Chapter 18

495 48 0
                                    

Iba't ibang foam latex prosthetics ang pinag-eksperimentuhan ni Paolo sa kanyang mukha para maiba niya ang kanyang hitsura, at hindi niya maiwasan ang matawa nang sinubukan niyang magpalaki ng ilong, magpahaba ng baba, maging ang masuot ng slip on veneers na may iba't ibang hugis ng ngipin. Inaral niya rin ang sining nang paglalagay ng kolorete sa mukha, ang pagsusuot ng iba't ibang costume at ang iba't ibang paraan ng paglalakad na nakadepende sa kanyang overall look.

"How do I look?" Umikot siya sa harapan ni Gabbie sa overall getup ng isang napakabonggang drag queen na may napa-engrande sa volume na wig na kulay neon green.

"'Yan ba ang bago mong persona?"

"Ah, hindi. Sinubukan ko lang kung kaya kong maging reyna!" Ipinitik nito ang kamay ipang ipakita sa kapartner ang kanyang long fake nails na may matingkad na gel nail polish at kung ano-anong makikinang na bling.

Napanganga muna si Gabbie bago ito tuluyang humagalpak ng tawa. "Grabe Pao, ang galing mo nang mag-make-up at mag-style mag-isa. Hindi kita makilala ah."

Humarap sa full-sized mirror si Paolo at kumekendeng na pinagmasdan ang sariling obra, "kunan mo nga ako ng mga picture." Iniabot nito kay Gabbie ang cell phone niya.

Kinuha naman ni Gabbi ang phone nito, "para remembrance?"

"Pang-prank lang sa Mommy ko," sabay tawa, "I'll send a text with a picture, 'Mom! Don't worry, I'm safe. Oh, by the way, call me Paola from now on.'"

Napatawa nang malakas ni Gabbie, "Loko ka, hindi kaya mahimatay ang Mommy mo?"

"Sure 'yan!" Nag-pose ito na kita ang kanyang fake cleavage. "Tingnan mo nga ang pagkakagawa ko sa joga ko?" Sabay hawak sa dalawang umbok sa kanyang dibdib na yari sa malambot na silicone. "Seamless ba?" Itinuro niya 'yung lining ng silicone na tinakluban niya ng makeup upang magmukhang totoong nakakabit ito sa kanyang dibdib.

"Medyo halata pa rin sa malapitan." Ani Gabbie, "medyo i-adjust mo lang ang kulay ng concealer and it should be good."

"Noted." Muli nitong tiningnan ang sarili sa salamin.

"Ang ganda-ganda mo dude, nakakaloka." Aliw na aliw na kinunan nito si Paolo sa iba't ibang anggulo. "Grabe ang tiyaga mo, at para lang talaga i-prank ang Mommy mo, ha?"

"Para naman hindi sayang ang pag-e-experiment ko ng iba't ibang hitsura."

"Sa bago mong persona, anong plano mong gawin?"

"Sabi ni boss, kailangan ko raw magmukhang Banyagang Bilyunaryong kagalang-galang."

"Sus, bilyunaryo ka naman talaga, kaya dalawa na lang ang pag-aaralan mo, ang pagiging banyaga, at pagiging kagalang-galang." Pabirong wika ni Gabbie.

Agad na sinamaan ng tingin ni Paolo ang kapartner, "sinasabi mo bang bastusin ako?"

"Oo." Sabay hagalpak ng tawa.

"Gagang 'to!" Muli nitong pag-aastang bakla, "nakikita mo ba 'tong deadly fake nails ko?"

"'Yang deadly weapon mo? Oo, bakit?" nambubuyong panunukso ni Gabbie, "ipangkakalmot mo ba 'yan sa 'kin?"

"Ito ang ipambubunot ko sa bigote at buhok sa ilong ng boypren mong ungas! Bwahaha!"

"Ay grabe siya. Bakit ba lagi mong pinagdidiskitahan ang bigote ni Gus. Bagay naman sa kanya ah."

"Ewww...sigurado ka bang walang kuto 'yon?"

Napa-snort si Gabbie sa sobrang pagtawa. "Gago ka talaga Paolo. Wala 'no. Araw-araw niyang ginu-groom 'yon."

"Siguraduhin mo lang 'yan Sis, mamaya niyan kutuhin 'din 'yang ilong mo dahil sa pakikipagsinghutan mo sa boypren mong kuhol."

Muling napa-snort si Gabbie, "Bastos ka talaga, Pao. Nakakainis ka."

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon