"He's coming back tomorrow. Kailangan daw niya munang magpahinga ngayon. Tama nga ang hinala ko. May itinatago ang mokong. Nasaksak raw siya, hindi man lang tayo sinabihan." Dirediretsong wika ni Gabbie sa pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng sliding door ng Van. Pero sinalubong siya nang pagha-highfive at pagtatawanan ni Gus at Dhonnie over something na kinukutingting nila sa computers. "What's going on?". Umupo ito sa tabi ni Gus.
Biglang naging seryoso si Gus nang nilingon nito si Gabbie. "Sinong nasaksak?"
"Si Montero. Tsk. I actually feel bad that I had to twist his arm to return. Kung ako lang ang masusunod pauuwiin ko na lang sa Maynila. Parang ang laki ng sugat niya ang laki ng tapal, and he looks exhausted. Kung 'di nga lang talaga napasubo na tayo rito at ito lang ang pagkakataon natin para mapasok natin ang impiyerno ng lintek na mga demonyong 'to!"
"I think you can actually send him home." Ani Gus kay Gabbie. "Let him go. Let him live. Lalo't hindi naman talaga siya kasama sa authorized team. Baka ma-trouble pa tayo kapag nalaman nila na isinali mo rito ang isang suspendidong agent."
Napakunot-noo si Gabbie, "What do you mean?"
"The son of a gun gave us everything we needed right from the get-go. Itinuturo nito ang MacBook ni Elmo na ibinigay sa kanila ni Paolo. On its monitor were twenty-four thumbnails with active surveillance cameras in critical secret locations inside the venue and international headquarters. "Because everything we need is right here. Unfortunately, that will make his succeeding efforts, injury, and life-threatening steps all for nothing. Kaya lagot tayo. Tiyak na mumurahin tayo ng tanginang 'yon!" Humalakhak ito.
Napanganga si Gabbie as she reaches out to the MacBook, "Holy molly," she's half smiling. "You're right."
"At hindi lang 'yan." Gus grabbed the sd card case, "all the incriminating evidence against Aris Quijano and his crew is right here in these storage disks, kasama na ang lahat back up nga mga videos uploaded sa portal nila sa darkweb na kasama siya sa mga pagto-torture at pagpatay sa mga babae. There are also several leads here that point to the central server located in three possible locations: first is Grenada, second is Sweden, and the third is Brazil."
"Are you saying we are done with the intel gathering?" Si Dhonnie.
"For this particular mission, yes." Sagot ni Gus. "Ang goal lang naman natin dito is to investigate and find intel on their operations here in the Philippines. And we got it all here."
"Pa'no Miss Gabs," Pagsingit ni Dhonnie, "Lagot na tayo kay Sir Paolo." Tatawa-tawa na rin ito.
"Sure, we're done with intel." Si Gabbie sa dalawa, "but that's only part of what needs to be done. He came here to unlist Helena, right? And we have no a fucking clue on how we are going to help him with that?"
"We need to find and connect to their database." Ani Gus, "If we can't delete, we need to corrupt."
"But how?"
Gus grabbed the MacBook from Gabbie and accessed a hidden app in it. "Leave it to me." Nakangising pag-ako ni Gus.
***
Hindi na talaga matiis ni Helena ang sobrang pagkabanas dulot ng mataas na temparatura kaya niyaya nito si Paolo na mgbabad sa outdoor pool. Unfortunately, Paolo can't join her because of his wound, which left him with no choice but watch Helena swim and soak herself while he sat and watch for her on the lounge chair. Wala naman silang ginawa kundi ang magtinginan at magngitian.
'Oh boy...' Sa isipan ni Paolo habang umaahon si Helena in a two-piece bikini. 'Umayos ka Paolo Jr., hindi ka puwedeng magalit. Kalma. Not today!' Habang lumalapit na sa kanya si Helena.
BINABASA MO ANG
My Incognito HeartBreaker
RomanceKatropa Series Book 10 - Helena and Paolo have harbored a covert love for each other since childhood, yet each carries burdensome secrets they dare not reveal. Paolo, a young CPA Lawyer, an heir to a vast international business empire, and a self-ma...