Chapter 1

11.3K 483 80
                                    

'Life is like strolling down the hazy road. You don't know what you're going to come across with unless you keep on walking...'

Napahinto sa pagta-type si Helena. She attempted to save her departing train of thoughts as she stared tizzy on the partially empty word doc page. "No please...no please..." she keyed in a couple of words, but she immediately sussed that they were not the ones she initially had in mind; she ended up hitting the delete button. "Ugh! Shit!" She slammed her laptop closed bago ito sumubsob in sheer frustration sa ibabaw nito. "Why?" Tumunghay ito, "Why?!" On the verge of tears. "Why do you have to leave me?!" Actually referring to the right words and inspiration to write but, "Nagmahal lang naman ako!" Tumayo ito at tila baliw na nag-monologue; matched with hand gestures, "bakit kailangan kong masaktan?! Bakeeet?!" Napapa-atungal na ito, "bakit mo kinuha ang puso ko? At pagkatapos ay..." dumampot ito ng isang blangkong papel at ginusamot ito, "pipigain mo lang pala ng ganito!" Mas lalo nitong pinanggigilan ang papel bago nito ito isinubo. Muli itong umupo at umatungal habang nakasungalngal ang papel na isinubo n'ya.

Ito ang hitsura si Helena kapag nakakulong lang sa kanyang silid upang magsulat. Nakataas ang buhok na may lapis na nakasuksok sa bun, naka-pajama, walang make-up, walang poise, walang kiyeme sa tunay na nararamdaman, animo'y baliw na nakikipag-usap sa sarili, ma-drama at medyo O.A. Taliwas sa maskara nito kapag nakaharap sa mga tao na laging naka-porma, classy, tahimik at parating guwardiyado ang kilos.

"Anak?" kumakatok ito. Tinig ito ng kanyang ina. "Are you ok?"

'No.' Mahinang wika n'ya with no intention for her mother to hear. 'Hindi ako ok!' Pagpapatuloy n'ya. 'Next week na ang deadline ko! Hindi ako makaalis sa chapter eighteen!' Tinanggal na nito ang papel sa bibig at pinahid ang mga luha. "Ok lang po ako Mommy!" Pagtugon nito sa ina, "Nagbabasa lang po ako."

"Ganun ba? Pero ok lang din ba kung lumabas ka muna sandali?"

'If I have a choice, no!' To herself.

"Bakit po?" to her Mom. Tumingin ito sa wall clock to check kung oras na ba ng hapunan kaya tinatawag na s'ya nito. It's almost, but not quite. Alas sais pa lang kasi ng hapon. They usually eat supper around seven.

"May mga bisita tayo. Dito sila maghahapunan, they all want to see you."

'Shit!' To herself.

"P-po? S-sino po?" to her Mom.

'H'wag sanang sina Tito Arthur! No, please, no, please!' To herself. Her eyes are tightly closed while her fingers are crossed. 'I love Tito Art, and I just don't like one of his usual companions.'

"Sina Tito Jon!" Sagot ng Mommy.

Nakahinga s'ya ng maluwag, 'Hay salamat.'

"At sina Tito Art!" Dagdag ng Mommy n'ya.

Namilog ang mga mata ni Helena. 'Noooooooo!'

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

"Nasa salas sina Patrick, Pia, Josh, Jordanna and Joaquin."

Halos lumundag sa tuwa si Helena. 'Thank God, mukhang hindi kasama si psychotic.' To herself.

"Pero nandito si Paolo sa tabi ko, may ibibigay raw s'ya sa 'yo."

'Wadapaaaaaak!'

"Thank you po, Tita Helga." Narinig n'yang sabi ni Paolo.

"Anak!" Muli s'yang kinatok ng kanyang ina. Naka-lock pa rin kasi ang pintuan n'ya. "Buksan mo nga ang pinto mo!"

"Sandali lang po Mommy!" Natatarantang nag-ayos si Helena. Ibinaba n'ya ang kanyang buhok, tumakbo banyo, naghilamos. 'Buwisit ka talaga Paolo...' bulong nito; nagmamadaling maglagay ng B.B. Cream at press powder sa mukha, 'Nananadya ka na naman!' naglagay ito ng transparent lipgloss na nagkakalampaslampas na sa sobrang pagmamadali. Nagmadali rin itong magsuot ng mas presentableng pambahay at naglagay ng cologne.

Nag-internalize muna ito sa may pinto bago nito binuksan ang pinto. "Yes Mom—" Nagulat si Helena. Wala na kasi ang Mommy n'ya. Si Paolo na lang ang nakatayo ro'n at nakangisi ito nang pilyo sa kanya. May hawak din itong maliit na red box na may ribbon.

