Chapter 31

401 58 7
                                    

Hindi malaman ni Paolo kung paano kikilos sa harapan ng hapag-kainan. Medyo matalim kasi ang tingin sa kanya ni Jasper habang si Helena naman ay hindi man lamang siya tinitingnan.

"Saan ka na ba nakatira ngayon, Hijo." Tila walang pakialam sa tensyong mayroon sa paligid si Helga, "sabi ng Mommy mo, bumukod ka na raw."

"S-sa Parañaque po."

"Are you renting?

"Ah, no po. I own a townhouse."

"Wow!" Napapasulyap si Helga sa mga anak, "ang bata mo namang maging homeowner. Kunsabagay, isa ang real estate sa mga negosyo ng pamilya niyo, bakit ko ba naisip na nagre-rent ka lang, ano ba naman ako. Pasensya ka na hijo."

"O-Okey lang po."

"O kumain ka na." Itinuro nito ang napakaraming putahe sa hapag-kainan. "Halos ako ang nagluto nito. Pero ito—"Itinuro nito ang embutido,"si Helena ang nagluto niyan."

"Gano'n po ba? Sige po..."

Napatingin si Helena nang unang kinuha ni Paolo ang embutidong ginawa niya at halos kalahati agad ng isang malaking roll ang kinuha nito. Agad itong sumubo hindi pa man din ito nakakasandok ng kanin.

"Hmmm." Tatango-tango si Paolo, "this is very good. Marunong po palang magluto si Helena." Kay Helga ito nakatingin.

"Oo naman. Saan pa ba magmamana 'yan? Tikman mo rin itong mga luto ko o." Itinuro nito ang adobo at menudo. "Iyong leche flan, si Helena rin ang gumawa."

"Wow. Paborito ko po 'yan. Puwede po bang kumuha na ako?"

"Oo naman." Napapangiti si Helga kay Helena habang iniaabot nito kay Paolo ang Leche Flan.

"Hmmm." Napapapikit na reaksyon ni Paolo matapos niyang tikman ang leche flan. "This is the bomb."

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Napahagikhik naman sa kilig si Helga, "pasadong-pasado ba?" Natatawa ito sa gulat na gulat na reaksyon ni Helena habang napapangangang nakatitig ito sa pagkain ni Paolo.

Paolo began to stuff his mouth with embutido and rice.

"Hindi ka pa gutom nang lagay na 'yan?" Nang-aasar na banat ni Jasper kay Paolo. Pinandilatan naman agad ng mga mata ni Helga ang panganay nitong anak. "Sige kain ka lang, para busog ka sakaling huling hapunan mo na 'yan." Na tila wala itong pakialam sa isinesenyas sa kanya ng kanyang ina.

Nabilaukan si Paolo kaya agad namang inabutan ni Helga ito ng isang basong tubig.

"Pasensya na po." Kay Helga na lamang bumaling si Paolo matapos itong mahimasmasan, "I haven't had home-cooked meal in a while. I appreciate this po."

"Eh bakit nga ba hindi? Alam mo bang nami-miss ka na ng Mommy mo?"

Paolo was caught off-guard kaya hindi agad ito nakasagot, "I know po." Napasulyap rin ito kay Helena na nakatitig pa rin sa kanya.

"Eh bakit nga hindi mo man lang bisitahin ang Mommy mo once in a while?"

Napayuko si Paolo na tila naghahagilap ng tamang salita, "m-medyo complicated po kasi Tita. M-medyo nagkaroon lang po kami ng misunderstanding. Dumadalaw naman po ako ro'n almost every week to make sure they are okey, hindi lang po talaga ako nagpapakita."

"Bakit nga hindi ka man lang nagpapakita, if you don't mind me asking? Umiiyak na rin kasi kung minsan ang Mommy mo sa amin ang we do not know how to comfort her."

"Alam naman po niya kung bakit, hindi lang po siguro niya nasasabi sa inyo." Napapasulyap ito kay Helena. Agad namang nakuha ni Helga na malamang ay hindi ito masabi ng binata sa harapan kanyang mga anak.

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon