Noong isang araw ay natapos na ni Kurt ang kanyang misyon dahil nahanap ko na ang ama niya pero hindi ko alam kung nagawa niya dahil ama niya iyon. Hindi ko inalam dahil bibigyan ko ng privacy sila mag-ama noong nagtagpo sila.
Napatingin ako sa labas dahil ang lakas ng ulan. May bagyo yata ngayon. Nakita ko rin si Kurt na basang basa. Ano nangyari sa kanya?
"Kurt! Shit!" Napatingin ako bigla dahil sa pagsigaw ni Jake. Kaya lumapit ako sa kanila ni Kurt.
"Ano nangyari?"
"Ang init ni Kurt. Mukhang mataas ang lagnat niya. Kailangan natin siya maidala sa ospital ngayon."
Nakatayo lang ako sa loob ng hospital room ni Kurt habang tinitingnan siya ng doctor. Kaming dalawa ni Jake ang nagdala sa kanya rito dahil ang taas ng lagnat.
"Doc, musta ang kaibigan namin?" Nagaalalang tanong ko.
"Mataas ang lagnat ng pasyente dahil siguro sa pagod at ang sabi niyo basa siya. Dahil siguro naulanan siya kanina. Pagod, stress at naulanan kaya siya nagkaroon ng lagnat. Kailangan lang niya magpahinga at uminom ng gamot na rereseta ko para gumaling siya agad."
"Salamat, doc."
"Wala bang kamag-anak ang pasyente na pupunta rito?"
Napatingin tuloy ako kay Jake.
"Wala, doc. Kami na ang tumatayong kamag-anak niya." Sagot ni Jake.
Tumango lang ang doctor bago pa siya nagpaalam sa amin.
"Hahanapin ko na muna si Eunice, Zion. Ikaw na muna bahala rito ah."
"Hindi pwede. Kailangan ko na rin bumalik. Babalik na lang ako rito bukas basta kausapin mo na lang si Eunice."
"Sige, sige. Hindi ko pa alam kung alin dito sa apat na address ang bahay niya. Isa isahin ko na lang."
Nauna umalis si Jake sa akin, mga ilang minuto pa ang tinagal ko bago pa ako bumalik sa head quarter.
"Oh, bakit ikaw lang ang nandito?" Napatingin ako kay Neil.
"Alam mo naman si Rocco kailangan niya umuwi ng maaga. Si Mig naman bibisitahin daw niya ang mama niya. Si Jake hahanapin si Eunice at si Kurt nasa ospital ngayon."
"Ospital? Ano nangyari kay Kurt?"
"Nilalagnat. Kaya dinala namin siya ni Jake kanina noong nahimatay. Masyado daw napagod at stress tapos mukhang napaulan pa kanina."
"Epekto siguro ng ex girlfriend niya. Napapansin ko kasi nagiging matamlay na si Kurt simula nakilala niya si Eunice."
Napansin ko rin iyon. Hindi ko lang pinapansin baka nagkakamali lang ako pero hindi lang pala ako nakapansin na naging matamlay na si Kurt simula noon. Mukhang tinamaan na si Kurt sa fake girlfriend niya. Kung hindi naman ay hindi siya magiging ganito. Mas malakas pa ang lalaking iyon sa carabao.
Sana nga lang mahanap na ni Jake si Eunice.
Kinabukasan m, abala ako sa laptop ko at nakatanggap ako ng text mula kay Jake.
From Jake;
I found her, pre. Nakikita kong nagaalala siya noong sinabi kong nasa ospital si Kurt ngayon. Papunta na siya doon para bisitahin ang kaibigan natin.
Sana maging maayos ang paguusap ng dalawa. Mamaya na lang siguro ako bibisita para bigyan ng privacy ang dalawa.
"Tara. Bisitahin natin si Kurt." Rinig kong alok ni Miguel.
"Guys, huwag na muna. Bigyan natin ng privacy sina Kurt at Eunice."
"Huh? Bakit?" Takang tanong ni Neil.
"Nagtext si Jake nahanap na daw niya si Eunice at papunta na siya sa ospital noong sinabi."