"For you."

Sumimangot si Helena. "Para saan na naman 'yan?"

"Wala lang, para sa 'yo lang."

"Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na ayoko nang binibigyan mo ako ng kahit ano!" Hindi na kasi mabilang ni Helena kung gaanong karaming regalong nakalagay sa isang red box na ang natanggap n'ya mula kay Paolo simula pa sa pagkabata. Sa saborang dami na nga nito'y mayro'n nang sariling cabinet na tambakan ang mga ito. Hindi naman kasi n'ya binubuksan ang mga ito kahit minsan.

"Ilang beses ko rin ba sasabihin sa 'yo na bibigyan kita kahit kailan ko gusto?"

"Alam mong itatapon ko rin lang 'yan 'di ba?" she lied for the nth time.

"I know. But that's ok. Hindi naman ako ang mawawalan eh, ikaw." Nakangisi pa rin ito sa paraan na tila nang-aasar. Ipinatong nito ang box sa gilid ng pintuan ni Helena

"Bakit mo ba kasi ako nireregaluhan? Ano ba kita?"

Lalong lumaki ang pagngisi ni Paolo. "Ano sa tingin mo?" Tumalikod ito at nauna nang humakbang papunta sa salas.

"Kung nanliligaw ka, p'wedeng bang tumigil ka na? Hindi kita type!"

Bahagyang napalingon si Paolo, hindi pa rin natatanggal ang pangkakangisi nito, "oh really?"

There's something about the combination of Paolo's sinister grin and words that made Helena cringe for a little bit.

It's the memory of a secret only the two of them know.

***

"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa banyo nung nahuli ka n'ya?" tanong ng bff n'yang si Denny kinabukasan. Kumakain sila ng lunch sa isang restaurant. "Nag-e-M?" Humahagikgik ito. "Grabe ka, kung eight years old ka lang no'n, kay bata mo namang nag-umpisang naging Ma-L!"

Napakunot si Helena, "anong nag-e-M?"

"Ano pa, eh 'di nagma-masturbate. Di ba sabi mo nga nahuli ka n'yang umuungol at tinatawag ang kanyang pangalan?"

Napasapo sa mukha si Helena. Naalala na naman kasi n'ya ang pinakanakakahiyang eksena sa virtual tele-drama ng buhay n'ya.

"Tange!" Tinanggal na ni Helena ang pagkakasapo n'ya sa sariling mukha. "Hindi no! Kadiri ka naman."

Natawa si Denny, "Eh ano pala? Bakit kailangang umungol ka pa?"

"Basta!"

"Anong basta?! Ano nga kasi ang nahuli n'ya?"

Napakamot sa ulo si Helena, "Ano kasi eh..."

"Tsk! Ang arte mo Bes ha! Tayong dalawa lang naman ang nandito pero kung mag-inarte ka naman d'yan parang hindi mo ako kasama sa iba mo pang mga kahihiyan sa buhay!"

"Eh kasi...nahuli nga n'ya ako."

"Oo nga, eh ano nga ang nahuli n'ya sa 'yo?"

"N-nahuli n'ya kasi akong hinahalikan ang picture n'ya. May nakita kasi akong picture n'ya na naka-frame sa dingding ng hallway nila papuntang banyo nila."

Humagalpak ng tawa si Denny, "is that a confession na may hidden desire ka talaga sa kanya? Naku, lalo tuloy akong naku-curious kung anong hitsura ng Paolo na 'yan!"

Napahikbi si Helena. "Sige! Pagtawanan mo ako!"

"Eh nakakatawa ka naman talaga! Pakipot ka pa eh type mo naman pala. Eh kung gano'n naman pala ang sitwasyon, eh anong inaaarte-arte mo kung manligaw man s'ya sa 'yo?"

"Eh 'yun na nga ang problema eh. Hindi naman s'ya nanliligaw! Parang nang-aasar lang, gano'n!"

"Oh e 'di ba sabi mo nireregaluhan ka n'ya?"

"Ang sabi ko, parati s'yang may ibinibigay na red box na may ribbon. Malay ko ba kung regalo 'yun. Hindi ko naman alam ang mga nakalagay ro'n."

"Ba't di mo buksan para malaman mo?"

"Ayoko nga!"

"Eh bakit nga?"

"Baka kasi m-mamaya..."

"Baka kasi mamaya'y ano?"

"L-lalo akong..."

"Ano nga?!"

"B-baka mamaya, lalo akong ma-infatuate sa kanya."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon