Chapter 67

1.6K 37 3
                                    

JEROME POV

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si natasha na printing nakaupo sa couch.I rolled my eyes. Bakit ba parati nalang siya nandito? wala ba siyang bahay?.

Nakita ko si mommy palabas ng kusina kaya lumapit ako para batiin siya at halikan sa pisngi" Hi mom"

" oh anak Bakit bihis na bihis ka,May lakad kaba ngayon?" Sabi ni mom

" ah yes mom pupuntahan ko po si Edward Yung childhood friend ko noon" agad Kong sabi

" yun ba Yung anak ni kumari Marian na si Edward Dyle?" Tanong ni mommy

" yes mom, Its him"

" matagal tagal ko nang hindi nakikita ang batang yun. Ekamusta mo nalang ako sa kanya anak at sabihin mong bumisita minsan dito sa bahay na miss ko na Yung batang yun" sabi ni mommy

"Okay mom no problem. Alis na po ako "paalam ko kay mommy

" Hindi kaba dito mag lalunch anak?" Tanong ni mommy

" Hindi na po mom busog pa po ako"agad Kong sagot

" Hi" bati sakin ni natasha  tiningnan ko lang siya

"Ok iha andito ka pala" agad na sabi ni mommy

" ah opo tita, magpapasama sana ako kay Jerome ngayon" sabi ni natasha at tumingin sakin  mommy

" I'm sorry natasha pero may lakad ako ngayon" agad Kong sabi

" Hindi ba pwdeng samahan mo muna ako kahit saglit lang" pagpupumilit nya sakin

" I'm sorry but I can't sa iba kana lang magpasama"

" please" sabi nya

"Oo nga anak kahit saglit lang Hindi naman siguro urgent yan diba" biglang sabi ni mommy.

" I'm sorry mom pero Hindi pwde I have to go, bye" at umalis na. Alam Kong paawa effect na naman  Yung babaing yun. Hindi nya magagamit si mommy sakin. Kahit malakas pa siya kay mommy. Wala akong paki. Kahit fiance ko pa siya. Sumusunod lang naman ako sa gusto nya dahil kay mommy. But not now and not again.

Pagkasakay ko ng kotse ko ay pinaharurut ko agad papuntang condo ni Edward

Pagkabukas ng pinto ni Edward sakin parang galing sa Gera dahil sabok ang buhok halatang frustrated

"Woah.. Anong mukha yan tol? Yan Na ba ang usong mukha nang pag welcome ngayon?"

"Gago pumasok kana nga" sabi nya at nilakihan ang pag bukas ng pinto kaya pumasok na ako at diritsong umupo sa couch nya

"Kailan kapa naka uwi dito sa pilipinas Tol" sabi nya

" almost 1 month na tol. Yan kasi chix ang iniuna kaya huli ka sa balita"

" Gago" sabi nya Sabay bato ng unan sakin. Nasagilid ko kasi siya naka upo" ba't ngayon kalang magpakita?"

"Last week sana ang plano kong pagbisita sayo kaso nabalitaan ko na out of country ka daw masama chix mo kaya ngayon lang ako bumisita sayo"

" ulol anong chix ? girlfriend ko yun no! Si Ella yun" agad niyang sabi

" So ano tol nakascore kana?!" Nakangisi Kong sabi

" GAGO " Sabay tayo at pumasok sa kusina

" tol nga pala bar daw tayo ngayon gabi sabi ng barkada. Ano game? "

" nah pass muna ako tol may date ako eh. Sa susunod nalang " siya

" Iba talaga pag inlove" Sabay tapik ko sa balikat nya" bakuran muna tol"

" gago wala ka talagang matinong utak minsan" Sabay kuha nya nang tubig sa ref at uminum ng tubig

"Kamusta na pala Yung babaing hinahanap mo? Nakita muna ba?" Pang iiba ngang tanong sakin

" Wala pa nga eh! ang hirap hanapin ,Hindi ko na nga Alam Kong Saang lupalup ko siya hahanapin"

" woah iba na yan tol. Magpapareserve Naba ako sa mental?"natatawa nyang sabi

" lol! Anong kala mo sakin baliw"

" hahaha, pero seryoso pre pano pag nakita muna siya? Anong gagawin mo?"siya

"Hindi ko alam pre ,siguro gagawin ko ang lahat para bumalik siya sakin" seryosong sagot ko

"Pero paano kung huli kana pre anong gagawin mo?" Siya

"Yan ang Hindi ko pa alam pero bahala na si batman kong anong mangyayari " at bumalik na ako sa dala

"Pre tulungan mo nga ako sa pag pili ng damit ko para mamaya sa date ko" sabi nya at pumasok sa kwarto nya at sumunod nalang ako

" wow pre end of the world na ba at nagpapatulong ka sakin kung anong susuotin mo.? "

" Gago! " at binato nya ako ng damit nya "Wag kanang umangal diyan at tulungan muna ako dito"

"Woah! Ito naman pikon. Magsuot kanalang ng pormal okay na yun pre"

" Ang Gago mo talaga pre kahit kailan Hindi ka nakakatulong." Binato na naman nya ako ng damit buti nalang nakailag ako tawa lang ako ng tawa at siya nagpatuloy na sa paghahanap ng damit nya

" Ang ganda pala ng girlfriend mo pre" sabi ko at tumingin sa picture na nakaframe

"Ako pa! Maganda kasi ako pumili" proud nyang sabi

"Agawin ko kaya sayo si Ella pre" pabiro Kong sabi

" subukan mo pre baka sa ilalim ng lupa kana matagpuan ng nanay mo"

" woah! Ito naman di mabiro"

" talagang Hindi ako mabibiro pag si Ella ang pinag uusapan" seryosong sabi nya

" woah" sabay taas ng dalawa Kong kamay  bilang pag suko" chill bro chill"at pinagpàtuloy ko ang pagtitingin ng mga picture frame nya dito sa kwarto at bigla nalang ako napahinto sa isang litro.

"Bakit may litrato ka nya?" Tanong ko sa kanta

" ha? Anong litrato?" Tamang tanong nya

"Ito oh!" Sabay pakita sa kanya ng litratong hawak ko

" ah yan si Ella ang naglagay nyan, group picture namin yan kasama mga kaibigan nya." Sabi nya

"Anong pangalan nang girl na nasa gitna dito sa picture " tanong ko ulit

" sino si Marie Velaz?"

"Oo siya nga kilala mo pala siya pre?" Sabi ko

" ha? Oo kilala ko siya kaibigan siya ni Ella at studyante ko rin siya noon.Bakit anong meron kay Marie? Wag mong sabihing type mo siya pre? Wag siya pre mag hanap kana lang ng ibang biktima mo "

" Gago! Bakit naman ako mag hahanap ng iba Kong siya naman talaga ang babaing hinahanap ko"agad Kong sagog na ikinalaki ng mata nya

" Si Marie yung babaing tinutukoy mo?" Hindi makapaniwalang tanong nya sakin

Tumango lang ako" Bakit naman Hindi mo sinabi agad sakin pre na magkakilala pala kayo"

" aba Malay ko bang si Marie pala ang tinutukoy mo. Ibang ibang ang binigay mong description sakin" sagot nya

" Tama ka nagbago na siya"

"Alam mo pre Hindi pahuli ang lahat kaya kimilos kilos kana baka maunahan kapa ng iba." Sabi nya sabay tapik sa balikat ko ." tutulungan kita pre" kaya bigla akong napangiti sa sinabi nya

" Salamat pre"

---------------------------------------------------

Sorry guys busy lang talaga ako

My ex-boyfriend My Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon