Chapter 25

503 52 6
                                    

'Chapter 21' pagtipa ni Helena sa laptop niya. Pangatlong chapter na ito sa naisulat niya sa loob lamang ng tatlong oras, which averages in two-thousand word counts each, kaya naman halos wala nang maririnig pa sa kanyang silid kundi ang rumaragasang tunog ng walang habas na pagbabanggaan ng mga keyboard keys at ng kanyang mga daliri. 'absorb the pain, and transmute it to something breathtaking.' wika ng dalaga sa kanyang isipan. 'Ache is overrated, Helena. Don't you dare weep over a trifling sting in your heart. Turn every torment into a masterpiece. Get up and keep moving for success is always the best revenge.'

"Wow, naman ang anak ko," may dalang miryenda si Helga na agad naman nitong inalapag sa tabi ng laptop ng anak, "mukhang natanggal na ang writer's block natin ah! Pero mag-break ka na muna anak. Magmiryenda ka muna."

"Sandali lang Mommy, " tuloy pa rin ito sa pagtipa, "I do not want to derail my train of thought. Isang chapter na lang and I'll take a break, promise."

"Ok, I'll leave you alone. Pero call me downstairs kapag naka-break ka ha? May kailangan lang akong sabihin sa 'yo."

"Yes, Mommy."

***

After two hours...

Tinapik ni Helena ang balikat ng ina, habang busy ito sa paglo-load ng laundry sa washing machine, "Mommy."

"O anak, natapos mo ba ang dapat mong tapusin?"

"Yes, Mom. I'm tired, but I feel great. Ilang chapters na lang matatapos ko na. And I can make it to my Publisher's deadline.

"Magsusulat ka pa ba ulit today?"

"Maybe later tonight. Magbe-break muna ako dahil medyo masakit na ang mga daliri ko. Tulungan na lang muna kitang mag prep ng dinner."

"Ok."

"Ano nga pala ang sasabihin mo sa 'kin?"

"Ah, 'yun ba? Teka...doon na lang tayo mag-usap sa kitchen para we could prepare our dinner habang nagkukuwentuhan."

***

After they moved to the Kitchen...

"So ano na, Mommy." Nagbabalat si Helena ng carrots.

"Naalala mo pa ba 'yung famous designer ng gown mo noong nag-debut ka? Si Mitos Alcantara?"

"Opo. Bakit po."

"Eh, magre-release raw siya ng kanyang summer collection. Ang kaso, nag-quit daw 'yung isa sa mga models n'ya dahil nabuntis. Gandang-ganda 'yun sa 'yo kaya nakikiusap siya kung puwede ka raw niyang kunin. Ang sabi ko, hindi ka naman mahilig sa modelling at wala kang formal training. Kaya mas malamang na hindi ka pumaya–"

"Sige Mommy. I want to try it." Walang kagatol-gatol na wika ni Helena. "Maybe I can try Beauty Pageants too. I am willing to train."

Napanganga si Helga sa sobrang gulat. "R-really, anak?"

"Yup. Call Mitos and let him know that he can count me in."

Halos maglulundag si Helga sa tuwa at kilig kaya inihinto na muna nito ang paggagayat para tawagan ang kaibigan nitong designer. "Hello Mitos!" Anito sa tinawagan sa cell phone. Kumikindat-kindat ito sa anak, "good news, pumayag si Helena ko. Don't worry I'll train her. Madali namang matuto ang anak kong 'to. Siyempre, kanino pa ba magmamana kundi sa akin," humalakhak ito, "Just give us the call time and we'll be there." Sandali itong tumahimik, pinakikinggan nito ang sinasabi ng kausap."Ok, see you soon!" In-end na nito ang call.

Nakangiting napapailing naman si Helena sa animo'y kiti-kiting ina.

"Ayan anak, pinapupunta na tayo ni Mitos this coming Wednesday, para ma-introduce ka niya sa team niya at sa iba pang mga modelo roon. Ok lang ba kung mag-umpisa na tayong mag-training ng basic runway walk and poses tomorrow? Tuwing breaktime mo lang naman sa pagsusulat mo."

"Ikaw ang magte-train sa akin?" Natatawa si Helena.

"Siyempre sa ngayon, ako na lang muna dahil sa Wednesday na ang first call time mo at wala na tayong panahong humanap pa ng trainor. Kukuha rin tayo ng trainor mo eventually, lalo na kung magpa-Pageant ka na rin. Magkaiba kasi ang walk sa Modelling at sa Beauty Pageant. Kapag Pageant walk, medyo baklaan doon. Ok lang ba sa 'yo 'yun?"

"Yup."

Muling napanganga si Helga sa tila malaking pagbabago sa anak, partikular na sa mga bagay na hindi naman nito pinagkaka-interesan dati. "Nananaginip ba ako anak? Sigurado ka bang gusto mong subukan? Hindi madali ang training anak, ha? Baka kasi kapag napipilitan ka lang, bigla ka ring umayaw. Masasayang lahat ang efforts natin."

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Napapatawa si Helena, "don't worry Mommy. Sigurado ako. I'll do my best, and I'll make you proud."

Halos maiyak si Helga sa tuwa kaya nilapitan na nito ang anak para yakapin.

***

Samantala...

"Hey." Pambungad ni Patrick sa panibagong video call nila ni Paolo. "Dumaan ako kina Mommy at Daddy pagkagaling ko sa airport kanina. Nag-drop by raw ro'n si Jasper at Helena and left a banker's box for you. Hindi raw nila alam kung ano ang laman no'n dahil tadtad ito ng packaging tape. Eh since, hindi raw nila alam ang address mo, at kung may balak ka pag dalawin sila, eh do'n na lang nila inilagay 'yung box sa dating mong room."

Hindi nagsalita si Paolo. Nakatuon ang noo nito sa kanang palad nito. Nakayuko, na tila may iniindang sakit ng ulo.

"Hoy, ba't ang tahimik mo? At bakit ganyang ang hitsura mo? Nakainom ka ba?"

"Hangover. Kasama sa mission. Ang lalakas tumungga ng mga lintek na mga nakasalamuha ko kagabi."

Napailing si Patrick, "Bakit ka ba nandyan?"

"Can't tell you. Highly confidential."

"Eh kailan ang uwi mo?"

"Can't tell that either."

"Tsss...well, anyways. 'Yun lang naman tungkol sa box dahilan kung bakit tinawagan kita, at si Lolo, pakitawagan mo raw siya kapag may pagkakataon ka. Sige, bye."

***

Ang totoo, wala namang hangover si Paolo, bagkus ay sakit sa buong katawan at malaking biyak sa may bandang kaliwang kilay na siyang tinutuunan niya kanina para hindi ito mapansin ng kanyang kapatid. Tinamo niya ang mga iyon nang mapaaway siya sa casino kung saan ay naroro'n din ang mga taong sinusundan niya. Kasama man sa kanyang mga plano ang paglikha ng commotion at eksena, ay hindi naman kasama roon ang mapa-trouble at ang makipagbasag-ulo sa mga tauhan ng mga taong kanyang sinusundan.

"What do you have here, motherfuckers!" Bulong ni Paolo sa kanyang sarili habang nagba-browse ito sa Dark Web. Pinuntahan niya ang isa sa mga web addresses na pinagsususpetsahan niyang pinatatakbo ng mga taong sinusundan niya, and is able to hack several accounts of the VIP members to gather significant information on the website's operations.

Paolo turned on his voice recorder while browsing, "It looks like they are targeting young women in the modeling and beauty industry." He started recording "from ages thirteen to twenty-five. They steal photographs of unsuspecting young women and create a fake profile for each of them on their exclusive private web domain. Each VIP membership costs one million dollars a month, which allows them to select one woman on the roster. Once the selection is made, and the extra processing fee of two hundred thousand dollars is paid, it is now the operators' turn to deliver the goods for the VIP's turn to rape, torture, and slaughter their subject on live streaming."

Paolo accidentally hit the play button of one of the video recordings on the archive. He froze in shock habang pinanonood ang pangre-rape sa isang dalagita ng isang VIP member habang pinupugutan ito ng ulo using a hacksaw. Agad namang nasara ni Paolo ang laptop niya, bago tuluyang mapigtas ang ulo ng kawawang biktima. Sandali siyang natulala pagkatapos niyang gawin iyon. Hindi naman nagtagal ay humagibis na rin ito patungo sa banyo upang magsuka.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon