Chapter 16

1.2K 67 4
                                    

"I submitted your report to the Regional Director," ani Rene Mercado, ang Senior Agent na immediate superior ni Paolo. Nakikinig lamang naman si Paolo rito. "and I have been recently informed na alam na rin ng ilan sa nakatataas at ng Director ang tungkol sa mga nakasaad doon. "But we need to gather more evidences na pasok nga sa jurisdiction ng bureau ang kasong ito. We still need to connect several dots if this can be considered a high profile transnational crime hiding behind the guise of a religious cult. We need to obtain more proofs that the same group is also involved in international human trafficking. Alam kong sinabi ko sa 'yo na mag-lie-low ka muna at magpalamig while we are coordinating with the IMEG (1) regarding several PNP personalities na sumunog ng cover mo sa loob. I couldn't agree more with you na maaaring involved nga sila sa grupong iniibistigahan natin, but the higher-ups wanted us to establish a strong foothold on this case as soon as possible. But you will definitely need a new cover, Montero. A whole new persona that can allow you to dig and penetrate deeper in that organization."

***

"Tamo 'tong Paolo na 'to." Bulong ni Helena sa kanyang sarili habang nakatingila sa wall clock sa kanyang silid. "Pupunta raw rito pero na-traffic lang? Nasaang lupalop ba siya na-traffic at inabot na siya ng beinte kuwatro oras?" tiningnan nito ang cell phone at lalo itong nainis na wala man lang miss call o text mula kay Paolo, "hay naku Helena, bakit ba kasi hinihintay mo ang buwisit na pa-fall at paasang 'yon." Panenermon nito sa kanyang sarili, "ano ba kasi ang inaasahan mo? Eh bukod sa may girlfriend na 'yon, eh paulit-ulit ka lamang namang pinagti-tripan at binubuwiset." Nagtungo ito sa harapan ng full-body mirror na nakakabit sa labas ng kanyang walk-in closet. "Gaga ka rin kasi eh." Habang pinagmamasdan ang sarili, "ayan, kase, masyado kang assuming. Anong feeling mo, kasingganda ni Gabbie Santa Maria? Hindi naman, di 'ba? Eh ni wala ka nga sa kalingkingan man lang no'n."

Sandali siyang napatitig sa kanyang kabuuan and she doesn't like what she's seeing. The horrors of her BDD (2) struck again, and she couldn't help but cry back to bed because this was something that she had been struggling with ever since she could remember. Though she started disliking the way she looked at age seven, she was diagnosed with BDD (2) only at age eleven. And despite professional help and intervention, she barely recovered from it.

***

"Panget, ikaw kamo, panget?!" Bulalas ni Denny sa kaibigan. Matigas ang ulo ni Helena kaya despite the existence of a creepy stalker, nakipagkita pa rin ito kay Denny sa usual coffee shop. "Kung pangit ka eh ano na lang ako? Jusko naman, Helena. Ano na naman bang drama 'yan?"

"Totoo naman eh. Pangit ako." Bakas sa mga mata nito ang pamumugto dahil sa magdamagang pag-iyak kagabi.

"Heh!" Binato ito ni Denny ng isang butil ng kinakain niyang mani, "paano ka naman naging Panget eh kung tutuusin, sa height at hitsura mo pa lang, puwede ka nang isali sa Miss Universe. Puwede ka na rin nga ng lampas pa sa Universe eh, 'di ba? Kaloka ka! Subukan mong iparinig 'yan kay Tita Helga at makakagalitan ka no'n, dahil 'yung anak na look-a-like niya, tinatawag mong pangit. Dahil kung pangit ka, eh 'di pangit din siya dahil magkamukha kayo."

"Di naman ako look-a-like ni Mommy 'no. Laking ganda naman sa akin ng nanay ko. Partida na, dalawa kaming lumabas sa kanya pero sexy pa rin siya ako hindi. Di ba kaya nga wala namang nagkakagusto sa 'kin dahil pangit ako."

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Tiningnan ito ni Denny mula ulo hanggang paa. "Ewan ko sa 'yo Helena. Bulag ka ba? Maganda ka kaya. Ang kinis-kinis ng balat mo. Ang ganda-ganda nga ng mukha mo dahil kamukhang-kamukha mo si Brooke Shields noong kabataan niya sa movie na Blue Lagoon. Paanong hindi ka sexy eh ang liit-liit nga ng bewang mo? Nakakainggit ka nga dahil kahit hindi ka nag-e-exercise hindi ka naman tumataba."

"Anong hindi mataba? Mataba kaya ako."

Napabuntong-hininga si Denny bago nito itinapik ang magkabilang palad sa ibabaw ng lamesa, "naiinis na ako sa 'yo, alam mo 'yun? Kung mataba ka, eh ano na ang itatawag mo sa akin? Morbidly Obese? Ano bang nangyayari na naman sa 'yo at sinusumpong ka na naman ng pagse-self pity mo riyan? Depressed ka na naman ba? Kulang sa halik? Kulanga sa dilig? Kulang sa yakap? O kulang ka lang talaga sa self-confidence?"

"All of the above."

"Naku tigilan mo nga ako, Helena. Kung ako lang ang may hitsura ng kagaya ng sa 'yo, sasalihan ko lahat ng beauty contest," humalakhak ito, "pati pambakla papatusin ko na para makahakot ako ng isang warehouse ng mga trophy at korona. At saka, hindi naman porke't walang nanliligaw sa 'yo, pangit ka na. Puwede kasing maraming nagkakagusto sa 'yo pero wala lang lakas ng loob lumapit. Medyo intimidating kasi ang beauty mo, no. Kundangan naman kasing lagi kang naka-RBF (3) Hindi ka kasi masyadong ngumingiti kaya 'yung iba siguro natatakot lumapit sa 'yo. Try mo kayang ngumiti nang mas madalas, tingnan lang natin kung hindi magsipagtalsikan ang mga briefs ng mga lalake sa 'yo."

"You don't understand, Denny. And I am not sure how I can make you understand my condition."

"Hay nako, gutom lang 'yan my friend. Halika, punta na lang tayo sa mall at humanap ng matinong makakain, medyo sinisikmura na ako sa kape at masisira ang diet ko rito dahil puro cakes and pastries ang narito eh."

"Ok, pero saglit lang tayo ha? Tumakas lang kasi ako sa bahay. Siguradong malalagot ako kay Kuya kapag nalaman niyang umalis ako ng bahay nang walang paalam."

"Ano ba naman 'yang Kuya mo? Napaka-overprotective naman!"

"Hindi naman. Ngayon lang. May nangyari kasi kamakalawa. And I am still a little freaked out right now, to be honest. Mamaya ko na lang ikukuwento sa 'yo. Kumain na lang muna tayo."

"Okey."

Nagsimula nang magligpit ang magkaibigan ng mga belongings nila. But as they busied themselves to leave, hindi nila namamalayan na may nakamatyag pala sa kanila kanina pa. Pinagmamasdan sila sa malayo. Pinakikinggan ang kanilang pinag-uusapan. At sinusundan na sila ngayon patungo sa kanilang patutunguhan.

***

FOOTNOTES

(1) IMEG - Stands for Integrity Monitoring and Enforcement Group. This group is designed to conduct intelligence build-up and law enforcement operations against PNP personnel who are involved in illegal activities such as drug trafficking, human trafficking, financial crimes, cybercrime, malversation, graft and corrupt practices, security violations, and others.

(2) BDD - Stands for Body Dysmorphic Disorder. A mental illness involving obsessive focus on a perceived flaw in appearance.

(3) RBF - Stands for Resting Bitch Face. RBF is an acronym that means resting bitch face, a term that refers to a woman's face when she is thinking, resting, or simply not trying to look pleasant.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon