Hindi ako makapaniwala na sasabihin ko sa kanilang lahat ang nakaraan ko. Ang dahilan kung bakit ako pumasok sa pagiging agent.
"Hindi na ako umaasa, Kurt. Ayaw ko masaktan si Jessa. Mahal ko iyong tao at baka totohanin niya na maghanap ng ibang lalaki."
"Teka, alam ba ni Jessa ang tungkol diyan?" Tumango lang ako sa kanya bilang kasagutan.
"Inamin ko na sa kanya ang lahat. Ayaw ko na magtago ng sikreto sa kanya. Nakaka konsensya na rin kasi." Naglabas ako ng malalim na hangin bago pa tinuloy ang sasabihin sa kanila. "At saka hindi ko alam na may naging anak ako kay Kelly."
It's not official yet dahil hindi ko pa inaasikaso ang DNA.
"What?!"
"Ano?!"
Ang OA nilang lahat ah.
"Dahil sa pagiwan ni Kelly sa akin aa altar ay hindi ko tanggap ang bata. Isa lang ang gusto ko maging ina ng anak ko, si Jessa lang iyon at wala ng iba."
"Sigurado naman sinabi mo rin kay Jessa ang tungkol diyan."
"Oo naman, Kurt. Ang sabi pa naman niya sa akin ipaglalaban niya kung ano meron kami kahit madalas nagtatampo sa akin si Jessa dahil mas inuuna ko ang trabaho ay nararamdaman kong mahal niya rin ako."
"Ang pedophile no. 3 natin in love." Sabi ni Neil.
"Kung si Kurt ang no. 1, si Rocco ang no. 2 at siyempre si Zion ang no. 3." Ani Miguel.
"Mga gago." Nagkasabay pa kami ni Kurt.
"Kapag kayo magkaroon ng mas bata pa sa girlfriend namin." Mukhang naiinis na si Kurt sa kanila.
"Eh di, welcome to Pedophile Club." Natatawa pang sabi ni Oliver kaya binato siya ni Kurt ng ballpen.
Bumalik na ako sa trabaho dahil may kailangan pa akong hanapin na ebidensya.
"Hello, guys!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Rocco. He's back from their honeymoon.
"Nice. Bumalik na ang bagong kasal sa honeymoon nila." Sabi ni Jake.
"Pasalubong namin, pre." Bungad ni Neil.
"Ano ba iyan. Kakabalik ko lang galing honeymoon, iyan agad ang bungad mo sa akin."
"Miss lang kita, pre. Pahalik nga."
"Tangina. Hindi namin alam bakla ka pala, Neil." Sabi ni Miguel. Kumunot naman ang noo ko habang umiiling naman si Kurt.
"Musta ka na, bro?" Tanong ni Kurt sa kanya.
"Ayos lang naman ako. Bumibisita lang ako rito para kamustahin kayo."
"Aba, hindi kayang lumayo sa asawa." Tumawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Oliver.
"Anyway, sino pala ito? Mukhang may bago tayo ah." Napalingon naman ako kay Aaron na nakaupo lang sa isang silya. "Bagong agent?"
"Hi. I'm Aaron Ventura." Lumapit na siya kay Rocco at nilahad ang kamay nito. "And you must be agent Rocco Hernandez?"
"Yes, I'm agent Rocco Hernandez. Pero huwag masyadong formal dahil hindi ako sanay may tumatawag sa aking agent."
Napatingin naman kaming lahat kay Kurt dahil siya lang ang tumatawag sa aming agent o sa apilyido.
"Oh bakit kayo nakatingin sa akin?" Tanong ni Kurt sa amin.
"Dahil ikaw lang ang tumatawag kay Rocco na agent Hernandez o Hernandez." Sagot ko sa kanya.
"Ano naman ngayon? Superior ako ni Rocco at nasanay akong tawagin siyang ganoon kapag nasa kalagitnaan kami ng misyon."
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...