Chapter 20

580 50 4
                                    

"I don't like hardcore porn." Walang kagatol-gatol na reklamo ni Helena kay Denny habang nanonood sila sa Pornhub sa loob ng kwarto ni Helena—sa laptop ni Denny. "Eww."

"Eh, anong gusto mo?"

"Soft porn lang. 'Yung walang pinapakitang genitals."

"Ang boring naman no'n."

"Ayoko rin ng basta sex lang. Gusto ko may story."

"O eh 'di humanap tayo rito ng clip na may script." Tumipa si Denny sa search engine.

Saglit nilang pinanood ang bagong video na pinili ni Denny.

"Eww." Ani Helena, "may story nga pero basta na lang. Walang depth ang story, basta makapagchukchakan na lang."

"Ang arte ha!"

"I've seen enough." Ito na ang nagsara ng laptop ng kaibigan. "Magbabasa na lang ako ng mga erotic novels."

"Ala Fifty shades, gano'n?"

"Gross. I don't like BDSM!"

"Grabe ang arte mo ngayon, alam mo 'yun? Babatukan na kita riyan eh!"

"Eh sa hindi ko trip 'yung mga possessive na main characters. Isipin ko pa nga lang 'yung mga lalaking tulad ni Christian Grey naso-suffocate na ako."

"Kanya-kanyang trip lang 'yan Bes. May mga tao kasi na sa gano'n sila nao-on. Dahil may mga babae na sa gano'n nila nafi-feel na mahal na mahal sila ng guy."

"Ang sabihin mo, maraming babae lang talaga ang tabingi ang pag-iisip ngayon kaya hindi nila makita na 'yang mga lalaking sobrang possessive, dominant at controlling, eh wala naman talagang kayang mahalin kundi ang mga sarili nila. Anything and everything are about them, what they like, what they feel, and what gives them the pleasure. At saka itong super cringy na trend na obsession ng mga babae sa bilyunaryong main characters? Don't you think it's a reflection of how sick our society is? Hot lang kasi mayaman? Gwapong-gwapo sa mga bilyonaryo na kung hindi ugaling kanal at abusive, eh pa fall naman at paasa?"

"Hmmm. Parang may hugot ah."

"Excuse me?"

"Ang sabi ko, mga fictional stories pa rin ba ang pinag-uusapan natin o true to life na? Ang tindi kasi ng hugot mo eh, parang pati itong bituka ko eh nahihila mo na rin? Iba ang gigil ng statement mo eh."

Umiwas ng tingin si Helena.

"I knew it!" Kantiyaw ni Denny. "Kumusta na ba si Paolo?"

"Hmp. Malay ko ro'n. Paki ko sa kanya."

Napatawa si Denny, "Ayun. May L.Q."

"Excuse me, ang L.Q. para sa mga lovers lang. Wala naman kami ni Paolo 'di ba? So pa'no magiging L.Q. 'yon? At saka...si Jordanna ang gusto no'n, hindi ako."

"Sino nga ulit si Jordanna?"

"Anak ng friend ni Daddy."

"Maganda ba?"

Tumango si Helena.

"Mas maganda pa sa 'yo?" Nanlaki ang mga mata ni Denny.

Muling tumango si Helena.

"Eh kung 'yun ang gusto ni Paolo, eh bakit binibigyan ka niya ng mga regalo?"

"Hmp. Malay ko ba sa pa-fall na 'yun. Malamang, pinaglalaruan lang ako."

"Bakit ka naman n'ya paglalaruan?"

"Baka gumaganti lang."

"Gumaganti saan?"

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon