Chapter 45

297 39 1
                                    

"Naglabas si Paolo ng gano'ng kalaking halaga para sa anak natin?" Gulat na gulat si Jason matapos na ikuwento ni Helga ang buong sitwasyon. "Tapos isinubo pa niya ang sariling kaligtasan to personally take care of her?" Habang pareho silang nakasiksik ni Helga sa bath tub.

"Him and his team. Please never ever tell Paolo that I told you. Ayokong mawala ang tiwala ng batang 'yun sa akin. Most especially dahil hindi alam nina Art at Laura itong mga ginagawa niya kaya hindi mo rin puwedeng sabihin lalo na kay Art. Mangako ka kundi'y kukutusan kita!" Inihaya ni Helga ang kamao sa tapat ng mukha ni Jason.

Tumango naman si Jason, "H-hindi pa ba nagte-text man lang sa—"

Hindi pa man natatapos ni Jason ang pagsasalita ng biglang tumunog ang cell phone ni Helga. Halos mabitiwan naman ni Helga ito dahil sa pagmamadaling i-unlock ito. Nakisilip naman si Jason sa cell phone ng asawa. Magkasabay nilang binasa ang nakasulat sa text from Paolo.

'We got her now, Tita.  She's with Lax. She's safe. But I'm sorry we can't go back yet. You know why.'

Nagkumahog naman sa pagta-type ng reply si Helga.

'Salamat sa Diyos! Salamat sa update, anak. Mag-iingat kayo please? Don't forget to update me again.'

Mabilis namang sumagot si Paolo ng:

'No worries po, Tita. A promise is a promise. I will keep you posted.'

***

Tinulungan ni Paolo na ayusin ni Helena ang kanyang sarili matapos mag-landing ng eroplano. Kasukat naman nito ang flight attendant kaya nagmagandang loob na rin ito na pahiramin si Helena ng bagong panloob at panlabas na saplot.

"Where are we?" Tanong ni Paolo sa flight attendant.

"Mactan Cebu po, sir?"

"How are you connected to Elmo Quijano?"

Umiling ang flight attendant, "wala po bukod sa pag-hire niya sa amin ng piloto for this trip." Mangiyak-ngiyak ito. "Ang totoo po pinilit lang niya kaming dalawa ng piloto. Business class passenger po namin siya mula sa Airline from Hong Kong. Papatayin daw nila kami kung hindi kami susunod."

Tumango si Paolo, "Where are his pieces of luggage?"

Tumingala ang flight attendant sabay turo sa bandang itaas, "nasa cabin compartments po lahat."

"Okay. You may go now. Salamat sa tulong niyo."

"Salamat po sir," tuwang-tuwang yumuko ang flight attendant.

"By the way, can you help yourself return to where you came from?"

"Problema rin nga po 'yun, sir because he took our valuables, IDs, wallets, passports, and phones before we left the airport. Itinapon po nila sa trash bins. We may not have enough fuel to return also."

Tumango muna si Paolo bago ito nag-dial sa cell phone niya. "Touch down, Mactan." Bungad nito sa kausap. "I have the abducted pilot and flight attendant here. Can you check kung nandyan pa sa trash bins ang mga gamit nila?"

"We'll have them checked." Sagot naman ni Gabbie sa kabilang linya.

"We need to move forward as soon as possible. Wala silang cell phone, but I will give them your number dahil may line naman sa private jet."

"Sige partz. We'll take care of them." Gabbie ended the call.

"What's your name?" Pagbaling ni Paolo sa flight attendant.

"Sarah po."

"Okay, Sarah." Dinukot ni Paolo ang wallet niya para kumuha ng isang bungkos ng dadaaning dulyar at iniabot ito sa flight attendant. Tinanggap naman ito ni Sarah. "This should be more than enough to refuel this private jet so you can head back to where we came from. My team will be waiting for you there with whatever they can recover from your belongings."

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon