After breakfast ay nagasikaso na si Clay para pumunta kami kay Jessa. Excited na nga ang bata makita at makasama ulit si Jessa. Ako itong kasama niya sa bahay pero ang girlfriend ko ang gusto niyang makasama. Ang unfair.
Pagdating namin sa bahay nila ay si Jessa ang sumalubong sa amin at niyakap niya ako.
"I missed you." Napakurap ako ng ilang beses. Parang magkasama kami kahapon ah. Binaling na rin niya ang tingin kay Clay. "Namiss rin kita, Clay."
"Miss ko rin po kayo, tito Jessa." Nakangiting sagot ni Clay sa kanya.
"Tara na sa loob." Alok ni Jessa sa amin pero napalunok ako ng makita ang pinsan niya. Nawala sa isip ko na kasama pala niya sa bahay ang pinsan niya.
"Nagkabalikan na pala kayong dalawa." Ani nito.
"Kuya Dave naman. Hindi naman kami tuluyan naghiwalay ni Zion at okay na nga kila mama at papa tungkol kay Zion kahit sa pagkakaroon niya ng anak."
Napatingin ako sa ibaba. Paano ko ba sasabihin kay Jessa na kinausap ko si Kelly kanina. Argh. Masyado na magulo ang utak ko. Kailangan ko marelax. At ayaw ko bigyan ng problema si Jessa.
Kukuha na lang siguro ako ng tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat. Kapag kumuha na ulit ako ng DNA test.
Pinapanood ko lang sila habang nagbabasa ng story book si Jessa kay Clay. Nakakatampo na ah.
"May problema ba?" Hindi ko namalayan nakatingin na pala sa akin si Jessa.
"Ano po problema, papa?" Pati rin si Clay ay nakatingin na rin sa akin.
"Ah, wala naman problema." Nakangiting sagot ko sa kanila.
"Hindi ako sanay na seryoso ka, hon."
"Sorry. Hindi ko naman inaasahan magiging seryoso ako ngayon."
"So, inaamin mong may problema ka. Zion, nandito lang ako."
"Ayos lang ako at wala akong problema." Hinalikan ko sa ilong si Jessa. "Papasok na muna ako at iiwanan ko si Clay rito."
"Papasok ka? Eh, kailangan mong magpahinga kaya."
"Okay na ako ngayon. Kapag wala akong ginagawa ay nanghihina ako."
"Wala ka rin naman ginagawa sa head quarter niyo, eh. Nakaupo ka lang naman sa harap ng laptop mo."
"Importante ang trabaho ko, hon." Pinisil ko siya sa pisngi.
"Mas importante naman ang kalusugan mo. Paano na lang kami ng mga anak mo kung may mangyari sayo?"
"Walang mangyayari sa akin. Trust me, Jessa." Hinalikan ko siya sa labi at wala pa ngang isang sekundo pero tumugon na sa akin si Jessa. "Bago gumabi ay babalik ako. Pangako."
Wala na rin naman siya magagawa kaya tumango na lang si Jessa bago ako umalis sa bahay nila. Nagpaalam na rin ako kay Clay kanina na papasok muna ako sa trabaho.
Pero ang totoo ay pupunta ako ngayon sa isang ospital para sa DNA test na kailangan ko.
Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Jake. Ilang ring ay sinagot na niya ang tawag ko.
"Are you busy?"
"Hindi naman. Why?"
"I just want to make sure, baka kasi kasama mo si ate ngayon."
"Nope. Papunta na kasi ako ng head quarter ngayon."
"Pumunta ka ng ospital. Magkita na lang tayo doon."
"Bakit? Sino nasa ospital?"
"Wala. Basta magkita tayo doon, Jake. I need your help." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Jake galing sa kabilang linya dahil binaba ko na ang tawag at nagmaneho na ako.
Pagdating ko sa parking lot ay pinarada ko sa isang bakante ang kotse ko at sumakay na ako sa elevator. Sa lobby na lang siguro kami magkita ni Jake.
To Jake;
Hintayin kita sa lobby.
Bumaba na ako noong nakarating na rito sa lobby. Palinga linga ako baka kasi nandito na si Jake pero wala pa kaya umupo na muna ako sa isang solohan na sofa habang naghihintay.
"Ano ba ang kailangan mo sa akin? At pinapupunta mo pa ako rito." Binaling ko ang nagsalita. Kaya napatayo na ako na si Jake ito.
"I need your help, pre."
"Help? Para saan naman?"
"I know you're the only one who can help me, Jake."
"Saan ba? Deretsuhin mo nga ako, Zion." Halatang naiinis na si Jake sa akin. Huminga ako ng malalim.
"I talked with Kelly earlier and she told me Clay is not my son."
"Paano nangyari iyon? Positive ang lumabas sa DNA niyo ni Clay."
"Exactly. Kaya kita pinapupunta rito sa ospital dahil gusto ko kumuha ulit ng DNA namin. Kung negative ang lumabas sa DNA result ay kasabwat ni Kelly ang doctor na kinausap ko noon."
"Matagal bago makukuha ang resulta, Zion."
"Ayos lang. Hindi naman ako nagmamadali para malaman agad ang resulta ng DNA."
"Okay. May sample ka ba?"
"Here. Kumuha ako kanina ng hibla ng buhok ni Clay." May inabot akong dalawang balot, naglalaman ng buhok namin ni Clay. "And mine too."
"Okay, gagawin ko na ngayon." Iniwanan na ako ni Jake rito sa lobby. He is a doctor. Kaya ko lang naman siya hindi nakausap noon dahil busy siyang tao both hospital and head quarter as an agent and doctor. Kakaiba rin si Jake dahil gumagamot siya ng tao pero pumapatay naman siya ng masamang tao.
Bigla may naririnig akong boses kaya lumingon ako sa paligid pero wala naman nagsasalita. Kung meron man ay mahina lang.
"Gumising ka na dahil may kailangan kang malaman." Kumunot ang noo ko dahil iyon ang saktong naririnig ko. Ano ba nangyayari sa akin? Kailangan ko na ba magpatingin sa psychiatrist? Nababaliw na yata ako. Nakakarinig ako ng boses.
Pero teka, familiar sa akin ang boses na iyon.
Saan ko ba narinig ang boses na iyon?
Tumingin ako sa phone noong tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Kurt sa ID caller.
Si Kurt! Boses ni Kurt ang naririnig ko.
Kaya sinagot ko na ang tawag ni Kurt sa akin.
"Musta ka na?"
"Ayos na ako ngayon, pre. Huwag na kayo magaalala sa akin."
"Kasama mo ba si Jake? Kasi wala pa siya rito sa head quarter. Tinatawagan ko pero unattended. Nag-ring ng isang beses pero noong sumunod ay wala ng ring."
"Oo kasama ko siya ngayon. May pinapagawa lang ako sa kanya pero mamaya ay pupunta na siya diyan." Tumingin ako sa coffee table rito sa ospital. "Anyway, may gusto akong malaman."
"Malaman? Tungkol saan?"
"Gusto ko lang malaman tungkol sa sinabi mo sa akin noong wala pa akong malay. Wala akong maalala."
"Oliver found out the truth, Z."
"Katotohanan tungkol saan?"
"Who is the real father of Clay, Z. Hindi talaga ikaw ang ama ng batang iyan. Ibig sabihin wala kang naging anak sa dati mong nobya."
"Paano nangyari iyon?" Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Kurt ngayon sa akin. "May DNA result ako inasikaso noon at alam niyo namang positive ang resulta."
"That's true. Kaso ginamit ka lang niya dahil isa kang Montemayor, Z. Ang gusto lang nila kung ano ang pamilya mo. Alam mo naman mapangyarihan ang pamilya mo."
He's right. Kailangan kong maniwala kay Kurt dahil tinuring ko na siyang kapatid ko at hindi magagawa ni Kurt ang lokohin ako. I know him.
"Kaya naging positive ang resulta ng DNA because of her father."
"Ano naman ang ginawa ni Luciano na iyon?" Kunot noo kong tanong kay Kurt.
~~~~
And cut!
To be continue
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...