Chapter 30

1K 37 0
                                    

Pagdating namin ni Sarah sa may elevator ay sakto ang pagbukas ng pinto kaya sumakay na kami. Pinindot ni Sarah ang B1 button dahil doon ang canteen ng ospital.

"Sino ang nagaalaga ngayon sa kambal at kay Daisy?" Tanong ko kay Sarah.

"Galing kami sa mansyon kanina at hiniram ni my ang kambal kahit si Daisy."

Kaya naman nandito ngayon ang mag-asawang ito. Kilala ko itong si Sarah hindi papayag na iwanan na walang magbabantay sa mga bata. Kailangan isa sa kanila ni Rocco ang nasa bahay para may kasama ang mga anak nila.

"Maybe I should call Eunice." Sabi ni Sarah nang nilabas niya kanyang cellphone. Mahina ang signal rito.

"May anak rin siyang inaalagaan ngayon."

"Si Kurt na muna ang magalaga sa anak nila. Gusto kong makasama kayong dalawa."

Nang makarating na kami ni Sarah sa canteen ay sinabihan niya akong maghanap na ng mauupuan namin dahil maghahanap lang siya ng lugar na may signal. Sa labas lang naman ng ospital may signal.

Marami naman ang bakanteng table dahil walang masyadong tao ngayon kumakain. Hindi naman kasi lunch break.

Bigla tuloy ako nagtatakam sa isang putahe rito. Gusto ko ulit kumain.

Baby ah. Masyado mo pinapataba si mommy...

Wala na rin naman akong magagawa kaya umorder na ako ng isang beef steak.

Pagkakuha ko sa order ko ay binayaran ko at umupo na sa isang bakanteng table.

Enjoy na enjoy ko ang pagkain ko ng beef steak na para bang first time ko pa lang nakakain ng ganito sa buong buhay ko. Ano ang magagawa ko? Ito ang gusto ng baby kong kainin.

"Papunta na-- Kumakain ka pala." Rinig kong sabi ni Sarah.

"Sorry, nagutom kasi ako."

"No, it's okay." Umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Hintayin na lang natin si Eunice, papunta na siya rito."

"Paano mo naman nakiusapan si Kurt na siya na lang ang magbabantay sa kambal? Ang alam ko nasa head quarter siya ngayon."

"Si Eunice ang kumausap sa asawa niya at wala doon si Kurt dahil naririnig ko rin ang boses niya sa kabilang linya kanina."

That's weird. Bumisita lang ni Kurt kaninang umaga at nagpaalam agad na kailangan niyang bumalik sa head quarter.

Tapos na ako kumain pero may narinig kaming boses kaya pareho kami ni Sarah napalingon sa pinaggalingan ng boses. Si Eunice.

"Sorry kung ngayon lang ako, girls. Traffic masyado." Lumapit na sa amin si Eunice at umupo naman siya sa harapan ko. "Musta na pala si Zion? Ano na ang kalagayan?"

"Gising na siya."

"Really? That's good. Sasabihin ko kay Kurt mamaya paguwi ko. Pati ang asawa ko ay nagaalala kay Zion."

"Anyway, Eunice. Kaya kita pinapunta rito kasi may gusto lang akong malaman kung may alam ka na." Ani Sarah.

"Alam saan?"

"Buntis si Jessa."

"Alam kong buntis si Jessa. Huwag mong sabihin nakalimutan mo na, Sarah. Tayo yung kasama ni Jessa noong nahimatay siya."

Napaisip ako bigla. Oo nga pala, yung panahon na iyon yung sinabi ko kay Zion na maghiwalay na muna kaming dalawa dahil alam ko naman pipiliin niya ang babaeng una niyang minahal noon. Wala pa akong ideya siya ang lalaking kalaro ko noon.

"Yeah, nakalimutan ko na nga ang tungkol doon." Natatawang sabi ni Sarah.

"Masyado ka kasing busy sa pamilya mo kaya hindi mo na maalala."

"Kahit rin ako hindi ko na maalala kung hindi mo lang binanggit, Eunice."

"Kayo talagang dalawa." Pailing iling pa si Eunice bago niya binaling sa akin. "Ano na ang plano niyo ni Zion ngayon?"

"Wala. Hanggang hindi pa niya natatalo si papa sa chess ay walang kasalanan magaganap."

"Talagang si tito wala pa rin pinagbago. Basta sa chess hindi nagpapatalo." Natatawang sabi ulit ni Sarah.

"Kilala niyo naman si papa. Diyan siya masaya sa chess."

"Musta naman ang paglalaro nina Zion at tito Gery?" Tanong naman ni Eunice.

"Palaging talo si Zion pero hindi naman siya sumusuko. Gusto niya kasi matalo si papa para pumayag na magpakasal kaming dalawa."

"Seryoso talaga sayo si Zion." Ani Sarah.

Kaming tatlo ay maswerte dahil mahal kami ng mga lalaking minahal namin. Hindi ko naman inaasahan mamahalin ko si Zion kahit wala pa akong alam tungkol sa kanya maliban ang pangalan, background ng pamilya, edad at birthday niya. Pero inamin naman niya sa akin na isa siyang NBI agent. Naging agent siya simulang namatay ang mama niya. At naalala ko pa hanggang ngayon ang pinagusapan namin kahit matagal na iyon.

"Jessa." Tumingin ako kay Zion. Nandito siya ngayon sa bahay namin.

"Bakit?"

Ang seryoso ng mukha ni Zion ngayon ah. Ano kaya ang dahilan? Sana hindi siya makikipaghiwalay sa akin dahil hindi ko kaya mawala si Zion sa akin.

"May gusto akong sabihin sayo." Bigla akong kinabahan sa gusto niyang sabihin sa akin.

"Ano iyon?" Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

"May gusto akong aminin sayo." Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Ayaw ko na kasi maglihim sayo at alam ko naman matagal mo na ako kinukulit kung ano ba talaga ang trabaho ko. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako isang programmer- I mean, hindi programmer ang trabaho."

"Eh, ano?"

"Isa akong NBI agent."

"Agent?!" Nagulat ako doon dahil hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng boyfriend na isang agent. Siguro iyon din trabaho ng asawa ni Sarah at boyfriend ni Eunice.

"Yes, naging agent ako simulang namatay si mama dahil gusto ko gumanti sa taong pumatay sa kanya pero bago pa ako naging agent ay nakahanap ako ng isang video noon. Nalaman ko kung sino pero pumasok pa rin ako sa pagiging agent para tumulong rin sa mga biktima. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ang tungkol dito dahil hindi ko alam saan ako magsisimula."

"Ayos lang. Ang importante ay inamin mo na sa akin ang totoo. Alam ko na kung sino ka talaga, Zion pero kailangan magiingat ka lang sa mga ginagawa mo."

"Nasa head quarter lang naman ako. Ako lang naman ang nago-operate para malaman kung may kalaban sa misyon ng kasamahan ko at inaalam ko rin kung saan sila matatagpuan pero minsan nahihirapan rin akong alamin."

Kaya pala palagi nasa harapan ng computer o laptop si Zion dahil taga operate siya para malaman ang location ng target nila. Kahit wala siya sa trabaho niya ay iyon pa rin siguro ang ginagawa.

Ngayon naiintindihan ko na.

Kaya ngayon ay hindi na ako nagseselos sa computer niya. Alam kong weird dahil nagseselos ako sa isang bagay.

Always Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon