Nang makarating na ako sa London ay hinanap ko kung saan nakatira si Jessa. I really want to see her. Tiningnan ko lahat na lugar rito kung malapit lang ba pero bigo ako.
Saan ko naman hahanapin si Jessa?
Habang naglalakad ako ay may nakita akong babae na hawig ni Jessa kaya sinundan ko siya.
"Jessa..." Hinawakan ko siya sa balikat kaya napalingon siya sa akin. Nadismaya ako dahil hindi siya. "Sorry."
Hindi ko na tuloy alam saan siya hahanapin.
"Zion?" Nabuhayan ako bigla ng makarinig ng familiar na boses kaya napalingon ako.
"Jessa, finally I found you." Niyakap ko siya sa sobrang saya ko. Sobrang miss ko na kasi siya.
"You really followed me here. Akala ko wala ka ng balak."
"That won't be happen. Susunod at susunod ako sayo kahit anong mangyari. Mahal kita-- mahal ko kayo ng anak natin."
"Paano ang anak mo sa Pilipinas."
"No, wala akong anak sa Pilipinas maliban sa dinadala mo ngayon."
Damn, I missed her so much
"Sigurado ka? I mean baka manggulo na naman sa akin ang babaeng iyon."
"Hindi na mangyayari iyon. Pangako."
Tumango langsa akin si Jessa at hinawakan ang magpabilaang pisngi ko, saka niya ako hinalikan sa labi. Ang daming tao pero wala na akong pakialam sa kanila.
Sobrang miss ko na ang girlfriend ko.
Girlfriend ko? Naghiwalay nga pala kami ni Jessa. Eh, ang babaeng mahal ko na lang.
"I love you, Jessa."
"I love you too, hon."
Hon? Huy, may endearment na siya sa akin. Sa tagal ng relasyon namin pero hindi ko siya tinatawag sa endearment.
Ngumiti ako sa kanya.
"Saan ka pala tumutuloy ngayon?" Tanong niya bigla sa akin.
"Wala pa. Naghahanap pa lang ako ng matutuluyan pagkahanap ko sayo."
"Talagang mas inuna mo pang hanapin ako kaysa maghanap ng matutuluyan mo."
"Of course. Kayo lang naman ng anak natin ang dahilan kung bakit ako sumunod. Kahit sa kalsada ako matulog basta mahanap lang kita."
"Baliw ka talaga." Hinampas ni Jessa ang braso ko kaya natawa ako sa kanya.
"Baliw sayo."
"Tara na nga. Doon ka na lang sa bahay tumuloy. May isa pang kwarto doon kaya doon ka magpahinga."
Pagdating namin sa isang bahay, bahay siguro na nila ito. Ang laki pero mas malaki pa yung bahay namin rito. Sa tingin ko kalahati ng bahay namin sa bahay nila Jessa rito sa London.
"Mama, papa, I'm home!"
Para tuloy ako nakaramdam ng nerbyos dahil siguro ngayon ko lang makikilala ang mga magulang ni Jessa.
May isang teenager na lalaki ang bumaba ng hagdanan. Sino kaya iyon? Hindi naman... Imposible.
"Zion, si Jet kapatid ko." Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ni Jessa na kapatid pala niya iyon. Mabuti naman kung ganoon.
May mag-asawa ang lumabas galing sa kusina. Sa tingin ko sila ang mga magulang ni Jessa dahil kamukha niya ang may edad na babae. Kahit may edad na sila pareho ay mukhang bata pa rin titingnan.
"At sila naman ang mga magulang ko."
"Hello po, sir, ma'am." Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko dahil ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito.
"Mama, papa, si Zion po pala. Ang ama ng apo niyo."
Tiningnan lang ako ng papa niya mula ulo hanggang paa. Malinis naman akong tao at nakapagtapos naman sa pagaaral. Anak pa ng yumaong mayor Montemayor.
"So, it's you. Maikwento na sa amin ni Jessa ang nangyari. Sigurado ka bang anak ko ang pipiliin mo, hindi ang anak mo sa ibang babae?"
"Kahit ano po mangyari si Jessa pa rin ang pipiliin ko, sir. Hindi ko po kayang mawala siya sa akin para bang pinapatay ko na rin ang sarili ko kapag hindi ko siya kasama. Siguro nga po may anak ako sa iba pero si Jessa pa rin ang mahal ko." Pagkasabi ko noon ay tumingin ako kay Jessa. Kahit buntis ay ang ganda pa rin niya pero hindi pa naman halata ang tyan niya. Maliit pa ito. "Siya at ang magiging anak namin ang gusto ko makasama, sir."
"Okay, then. I'm going to give you a test kung mahal mo ba talaga ang anak ko."
Test? Exam? Hindi ako ganoon katalino pero gagawin ko lahat para pumayag ang papa ni Jessa.
"Papa naman. Sumunod po rito si Zion para sa amin ng anak niya."
"It's okay, hon. Kahit ano gagawin ko para pumayag ang papa mo." Nakangiting saad ko kay Jessa.
"Isa lang naman ang bibigay kong pagsubok sayo, hijo." Tumingin ulit ako sa papa ni Jessa. "Ang talunin ako sa chess."
"That's impossible, dear. Champion ka noong kabataan mo."
Laglag ang panga ko dahil isa pa lang champion sa chess ang papa ni Jessa. Ano ang laban ko sa kanya? Wala nga akong alam sa larong chess. I never played chess before.
"Okay po."
"Sigurado ka, Zion? Kung matalo ka ay baka hindi pumayag si papa."
"Gagawin ko ang lahat para matalo ko ang papa mo."
"Ang taas ng fighting spirit mo. Iyan ang gusto ko sa isang tao." Tumingin ulit ako sa papa ni Jessa. "Alam ko naman pagod ka pa kaya bukas na tayo magsimula maglaro."
"Ano po ang consequences kapag natalo ako?"
"Hindi ako papayag na magpakasal kayong dalawa."
What? Hindi pwede mangyari iyon. Kailangan kong yayain si Jessa magpakasal sa akin bago pa ako bumalik ng Pilipinas.
"Okay po, sir. Kung matalo man ako ay pwede ko po ba kayo hamunin ulit?"
"Anytime. Kung magagawa mong talunin ako."
Magalang akong tumango sa kanya. Paano kaya ako mananalo nito? Wala akong alam sa larong chess. At mas lalong wala akong kilala magaling sa chess na pwede magturo sa akin. Sa computer at baril lang ako magaling pero sa ibang bagay ay wala na.
Kahit niisang beses ay hindi pa ako humahawak ng misyon pero nagaral ako gumamit ng baril para protektahan ang pamilya ko. Kaya lang hindi ko man lang naprotektahan si dad.
Sinamahan na ako ni Jessa sa magiging kwarto ko.
"Sorry, itong guest room na lang ang available room dito."
"Okay lang." Binaba ko na ang dala kong backpack sa lapag bago niyakap si Jessa mula sa likod. Sinarado at nilock ko yung pinto ng kwarto.
"Mmmph... Z-Zion."
"Shhh... Huwag ka gagawa ng ingay baka marinig tayo ng pamilya mo." Pinasok ko ang isang kamay ko sa suot niyang damit at minamasahe ang kanyang dibdib.
"Oohh... Zion, faster."
Napangiti ako dahil nagustuhan ni Jessa ang ginagawa ko kaya hinalikan ko na lang siya sa labi niya.
~~~~
Bibitinin ko na muna kayo diyan. Sa next chapter na lang ang BS. 😂
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...