Chapter 33

329 45 1
                                    

"Salamat sa paghatid mo sa 'min, Pao." Malambing ni wika ni Helena sa nobyo habang tinutulungan siya nitong ipasok sa loob ng gate ang trolley bag niya. "Alam kong sobrang busy ka rin. You have work to do sa company niyo habang nag-aaral, tapos sinasamahan mo pa kami ni Mommy dito sa trainings ko after class."

"Wala 'yun, sweet pea. Anything for you."

Pasimpleng sumimangot si Helga nang humalik si Paolo sa pisngi ni Helena. "Ah, siyanga pala." Malamig na pagsingit ni Helga, "you don't need to do this for us starting tomorrow, okey?"

"Tita okey lang po sa 'kin. Hindi naman po ito nakakaabala sa akin—"

"Bakit, sinabi ko bang 'yun ang dahilan?" Taas kilay na singhal ni Helga sa binata.

"Mom, what's going on?" Pagsingit ni Helena nang mahalata nito ang tila biglang pagsusungit ng kanyang ina kay Paolo.

"Pumasok ka na sa loob, Helena. Iwanan mo muna kami rito sa labas."

"Mom?!"

"Pasok na!" Na may halong pandidilat ng mga mata.

Nagulat si Helena sa pagsigaw sa kanya ng kanyang ina. Naguguluhan man ito sa mga nangyayari ay sumunod naman ito kay Helga.

"Tita, m-may problema po ba?" nang makapasok na si Helena sa loob ng gate.

"Tinanggap kita ng maayos dito, alam mo 'yan, 'di ba? Wala naman akong tutol sa pakikipagmabutihan mo sa anak ko. Pero hindi ibig sabihin no'n, pababayaan na rin lang kita na lokohin ang anak ko!"

Bumakas sa mukha ni Paolo ang pagtataka, "ano pong ibig niyong sabihin?"

Sa halip na sumagot ay ipinakita na lamang ni Helga sa binata ang video at photo na ipinasa sa kanya ni Ian.

Hindi na naman nagulat pa si Paolo dahil ito nga mismo ang video at photo na sadyang ipinakalat nila bilang tulong sa kasong hinahawakan ni Gabbie.

"Wow. Hindi ka man lang na-shock? So ang ibig sabihin, alam mo na may ganitong kumakalat na video at litrato?"

The true reason for intentionally spreading those materials is highly classified kaya hindi kaagad makapagkumahog si Paolo ng tamang sasabihin kay Helga.

"M-may paliwanag po ako rito, Tita Helga. Ang kaso, hindi ko po puwedeng sabihin."

Napatawa nang may halong pang-uuyam si Helga, "ibang klase ka rin naman pala. You know you can't keep this forever, right? Masuwerte ka lang siguro talaga dahil hindi ma-social media ang anak ko. Pero pasasaan ba't malalaman na rin niya ang tungkol dito. Puwes, uunahan na kita bago mo pa magoyo at pagmukhaing tanga ang anak ko. You better stay away from her from now on. Ayoko nang pumupunta ka rito, hindi ka na welcome dito. Ayoko na ring sinusundo mo siya sa school o sinasamahan sa practice. I want you out of my daughter's life, and I do not want to see you again!" Akmang tatalikuran na ni Helga ang binata nang...

"Sandali lang po, Tita."

Nilingon naman agad ito ni Helga, "bakit?" Taas kilay na pagsusungit nito sa binata.

"Magpapaliwanag po ako, p-pero..." Luminga-linga ito, "s-sa mas pribadong lugar po sana na hindi maririnig ni Helena."

Napakunot-noo si Helga, "a-anong—"

"M-may ipapakita po ako at ipapaliwanag sa inyo." Iginigiya nito si Helga na bumalik sa kotse niya.

Agad namang nagtungo si Helga sa front passenger's side na halos kasabay ng pagpasok ni Paolo sa Driver's side.

"Siguraduhin mo lang na worth ng oras ko 'yan Paolo, ha?." Agad na banat ni Helena habang nagmamadali naman si Paolo sa pagse-setup ng laptop niya. "Dahil sa totoo lang, wala nang makakapagpabago ng tingin ko sa 'y—"

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon