As planned, nauna ngang nakarating si Paolo sa airport. Nasa malayo pa lang ay sarado guwardyado na ito kaya mas minabuti na ni Paolo na iparada ang kanyang kotse sa gitna ng talahiban. He gathered all his portable paraphernalia and stuffed them all in a compact cross body messenger bag. He also gathered all six mask but left Lax's behind to wear.
He sneaked into the edge and hid behind full-grown trees and hedges until he reached the endpoint na wala na siyang matataguan pa. That left him with no other choice but to grab one of the guards from behind and swiftly twist his neck before the guard even realized what and who did what thing to him. Maingat na hinila ni Paolo ang katawan nito sa likod ng puno to steal his uniform, sunglasses, phone and headgear to take his place on the same spot.
Maya-maya pa ay dumating na ang puting Van. Sumalubong ang ibang guwardiya kaya nakihalubilo na rin si Paolo sa mga ito. Hindi naman nagtagal ay nagsilabasan na ang limang kalalakihan mula sa loob, bagaman napakunot-noo siya nang inilabas na ng mga ito si Helena na nakaplaster ang bibig at nakabalot ng clear wrap mula balikat pababa hanggang sa ibaba ng mga tuhod.
"Bakit nakabalot 'yan?" Tanong ng isa sa mga pinunong sumalubong.
"Nagwawala po eh." Sagot ng lalaking lumabas mula sa front passenger's seat. "Nanununtok pa pero siya naman ang nasasaktan."
"Tsk. Siya tanggalin niyo na bago niyo isakay sa eroplano." Utos nito sa mga sumalubong na guardia. "Ingatan niyo, bawal magasgasan 'yan!"
Matapos itong marinig ni Paolo ay sumingit ito upang sumali sa pagtatanggal ng clear wrap sa katawan ni Helena. Siya rin mismo ang ang maingat na nagtanggal ng plaster nito sa bibig. Hindi na ito umalis sa tabi nito para makasama na rin siya sa mga maghahatid dito sa loob mismo ng private jet.
"Dalawa lang ang puwedeng pumasok sa loob kasama ng bihag!" Anunsyo ng pinuno ng mga guwardia. Nagulat si Paolo nang itinulak siyang papalayo ng nasa unahan niya kaya hindi siya pinayagang makasama sa pag-akyat kasama si Helena.
'Shit! No!' Sa isipan ni Paolo habang tinatanaw niya ang pag-akyat ng dalawang guwardiya sa eroplano.
Hindi pa man din tuluyang nakakapasok si Helena sa loob nang biglang nagkagulo ang ilan sa mga guards. Nakatingin ang mga ito sa itaas na tila may tinitingnan ang mga ito roon. Sa mismong pagtingala ni Paolo ay siya namang pagragasa ng drone mula sa itaas paibaba sa kanila. May ibinagsak itong kung anong pulbura na unti-unting nagdevelop na makakapal na pulang usok bago tuluyang lumipad palayo.
Sa kabila nang makapal na usok ay nasisipat pa rin naman ni Paolo ang pagmamadali ng mga guwardiya na maipasok si Helena sa loob ng eroplano. Sinamantala naman ni Paolo ang sitwasyon para mabilis na makaakyat at makapasok sa loob ng eroplano bago tuluyang umangat ang ladder at magsara ang pinto.
***
Taliwas sa ingay sa labas ay napakatahimik sa loob ng eroplano. Walang tao roon kundi ang dalawang guards na naghatid kay Helena at isang matangkad na lalaki na nakasuot ng maskara. Maya-maya pa'y may isang matangkad na babaeng flight attendant ang lumabas mula sa likuran ni Paolo para maghatid ng wine sa lalaking nakamaskara. Bagaman nakita siya nito ay hindi naman siya nito pinansin sa pag-aakalang isa lamang si Paolo sa mga tauhan ng kanyang pinagsisilbihan.
"Kamusta ka na, Helena." Sabi ng lalaking nakamaskara kay Helena.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin?" Mangiyak-ngiyak na sagot ni Helena, "bakit ako naririto?"
"Oh, my bad. I forgot to undo my cover." Habang unti-unti nitong tinatanggal ang suot na maskara.
"E-Elmo?" Gulat na gulat na wika ni Helena matapos nitong mamukhaan ang lalaking nakaupo sa kanyang harapan. "Anong ibig sabihin nito? Bakit--?"
BINABASA MO ANG
My Incognito HeartBreaker
RomanceKatropa Series Book 10 - Helena and Paolo have harbored a covert love for each other since childhood, yet each carries burdensome secrets they dare not reveal. Paolo, a young CPA Lawyer, an heir to a vast international business empire, and a self-ma...