya para sa DNA. Alam mo naman iyon ang plano ko noon pa lang."
"So, anak mo ba siya?"
"Yes." Isang seryosong sagot mula sa kanya. Isang salita lang iyan pero pakiramdam kong nawawasak ang puso ko. Dapat tanggap ko na iyon, eh. May anak siya doon sa Kelly na iyon. "But you have to believe me, Jessa... Wala akong balak bumalik kay Kelly pero ang balak ko lang ay pabagsakin sila at kukunin ang bata sa kanya."
"Why? Ano ang plano mong gawin?"
"Ginawa ko na ang unang plano ko pero naghahanap pa ako ng matibay na ebidensya. Ang susunod na pagkikita namin ay sa korte na at makukulong ang ama niya. Kukunin ko rin sa kanya ang bata dahil nasabi ni Clay na sinasaktan siya ni Kelly."
Clay? Pinangalan ng babaeng iyong sa anak nila ni Zion.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? May anak siya doon, pero wala naman siyang anak sa akin. Kahit ako itong girlfriend niya.
"Jessa, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Please don't give up on us. Ikaw lang ang gusto kong makasama haba--
"Makasama habang buhay? Sino ang ginagago mo, Zion?! Hindi ako tanga para hindi ko alam na wala ka namang balak yayain ako magpakasal!" Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Ngayon lang ako nagalit kay Zion dahil palagi ko nauunawaan ang sitwasyon niya pero nauubos rin pala.
"Jessa, ayaw ko masira ang plano ko pero kung hindi ka na makapaghintay." Lumubod siya sa harapan ko at may nilabas na singsing. "Will you ma--"
"No. Ayaw ko na magpakasal sayo." May luhang pumapatak sa mga mata ko. "Kaya please lang ito na sana ang huling pagkikita natin."
"Jessa. Makikipaghi--"
"Oo, para sa anak mo. Maging kumpleto ang pamilya niya."
"Jessa naman. Hindi ako papayag sa desisyon mo."
"Ayaw ko na makita ang pagmu--" Hindi natapos ang sasabihin ko noong siniil niya ako ng halik. Mas lalong pumatak ang luha ko.
May tumikhim sa likuran kaya huminto si Zion sa paghahalik niya sa akin at lumingon siya doon. Yung doctor na tumingin siguro sa akin kanina.
"Sorry to interrupt pero ospital ito hindi hotel." Sabi noong doctor.
"Tsk. We know that." Nilagpasan na ni Zion ang doctor.
"Doc, bakit ako nahimatay kanina?"
Nakita ko ang pagngiti ng doctor sa akon.
"Congratulations, ms. Ferrer because you are a 5 weeks pregnant."
"What? Ako? Buntis?" Tumangong nakangiti ang doctor sa akin.
"Kaya bawal sayo ang stress at problema. Kumain ka palagi ng gulay at putas. Bibigyan rin kita ng vitamins." Sabi noong doctor bago pa siya nagpaalam sa akin.
Hindi ako makapaniwalang buntis ako.
Sorry, baby kung hindi kita mabibigyan ng buong pamilya dahil magkakaroon na ng sariling pamilya na ang papa mo.
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...