Chapter 11

943 44 0
                                    

Niyakap ko si Jessa dahil baka isang araw ay mawala na lang siya sa akin. Hindi ko kayang mangyari iyon sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya. Kaya nga hindi ako pumapayag na mawala siya sa akin.

"I love you, Jessa."

"I love you too." Ngumiti ako ng pilit dahil nasasaktan ako sa mangyayari. "Tahan na. Huwag ka na umiyak, Zion dahil ang panget mo pala kapag umiiyak."

"Takot lang akong mawala ka sa akin. Ikaw lang kasi ang pinangarap kong makasama."

"Wow. Ayaw mo nga pagusapan ang tungkol sa kasal. Tingnan mo nga naunahan pa tayo nila Sarah." Sumimangot ako sa kanya.

"Siguro nga ayaw ko magpakasal dahil natatakot ako baka iwanan ulit ako sa altar."

"Hoy! Hindi ako ganoon, no. Pangarap ko rin kaya ang i-kasal sa lalaking mahal ko. Pero mukhang malabo na iyon mangyari dahil ang mahal ko ay ayaw magpakasal."

"Pagiisipan ko." Napatingin bigla sa akin si Jessa.

"Kahit ayaw mo naman magpakasal ay hinding hindi pa rin kita iiwanan, Zion. Ikaw lang kaya ang lalaking minahal ko."

"How about your dad? Ang alam ko ang mga babae ang first love nila ang kanilang ama."

"I love my father, of course. Sino ba ang anak na hindi nila mahal ang kanilang ama? Kahit wala palagi rito si papa ay mahal na mahal ko iyon."

"Speaking of father, gusto sana kita pakilala sa pamilya ko."

"Why all of a sudden? Ngayon na ba?" Tumango lang ako sa kanya. "Hindi ako handa, Zion."

"It's okay. Mababait naman sila and you already met my dad. Gusto ka nga rin makilala ni ate noon pero wala akong oras noong panahon na iyon para pakilala kita sa kanila."

Pumayag na rin si Jessa kaya nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Like before, may mga bodyguards ang nagbabantay sa labas ng gate at dahil anak naman ako kaya pinapasok na nila ako sa loob.

"Kuya!" Tumakbo papalapit sa akin si Zen. "Ang tagal mo na hindi nakakabisita rito."

"Sorry, busy lang ako. Si dad at ate?"

"Minsan na lang umuuwi si dad dito at si ate naman nasa mall." Tumingin naman si Zen kay Jessa. "Kuya, sino siya?"

"Girlfriend ko siya."

"Mukha siyang model."

"Hindi ako isang model pero gumagawa kami ng damit para sa mga modelo."

"Talaga po? Ibig sabihin isa kayong fashion designer?"

"Yes, at hindi lang ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko."

Mga ilang minuto ang hinintay namin noong bumalik na si ate Trixie galing mall.

"Nandito ka pala, Zion." Sabi ni ate Trixie pagkakita niya sa akin pero napatingin rin siya kay Jessa. "Siya na ba ang sinasabi mong girlfriend noon?"

"Yes, ate. Si Jessa, girlfriend ko."

"Akala ko wala ka ng balak pakilala sa amin ang girlfriend mo." Pagtatampo ni ate Trixie kasi naman 2 years ago pa niya gusto makilala si Jessa.

"Sorry. Pero kilala na siya ni dad dahil nakita ko siya sa resort 2 years ago at nandoon rin kami ni Jessa."

"Hindi na masyado umuuwi rito si dad halos doon na nga iyon tumutuloy sa resort. Kaya malamang makikita at makikita mo talaga iyon doon. Ewan ko lang kung uuwi iyon ngayon. Wait, tatawagan ko. Baka umuwi kapag nalaman niyang may family reunion tayo." Lumayo na sa amin si ate Trixie para tawagin si dad.

"Close ka pala sa mga kapatid mo, no?"