"Ganoon? Sige, paliban na muna natin ang pagbisita sa kanya." Pagsasang ayon ni Miguel. Mabuti na lang napapayag ko sila na huwag muna bumisita para makausap ang dalawa.
Tumingin ako sa orasan dahil hapon na pala kaya tumayo na ako para bisitahin na si Kurt. Siguro naman wala si Eunice.
Pagdating ko sa tapat ng hospital room ni Kurt ay wala ng katok katok. Kaya binuksan ko naman ang pinto.
"Pre, must--" Napatingin naman ako sa babaeng nagbabantay kay Kurt. Ay, bad timing pa rin yata ang pagpunta ko ngayon.
"Eunice, this is Zion. Kaibigan ko rin siya."
"Yes, I remember him. Dahil namumukhaan ko siya. Siya yung guy na kausap ni Jessa noong nasa club."
"You know her?" Nagulat ako. Hindi kaya isa sa mga kaibigan ni Jessa ito?!
"Of course. Best friend ko iyon, eh."
Oh, shit. Seryoso? Ang mahal ni Kurt at ang babaeng nakilala ko ay magkaibigan.
"Thanks God! Nakita ko isa sa mga kaibigan niya dahil mukhang tinamaan na ako sa kaibigan mo." Sincere ako doon dahil totoo naman.
"Ang isang Zion Montemayor tinamaan sa isang babae? Z, don't me."
"Pre, walang ganyanan. Parang ikaw lang naman din, eh. Tinamaan ka ng palaso ni kupido. Umamin ka na kasi."
"Oo na. Tinamaan na ako ng palaso ni kupido ngayon."
Napangiti ako dahil umamin sa akin si Kurt. Kung ganoon ay mahal talaga niya si Eunice. Nagmumukha na tuloy akong tanga rito.
"Teka nga lang ah." Bumalik ako sa katinuan noong magsalita si Eunice. "Tinamaan ka kay Jessa?"
"Yes." Simpleng sagot pero mula sa puso kong pag-amin.
"Walang bet?"
"Wala, madam. Sincere ang lahat na sinasabi ko sayo ngayon. Tinamaan na ako sa kaibigan mo pero wala akong ideya kung paano ko siya makikita. I hope you'll help me."
"Tutulungan kita pero sa isang kondisyon."
"Kahit ano basta tulungan mo lang ako."
"Don't make my best friend cry dahil babasagin ko iyang itlog mo kapag nakita kong umiyak si Jessa." Napahawak ako bigla sa alaga ako. Shit, gusto ko magkaroon ng anak kay Jessa. Maawa siya rito.
Seryoso, Zion? Future niyo agad? Wala pa nga kayo.
"Promise. Cross my heart. I'm willing to die pero huwag naman si buddy." Nagtaas pa ako ng kamay para sinasabing nangangako ako sa kanya.
"Tatandaan ko siyang pinangako mo sa akin." Tumango na lang ako sa kanya para naman sabihin na niya sa akin kung saan ko pwede makita si Jessa. Siya na lang ang pagasa mo para makita ko ang kaibigan niya.
May binigay na sa akin si Eunice na address. Address siguro ni Jessa iyon at saka may mga lugar pa na paborito daw puntahan ni Jessa. Talagang alam niya, no? Sabagay magkaibigan silang dalawa.
Ang dami ko nalaman tungkol kay Jessa sa tulong ni Eunice. Ngayon alam mo na ang buong pangalan niya.
Jessa Ferrer.
Napalunok ako dahil pinsan pala siya ng isang magaling na police chief.
Napatingin ako kay Kurt dahil alam kong ayaw niya sa mga pulis pero hindi naman siya yung mangliligaw sa pinsan ng police chief, kundi ako. Si Zion Clay Montemayor.
~~~~
Comment and vote are really appreciated :)
https://www.facebook.com/skyepineWP/
BINABASA MO ANG
Always Be With You
RomanceAgent Series # 2 Dahil sa isang pangyayari na pagiwan sa kanya ng kanyang ex fiancee sa altar ay hindi na naniniwala si Zion sa pag-ibig. He doesn't want to be in love and hurt again. Until he met someone. Biglang tumibok ang kanyang puso na hindi n...