"Oo, pero mas close ako kay ate dahil siya lang ang nakikinig sa akin. Siya nga lang ang nakakaalam ng trabaho ko."

"Wala pala nakakaalam na isa kang agent." Mabilis akong umiling dahil ayaw ko mapahamak ang mga taong mahalaga sa akin.

Sinabi ko na rin kasi noon kay Jessa na isa akong agent dahil ayaw ko magaalala siya sa akin pero kabaliktaran ang nangyayari dahil mas nagaalala pa siya noong sinabi ko sa kanyang agent ako.

Kahit anong mangyari ay babalik at babalik ako kay Jessa.

Kailangan ko pagisipan ang tungkol sa kasal. Kung hindi ko iniisip ang tungkol doon ay baka maagaw si Jessa sa akin ng ibang lalaki. Tanda ko pa noong nililigawan ko pa lang siya, may isang lalaki na ayaw sumuko dahil tuloy tuloy lang ang pangliligaw niya kay Jessa. Noong nalaman niyang boyfriend niya ako ay huminto na siya sa pagliligaw kay Jessa.

Ayaw ko mangyari iyon.

Gagawin ko ang lahat para hindi mawala sa akin si Jessa. Tinatawag na nga ako ng mga kasamahan ko na pedophile dahil mas bata ang naging girlfriend ko.

Tumingin ako kay Jessa nakaupo sa tabi ko. Kahit side view ay ang ganda pa rin niya. Kaya siguro maraming kalalakihan na nagkakagusto sa kanya. Pero sorry na lang sila dahil akin lang si Jessa.

Jessa is mine.

"Ano ang iniisip mo, Zion?" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ang magandang boses ni Jessa. Ngumiti na muna ako sa kanya bago sumagot.

"Iniisip ko lang yung sinagot mo ko. Iyon kasi ang masayang araw nangyari sa buhay ko pero mas masaya noong mga araw na kasama kita. Ayaw kong mawala ka sa akin."

"Hindi naman ako mawawala sayo. Sabi ko nga sayo kung ano pa ang maging desisyon mo sa bata ay tatanggapin ko."

"Hanggat hindi ko pa inaasikaso ang DNA ay hindi ko tanggap ang batang iyon." Sumandal ko ang likuran ko at nakatingala sa kisame.

"May balak ka bang tanggapin yung bata kung positive ang maging resulta?"

"Hindi rin. Hinding hindi ko siya tatanggapin kahit kailan." Tiningnan ko si Jessa na seryoso. Seryoso na ako ngayon. "Kahit ang ina niya ay hindi ko na tatanggapin sa buhay ko. Masaya na ako ngayon. Masaya ako sa tuwing kasama kita kahit nawawalan ako ng oras sayo noon."

"Kahit ano mangyari, Zion ipaglalaban ko kung ano ang akin." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Napapikit ako ng mariin. Kung hindi ko ito mapipigilan ay baka saan pa mapunta ang mangyayari sa amin ni Jessa. I respect my girlfriend dahil alam kong may mga pangarap pa siyang gustong tuparin. Kaya nilayo ko na siya sa akin pero nagtataka naman si Jessa. "Zion?"

"Sorry. Kung hindi tayo tumigil ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nirerespeto kita, Jessa."

"I understand." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Zion." Tumingin ako kay ate Trixie. "Mamaya nandito na si dad dahil ang sabi ko ay may family reunion tayo. Nagalit nga sa akin dahil biglaan."

"Sorry kung biglaan ang punta namin dito."

Hindi ko naman kasi alam na doon na pala si dad. Ang akala ko pa naman ay nagbabakasyon lang siya o tinitingnan lang ang resort namin. Noong nabubuhay pa kasi si mama ay alagang alaga niya ang resort kaya siguro nandoon si dad. Sa tagal na panahon ay in love na in love silang dalawa sa isa't isa. Gusto ko sana ganoon rin ang mangyari sa akin.

Always Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon